"Bakit hindi mo kami hinintay?" Unang tanong ni Fergal.

"Oo nga. Nasayang 'yong pinlano natin kanina susugod ka rin pala ng mag-isa." Parang batang sabi naman ni Rrender. Isip bata talaga, nagtataka tuloy ako kung paano ito naka-graduate at naging 2nd lieutenant.

"Huwag nga kayong epal nagpapakitang gilas si lover boy natin, why can't you support him." Sabi naman ni Reividan na may kakaibang ngiting tumingin kay Acerdel at sa akin. "Gumaya nga kayong tatlo kay Kerr na tahimik lang di mo alam kung nauutot na ba o natatae na. Hahaha!" Kaagad naman siyang nakatanggap ng malakas na batok kay Kerr na nanahimik lang. Nagtawanan sila sa inasta ni Kerr na sinabayan ko na rin.

Samantalang si Acerdel at Kerr ay pawang mga kill joy sa buhay at ayaw makisabay.

"Okay ka lang ba Zaitel? May ginawa ba silang masama sayo? Sinaktan ka ba nila?" Sunod sunod na tanong ni Fergal.

Napailing-iling naman ako "Hindi. Okay lang ako. Si Acerdel pa nga 'yong nasugatan." Sagot ko. Napatingin naman sila sa braso ni Acerdel na may konting gulat sa mukha.

"Anong nangyari at nasugatan ka?" Tanong ni Reividan na hindi man lang sinagot ni Acerdel kaya ako na lang ang sumagot.

"Amh...nasaksak kasi siya nong isa sa mga kidnappers kanina sa loob." Sagot na ikinakunot ng mga nuo nila.


"Kidnapper laban kay Acerdel? I'm sure hindi niya basta-basta masusugatan ang isang tulad nito." Sabi niya na tinuro pa si Acerdel gamit ang kaniyang hintuturo. Napatingin naman ako sa mukha ni Acerdel na kalmado lamang.

"Trust me hindi ang katulad ni Acerdel ang papayag na masugatan kahit nga siguro gasgas ay hindi ito tatanggap. Tell us the truth, what did really happens?" Napalunok ako sa sinabi nito. Alangan namang sasabihin kong 'nasugatan siya kasi magkayakap kami kanina kaya hindi namin napansin na sinugod pala kami ng kotselyo' ayoko nga. Tsk.

"Sir!" Agaw pansin ng kung sino. Thanks God, savior.
"Ito daw umano ang leader ng mga kidnappers." Dagdag pa nito na mas lalong nagpaagaw sa atensyon naming lahat. Don ko nakita ang isang lalaking na naka military uniform rin pero iba lang kulay sa uniform kaysa nila Fergal may hilahila itong lalaki na may ungas na pagmumukha.
"Nakita namin siyang nakatago lang sa may damohan don sa may gilid ng gusali." Imporma pa nong lalaking police, ata.

"Sino ang nag-utos sa inyo." Walang emosyong sabi ni Acerdel sa lalaki. Well it doesn't sound like asking it sounds like demanding one.

"Walang nag-utos sa amin. Parang awa niyo na sir may pamilya akong binubuhay nagawa lang namin 'yon dahil sa kawalan ng pera." Makaawa nito. Naawa na sana ako pero ng mapagsino ko ang boses ay nag-uusok ang ilong ko sa galit.

"I think his telling the truth." Seryosong sabi ni Fergal na nakatingin rin sa lalaki. "Alam mong mali ang ginawa niyo at dapat niyo iyong pagbayaran kasama ng mga kasamahan mo." Dagdag pa ni Fergal.

"Mga tangina kayo." Sigaw nong lalaki at parang baliw na tumawa.

"Dalhin niyo na 'yan sa presinto at ang iba pa." Utos ni Fergal don sa police na may hawak sa kidnapper.

"Sandali lang." Pigil ko don sa lalaking may hawak sa kidnapper.

"Zaitel." Saway ni Acerdel.

"Ms. Zaitel." Pigil pa ng iba sa akin.

Pero di pa rin ako nagpapigil at nilapitan ang lalaking kidnapper at walang sabi sabing sinuntok siya ng malakas, muntik pa siyang tumilapon kung hindi lang siya mahigpit na hawak nong police.

I heard them gasped in disbelief. Kahit 'yong kidnapper ay di niya rin inasahan ang ginawa ko.

