6

791 12 0
                                    

Inalalayan ni Blake ang triplets sa sasakyan nito at nilagyan ng seatbelt nang masigurado na ayos na ang upo ng tatlo ay bumaling ito sa akin agad akong umiwas sa kanya sumakay agad ako sa frontseat maging ito.

Awkward man ang nararamdaman ko pasalamat ako at narinig kong masayang nag kwentuhan ang dalawa ni Cedrick at Kiana.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami agad ng Mall nag hanap agad ito ng parking nang makakita ay agad kaming bumaba at binuksan ang backseat agad kong inalis yung seatbelt maging ito din.

Inalalayan kong bumaba si Kendrick maging si Kiana si Cedrick naman ay nakay Blake.

Agad na tinawagan nito ang parents nito at tinanong kung nasaan sila.
Nang sinabi kung nasaan sila ay agad kaming nang tungo sa entrance ng mall at agad namin itong nakita.

"Ok first what do you want to do kids?"tanong ni Blake

"Movies Dad"sagot ng dalawa ni Cedrick at Kiana
"How about you kiddo?"tanong nito kay Kendrick pero tahimik lang ito
"Pumpkin"tawag ko
"Ok Movies"tipid na sabi nito
"Ok movies here we come"masayang sabi ni Blake

Hindi bumibitiw si Kendrick sa akin at hinayaan ko na lang si Kiana ay nakay Blake si Cedrick ay hawak ko sa kabilang kamay ko.

Pag ka rating sa movie theater ay sinabi nila ang gusto nilang panoorin sila Tita ay nag libot so kami lang lima ang mag kasama.

Nang maka bili ng ticket si Blake ay bumili agad ito ng popcorn at juice para sa amin.

Agad kaming pumasok at naka alalay si Blake sa nilalakaran namin dahil madilim agad naman kaming naka kita ng upuan.

Pinag gitnaan namin ang triplets at masayang nanonood ang tatlo na maririnig mo ang tawa nila.

"Mom you ok?"alalang tanong ni Kendrick
"I'm ok pumpkin don't mind me ha"sabi ko

Lumipat ito sa lap ko dahil kilala ko ang mga anak ko kung paanong mag lambing.

Naramdaman ko ang pananahimik ni Kendrick pag tingin ko ay tulog na pala at napansin ni Blake.

Nang matapos na tulog pa din si Kendrick kaya hinayaan ko na lang na karga ko.

Papalabas na kami ng mag salita si Blake

"Ahm Eunice akin na ako na mag bubuhat mabigat pa naman"sabi niro.
"I'm fine thank you"sabi ko kaya di na umimik si Blake.

Pag ka labas namin ay dumeretso kami sa restaurant dahil ang sabi nito andoon sila Tita kaya dumeretso kami doon.

Tulog pa din si Kendrick kaya hinayaan ko na lang. Maya maya ay nagising na din ito agad ko na inasikaso ito.

After kumain ay nag aya na sila sa arcade at tuwang tuwa di lang ang mga bata maging si Blake at parents nito.

Umabot kami ng ilang oras sa arcade unang sumuko si Kiara na inaantok kaya lumapit ito sa akin.

Habang karga ko ito lumapit si Tita sa akin.

"Anak kamusta ka? Hindi pa tayo nakaka pag usap gaano simula kanina"ani Tita

"Maayos naman po"tipid kong sagot.
"Kamusta ang pag bubuntis mo?"tanong uli nito.

"Worth it ang hirap Tita ng mailabas ko ang triplets akala ko ng una hindi ko kakayanin dahil single parent lang ako pero parang may sariling isip sila hindi sila yung sabay sabay na iiyak dahil nagugutom o puno ang diaper at na andyan din sila Leslie at ang pamilya niya"mahabang sabi ko.

"Anak wala ka bang balak na bumalik kay Blake?"tanong nito.

"I'm sorry po Tita siguro po ito na rin ang mainam kesa na mag sama pa kami at maulit muli ang nangyari ng past sana maintindihan niyo po"sabi ko

"I understand anak hindi naman kita masisi dahil ang anak ko din ang may problema alam natin na against sya sa arrange marriage kahit hindi mo sabihin sa amin ng Daddy mo"ani Tita "ngayon hayaan natin si Blake kung anong gusto niya"dagdag nito.

