10

693 10 0
                                    

Ito ang araw na ng balik namin ng pilipinas ang driver ni Dad ang susundo sa amin.

"Mom makikita ba namin si Dad?"gulat ako sa tanong ni Kiana
"I don't know baby why you want to see your Dad papahatid ko kayo sa driver"sabi ko

"I don't like Mom baka biglang dumating again yung girl"sabi nito

"Ok kung yan ang gusto mo"sabi ko na lang.

Lumapag ang eroplano namin agad kong inayos ang dala namin binigay ko ang mga bag nila at agad na sinukbit ng mga ito.

Pag labas namin ay nakita ko agad ang family driver namin na si Tay Tony.

"Tay Tony kamusta po?"sabi ko
"Maayos naman po Ma'am"sagot nito

Tinulungan ko ito ilagay ang mga luggage namin sa van at agad kong sinakay ang mga anak ko at agad na umuwi sa bahay namin.

Sinalubong kami ni manang ang asawa nito sila ang caretaker ng bahay dahil bihirang umuwi sila Dad.

"Kamusta ang flight niyo anak?"kamusta ni Nay

"Maayos naman po"masayang sabi ko "Nay ito pala ang triplets si Kendrick ang naka red Cedrick at Kiana say hi mga anak to lola"sabi ko

"Hi Lola"bati ng mga ito
"Abay kay lalaki na nila ah"natuwang sabi ni Nay Loida

"Opo Nay mag 5yrs old na po sila next month"sabi ko

Nag meryenda muna kami bago kami umakyat sa second floor sa kwarto ko na sila dumeretso dahil sanay ang triplets na sa tabi ko matulog kahit na may extra room sila ng nasa america kami.

Gabi na nang magising ako, ang mga anak ko ay tulog pa din dahil sa haba ng byahe namin.

Nag ayos muna ako saka bumaba at nakita agad ako ni Nanay Loida at nag handa agad ng dinner.

"Asan ang mga anak mo Eunice"hanap ni Nanay

"Mga tulog pa po Nay pagod sa byahe"sabi ko.

"Kailan mo ba pupuntahan yung sinasabi ng Daddy mo para masabihan ko agad si Tony"tanong ni Nanay.

"Baka sa isang araw nalang Nay pagod din ang mga bata"sabi ko

"Kung gayon kumain kana at baka lumamig pa"ani Nanay

"Kayo Nay hindi pa ba kayo sasabay sabay na po tayo gisingin ko lang po yung mga bata"sabi ko

Agad akong bumalik ng kwarto sakto at gising na ang dalawa tanging si Kiana lang ang tulog kaya nilapitan ko ito.

"Baby wake up dinner is ready"sabi ko at pinag hahalikan ko ito hanggang sa magising.

"Go pumpkin wash your face"utos ko sa dalawa na agad naman na nag tungo ng bathroom.

"Get up na baby"sabi ko at mukang nag papalambing ang prinsesa ko kaya binuhat ko ito.

Sabay sabay kaming bumaba habang karga ko si Kiana.

Masayang kumakain ang mga bata dahil masarap daw ang pag kakaluto ni Nanay.

Tuwang tuwa ang mga ito sa mga anak ko.

Dahil gabi na nang magising kami ay hindi kami maka tulog kaya naisipan naman na manood ng movies pampa antok.

Kinabukasan ay nag aya ang mga ito na lumabas dahil ng nasa Baguio kami ay bihira kami lumuwas ng Manila kaya ngayon gusto nila na gumala at sino ba ako para hindian ang mga anak ko.

Nag punta kami ng Moa at hinayaan ko sila sa gusto nila na puntahan.

Nanood muna kami ng movies then after noon ay gustong mag ice skate last ang arcade doon na naubos ang oras namin.

Longing For My Husband (COMPLETE)Where stories live. Discover now