"Ikaw ang TANGINA." Sigaw ko rito at muli siyang sinuntok this time ay nilapin na nila ako Acerdel para pigilan na muling suntokin 'yong lalaking kidnapper. "Bwesit ka. Kung inaalala mo 'yong pamilya mo sana hindi ka gumawa ng masama. Wala kang utak. Kawalan ng pera? Oh, e ngayon, anong napala mo diba wala ano na ang kakainin ng pamilya mo ngayon sino na ang bubuhay sa kanila? Tanga mo. Dapat inisip mo muna bago ka gumawa ng desisyon mo." Nakayuko lamang ito at nasisiguro kong sisingsisi na ito sa kaniyang maling ginawa. Magmamarcha na sana ako palabas pero bumalik akong muli ng may maalala na naman akong iba.

Humarap ako sa lalaking kidnapper at pinigilan ko ang sariling huwag siyang sapaking muli.

"May naalala pa pala. Oh ano ka ngayon, like what I said makakauwi akong ligtas at walang galos. Bwesit!" I said then smirked at saka nanlilisik ang matang tumingin kay Acerdel na ikinagulat niya naman.

"Ikaw naman." Wala sa sarili kong sabi na nakaturo pa ang hintuturo kay Acerdel. Tahimik lamang ang lahat kaya feel na feel kong magsalita. Hinila ko ito palapit sa akin na hinawakan siya sa isang braso niyang walang sugat. "Halika ka nga rito. Isa ka pang bwesit lagi niyong pinapainit ang ulo ko." Sabi ko pa at nagsimula ng maglakad habang hilahila siya. Narinig ko namang naghiyawan ang mga naiwang kaibigan ni Acerdel sa tuwa na hindi ko naman na pinansin pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Nakalabas na rin kami sa wakas sa gusali na iyon pero akala ko tapos na ang lahat pero may tao pang di ko inaasahan na sasalubong sa akin.

"Zaitel." Banggit niya sa pangalan ko na ikinadilim ng mukha ko sa galit. Pagod na ako. Nagtataka akong napatitig sa mukha niyang may putok sa labi at sugat sa may gilid ng kilay mukhang bago pa lang ang mga 'yon.

Napatingin siya kamay kong nakahawak sa braso ni Acerdel, ngumiti siya ng pagkatamis tamis na ikinadilim lalo ng mukha ko. 'Mapagpanggap' 'yan lang masasabi ko.

Humakbang ako palayo sa kaniya at tinanong na lang si Acerdel "Nasaan ang kotse........." Naputol ang pagtatanong ko ng hinabol ako ni........

"Zaitel, please talk to me." Sabi nito at naramdaman ko ang pagmamakaawa doon pero pinanatili kong madilim ang mukha ko at walang emosyon siyang hinarap, binitiwan ko na sa braso si Acerdel.

"Pasensya na Mr. Somerhalder but I don't have time to talk to you." Pormal kong sabi kahit na ang totoo ay gusto ko na siyang sigawan sa galit pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Ang daming kong tanong na gusto ko siya ang makasagot non. Tinalikuran ko siyang muli.

"Lead the way." Sabi ko kay Acerdel na sinunod niya naman.

"Zaitel sorry. Please let me explain first." Rinig kong sabi ni Darren na ikinatigil ko sandali. "I didn't mean to hide to you. I-i j-just........."

"I don't need your goddamn explanation Lunokin mo na lang kung gusto mo." Sabi ko na hindi man lang siya nililingon at nagpatuloy na sa paglalakad at ng makita ko na ang kotse ni Acerdel ay kaagad na akong pumasok sa driver's seat dahil alam kong may sugat naman si Acerdel, kahit na mukhang wala lang naman ito sa kaniya.

Pinigilan kong bumuhos ang mga luha kong nagbabadya ng pumatak. He's not worth it to cry for.

I let out a deep breath and sighed before maneuver the car.

"I can drive, Zaitel." Biglang salita ni Acerdel.

"No you can't. May sugat ka lang naman sa braso kaya hayaan mo na akong ipagmaneho ka." Sabi ko na lang na ikinatahimik niya.

"Where are we going?" Kapagkuway tanong nito ng mapansin niya atang hindi ang daan na papuntang mansyon ang dinadaanan namin.

"To the hospital." Wala kong emosyong sabi na hindi niya naman ikinaimik. Kailangan malinisan 'yong sugat niya baka magka infection pa at lumala.











My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now