KABANATA 2: HAMBALOS

20 1 0
                                    

Naka check-in na ako ngayon sa isang hotel sa dalampasigan ng Tacloban, na syang unang babayuhin ng bagyo sa probinsya.

Ikawalo ng Nobyembre, 2013.
Alas Cinco ng madaling araw.

Malakas ang hangin.

Nagsasayawan na ang mga puno sa labas at mukhang mababasag na ang saksmin ng aking silid.

Ilang beses ko nang naranasan ang kagaya nito, ngunit Hindi ko mawari kung bakit naglakas ang kabog ng aking dibdib at nagmukha akong Hibang na propetanang aking nalarawan ang maaring malagim lunos na aking madaratnan sa pagputok
Ng bukang-liwayway.

Pinilit kong matulog sa kasagsagan ng pananalasa.

Napagtanto kong Hindi pa oras iyon ng napipinto kong pagharap Kay San Pedro.

Hanggang sa pumatak ang or as an ng alas Otso.

Yaon saw ang saktong oras ng pAnanalasa ni Yolanda sa Tacloban.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin nang mabuwal ang lahat ng puno at poste sa kanikanilang kinatitirikan.

Nagsiliparan ang mga yero sa lahat ng dakong dakipin ng nagngangalit na hangin.

Mangyari sanang  Hindi ako matangay ng nagngalit na alon sa dalampasigan na wariy hinihila ako patungo sa aking katapusan.

Ang ugong ng atmospera ay nakakakilabot.

Nakakakirot sa tainga ang mahapdi na saliw ng hangin  na wariy nagbabawal sa akin na maulinugan kahit ang aking sarili.

Naging hatinggabi ang umagang iyon. Yaon na yata ang pinakamahabang kalahating oras ng aking buhay. Masyadong marahas ang penomena na yaon. Wariy humiwalay sa aking pisikal na katawan ang aking kaluluwa sa kasagsagan ng paghambalos. Hindi ko na masyadong maipaliwanag o maski maalala ang aking pagkaligtas sa oras na iyon.

Napahtanto kong ako pala at isang mamahayag at kinakailangan kong bumalik sa aking trabaho at gumawa ng pagkakakitaan na iniaalay ko sa aking mga mounting anghel -- ang aking mga anak.

------------------------------------------------------

Unang panayam:
Nobyembre 8, 2013
Marlon Ruis
14 anyos

Ako po so Marlon Ruis, bahay po namin yung naaa dalampasigan. Labing tatlo po kaming magkakapamilya. Lahat po sila wala na. Ako lamang po ang nattitirang nabubuhay, humihinga. Noong inabot po kami milyun-milyong malapakong buhos ng tubig-alat, unti-unti pong nabunot ang tahanan namin at halos wala na kaming makapitan. Ako po at ang mama, kasama ang bunso naming babae ang tanging nakakapit at nasapo ng grills ng aming wasak na tahanan. Ngunit bunsod po sa masyadong matinding ragasa ng tubig ay nakabitaw po sila sa pagkakahawak. Dilat-mata ko pong nasilsilayan ang unti-unting pagkawasak ng aking pamilya, ng aking tahanan, ng aking kinbukasan. Hindi ko po malaman kung ano ang gagawin, kung paano haharapin ang bukas.
Tulungan nyo po kami!

Mangiyak-ngiyak sya sa kasagsagan ng aking interbyu. Nangnginig ang kanyang panga habang sinasalaysay ang kalunoslunos na dramatikong malapiksyon na trahedyang iyon. Nasilayan ko ang namumutawi na takot sa kanyang murang mga mata. Wariy wala na syang bukas na inaabangan. Walang maaninag na pag-asa sa look na ito. Mag-iikot ako bukas sa ibang lokasyon at maglilikha ng dakilang Katha at magsisiwalat sa publiko ng impormasyon at katotohanan tungkol kay Haiyan o tawagin nalang natin sa pangalang, Yolanda.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

talaarawan ng pariwarang paraisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon