CHAPTER 37 - Terrible Liar

Magsimula sa umpisa
                                    

“Did he finally confess to you?” tanong niya. Yung dating ng tono ay parang hindi naman talaga siya  interesado. Walang buhay pero may halong hint ng pagsusungit. 


Ano daw? Confess? Anong pinagsasasabi nito??



“Huh? Anong confess? Anong iko-confess?” Naguluhan ako sa tanong niya. Bukod sa out of the blue eh hindi ko talaga inaasahan. Nakita ko naman kong paano umikot yung mga mata niya sa akin. Nice. Sa wala akong idea eh, anong magagawa ko?




“That he likes you.” walang kagana gana niya pa rin sagot. Ako naman eto, sobrang nagulat sa sinabi niya. I’m sure parang sira ang expression ng mukha ko ngayon.



That he likes you.

 

He likes you.




 

“A-anong sinasabi mo? W-walang gusto sa akin si Greg. Kaibigan ko lang yun.”  Pero imbis na maniwala nalang sa sinabi ko at tigilan na, eh hindi. Ayaw niyang paawat. Wala siyang preno ngayon.




“Oh, yeah? Okay, so what if one of these days bigla siya mag confess sayo. Told you he likes you. How will you respond to that? Sasagutin mo ba siya? Ha, Chase? C’mon, tell me.”



Ano bang nakain nitong si Andrea? Saang lupalop niya ba pinupulot yang mga tanong niyang 'yan? Kanino at saan niya pinulot ang ideya na may gusto sa akin si Greg? Parang gusto ko pa matawa. Ang random ng naiisip niya.




“Hindi.” sagot ko nalang. Naguguluhan ako. Bakit may ganyang issue? Tsk. Lalo ako napapagod sa pag-iisip eh. 





“Hindi? What? Anong hindi?” tanong niya pa ulit. Tama na.



“Bakit ba andami mong tanong Andy? Umalis na kaya tayo. Traffic na naman mamaya eh.” Kung sa halip na tanong siya ng tanong ay pinaandar niya na itong sasakyan niya baka nandun na sana kami sa kanila. Nakakapag-aral na sana kami. Malapit na midterm exams!


“Answer the question first. Isa nga lang yun eh. Madami ka dyan. I’m just asking kung sasagutin mo siya or hindi. Okay, let me rephrase the question na lang. Do you like him, Chase? Do you like Greg?”


Dahil nga sa naguguluhan ako, hindi ko siya agad inimikan. Ang tagal namin tahimik. Nag-aalangan na nga ako kung dapat ko pa bang sagutin yung tanong niya.


Do I like Greg? Well, syempre naman. Kaibigan ko yung tao eh.


“No. Wala akong gusto kay Greg. I like him as a friend. O ayan, sinagot ko na yung tanong mo. Happy?”


Naramdaman kong bumuntong hininga siya sa sagot ko. Akala ko okay na at satisfied na ang mahal na prinsesa pero, hindi pa rin pala. Ano ba yan!



“Why? Is he not your type? Is he not as tall, dark, and handsome as your previous boyfriend?”



Kumunot ang noo ko. “Previous boyfriend? Anong sinasabi mo na naman dyan?” Kanina tungkol kay Greg ngayon naman previous boyfriend. Luh. Daming alam eh.




“Obviously I’m referring to your ex, you silly girl.” Dinamay pa talaga yung ex ko. Grabe.



“My ex?” Kung nasaan man lupalop yun ngayon, nananahimik na siya. Hayaan na natin. Huwag na isama sa usapan. Kung makapag jump naman kasi ng topic itong si Andrea. Dinadamay lahat eh.

“Ano ba? Yes, your ex. Your previous boyfriend. The one who used to call you ‘Santi’. May amnesia ka ba?” natatawa niya pang tanong pa ulit sa akin. 


QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon