Paubaya

285 17 8
                                    

I'm one of a thousand woman who thinks that forever doesn't exist. I don't believe in love, because that's bullshit. You'll only hurt yourself. Kaya mo namang mag-isa, you don't need a man in order to be happy in life.

That's what I said back then, noong hindi pa ako pumapasok sa isang relasyon. I don't do boyfriends. I don't have any crushes. I'm the type of girl who focuses studies. Mas busy ako sa pagpapataas ng grades ko kaysa ubusin ang oras sa mga walang kwentang bagay.

Of course I have reasons why I hate the word 'love', why I'm so bitter in life. My Mom and Dad separated when I was in college. We used to be happy back then, not until my father cheated and got the woman pregnant. My Mom and I wasn't enough to fill my Dad's contentment, and I really hate him for that.

He fell out of love at nakahanap sya ng bagong mamahalin na alam nyang panghabang buhay na. That's what he said when my Mom's begging on her knees, huwag lang syang iwan ni Dad, pero hindi pa rin sya nito pinakinggan. Instead, he filed an annulment.

Ako ang mas naapektuhan sa hiwalayan nila. My grades got lower, I'm so stressed and exhausted as hell. Bumagsak ako sa minor and major subjects ko at kailangan ko iyong isummer class or else babalikan ko ulit iyon at hindi ako makakagraduate. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.

"Ganon na lang ba kadali ang lahat sa 'yo, Dad? You're unbelievable. Your reasons are bullshit!" Binalingan ko ng tingin ang babae at dinuro. Inis na inis ako sa pagmumuka nya at sa buong pagkatao nya. Ang kapal ng muka nyang humarap sa Mommy ko at sya pa talaga ang nag-udyok sa Daddy kong magfile ng annulment. "Ikaw babae, gumagana pa ba 'yang utak mo at sa pamilyadong tao ka pa talaga pumatol? Kasing edad lang kita, ah?"

"Divine! You're too much!" galit na sigaw sa akin ni Daddy. I was looking at him unbelievably.

Pinili kong magpakatapang sa harapan ni Mommy para hindi na sya mas masaktan pa.

"Bernardo, I'm begging you, don't leave me, don't leave us. Hindi ko kaya! Please, I will do everything. Tatanggapin ko ang babae mo, 'wag lang ganito." Para akong sinaksak sa dibdib sa paraan ng pagmamakaawa ni Mommy.

Kaya nyang tanggapin ang babae at ang batang nasa sinapupunan nito 'wag lang syang iwan ni Daddy.

But Dad was persistent, gusto nyang pirmahan na agad ni Mommy ang annulment paper para maikasal na sa babae.

Isang buwan din mahigit nang magpasya si Mommy na pirmahan ang annulment. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya nang mga panahong iyon, pero isa lang ang napansin ko, wala nang buhay ang kanyang mga mata at pagod na pagod na.

They were so happy, while us are suffering with so much pain that they caused us. Ang tahanang dati lamang ay sobrang saya, ngayon ay tahimik na at napakalungkot.

Palagi nang nagtatanong sa akin si Mommy kung ano ang naging pagkukulang nya bilang asawa. Ano ang maling nagawa nya para iwan kami ni Dad ng basta-basta.

Ang sakit marinig iyon sa kanya habang umiiyak sya. She's blaming herself, baka raw naging pabaya na syang asawa kaya nagawang mangaliwa ni Daddy. Paulit-ulit kami sa ganon at araw-araw kong pinipilit magpakatatag kahit ako mismo ay durog na durog na. I can't even tell my problems to her dahil ayoko nang dagdagan pa ang iniisip nya.

Kay Rain ko iniiyak ang lahat ng sakit dahil sya lang naman ang nag-iisa kong kaibigan sa school. Nasa tabi ko lang sya habang kinukwento ko sa kanya ang lahat, nakikinig at pinapadama na naiintindihan nya ako. Na hindi nya ako iiwan at kasama ko sya sa laban. And I thanked him for that because it gives me comfort and it calmed me.

"Mom, always remember na wala kang nagawang mali. Hindi ka nagkulang. Sadyang hindi lang nakuntento si Dad. You did your best as a loving mother and wife, and your best was enough," yakap-yakap ko sya habang sya ay umiiyak.

A not-so-happily ever after... Where stories live. Discover now