Hindi na ako sumagot naramdaman ko na lang na tulog na si Kiana sa bisig ko.

Lumapit si Kendrick at inabutan ito ni Tita ng juice agad naman na kinuha nito sa sobrang pagod ay naubos agad.

"Pumpkin your sweat change muna"sabi ko"Ahm Tita pwede po paki po muna si Kiana"sabi ko.

"Sure hija"ani Tita

Agad kong dinala si Kendrick sa changing room at agad na pinalitan ng damit maging ng diaper at nilagyan ko ng towel ang likod nito. Agad kaming bumalik kung saan namin sila iniwan.

Pag pasok namin ay sakto na tapos na din sila agad ko na dinala muli sa changing room si Cedrick.

Napag pasyahan na sa mall na mag dinner kaya nag punta kami sa isang filipino restaurant kung saan kami malimit kumain ng mga bata.

Nag order si Blake ng gusto ng mga bata at ako naman ang tinanong nito.

"Eunice sayo you like kare kare?"gulat ako sa tanong nito kaya tumango na lang ako.

Habang sineserve ang food ay tulog na tulog pa din si Kiana.

"Sarap naman ng tulog ng Prinsesa ko"ani Blake

Ito ang nag asikaso kay Cedrick si Kendrick ay nakay Tita.

Matapos mag dinner ay nag pasya na din kaming umuwi nag hiwalay na kami sa parking ng mall.

"Ahm Eunice turo mo na lang kung saan yung house niyo"ani Blake.

"Sa shop na lang na andoon ang sasakyan ko"sabi ko

Hindi na ito umimik pa inabot kami ng isang oras dahil na din sa traffic pag karating sa shop ay tinulungan ako nito sa mga bata.

Agad kong inayos sila sa carseat nila ng masiguro na ay hinarap ko si Blake.

"Thank you Blake nakita na masaya ang triplets sige ingat sa pag uwi"sabi ko ng tatalikod na ako ng hawakan nito ang braso ko.

"Eunice wait pwede ko ba sila makita muli?"tanong nito

"Sure no problem everyday naman andito ang triplets sa shop"sabi ko.

"Thank you Eunice and i'm sorry"sabi nito.

"Your forgiven already Blake saka wala ka naman kasalanan ginusto ko naman ang arrange marriage na to"sabi ko "And i'm sorry too dahil alam ko ng dahil sa akin hindi mo nakasama yung totoong mahal mo kaya nga hindi na ako nag dalawang isip na palayain ka"dagdag ko pa.

Nang hindi na ito nag salita pa ay sumakay na ako sa sasakayan ko. Tinignan ko sya mula sa labas habang nakatingin sa akin mapait akong ngumiti.

Pag karating sa bahay buti na lang at gising pa ang dalawa agad kong inalalayan ang mga ito.

Si Kiana naman ay pinunasan ko pag dating sa kwarto at pinalitan ng kumportableng damit yung dalawa naman ay hinayaan ko muna mag pahinga.

Pag labas ko sa kwarto ay naabutan ko ang dalawa na nanonood ng tv kaya tinawag ko na ang mga ito at sabay na kami nag linis ng katawan.

Habang naka babad sa bathtub kami ay nag salita si Cedrick.

"Mom bakit hindi natin kasama si Daddy sa house?"tanong nito

"Baby may work si Daddy niyo sa malayong lugar"sabi ko na lang
"Makikita pa ba namin si Daddy Mom?"tanong muli nito

"Yes pumpkin sabi niya tomorrow pupuntahan niya kayo sa shop"sabi ko
"Really Mom"ani Cedrick
"Yes pumpkin"
"Mom you love Dad?"gulat ako sa tanong ni Kendrick
"Of course baby kaya nga andito kayong tatlo"sabi ko na lang

Tinapos na namin ang paliligo at agad kong binihisan ang mga ito ng pajama
At agad na sumampa sa bed ko ayaw nila na sa kwarto pa nila wala naman problema sa akin na makatabi sila.

Longing For My Husband (COMPLETE)Where stories live. Discover now