Isang normal na hapon. Patapos na ang soccer practice ng school team. 2 - 3 ang puntos, pabor sa aming kalaban.
Idrinibol ko ang bola nang mabilis.
Pinapanuod kami ng mga girls, nagchecheer sila ng malakas. Gusto kong magpakitang gilas lalo't isa sa mga nanunuod ay ang crush kong si Jasmine, childhood friend ko mula pa noong kindergarten kami.
Bumilis pa ang aking takbo, ilang metro na lang ang layo ng goal post. Itinaas ko ang aking kanang paa na handang sipain ang bola. Isang madilim na anyo ang biglang humagibis sa aking harapan at sa isang kisapmata'y nakahandusay na ako sa lupa.
Mas lalong nagsilakasan ang mga hiyaw ng mga babae.
"Kyaaaah Kiev! Kiev! GO! GO!"
Tumayo ako't pinagpag ang aking mga tuhod. Lumingon ako at humaharurot si Kiev patungo sa aming goal post. He gracefully evaded his defenders, kicked and scored a magnificent goal. The cheers grew even louder.
Lumingon ako sa mga babae uli at naging maliwanag sa akin kung sino talaga ang ichinicheer ni Jasmine.
My heart sank.
Ako'y lumakad papunta kay Kiev. Napansin niya ako and a huge smile formed on his face.
"Gabriel, nanalo kami!"
"Oo na." Sabi ko na may pagmamaktol. May pustahan kami na kung sino ang makascore ng marami ang siyang panalo, ang kulelat ang manlilibre ng gatorade. "Libre ko."
Aaaaah, nanlalantay ang aking katawan sa pagod. Gusto ko nang umuwi.
Masakit sa puso talaga.
YOU ARE READING
My Bestfriend is a Harem Protagonist!
RomanceSi Kiev ay mabait, masipag, athletic at higit sa lahat mala-anime ang kagwapuhan. Kasingkulay ng isang harem anime ang buhay. Madaling mainlove ang mga babae sa kanya kaya itinuring ko siyang isang "harem protagonist". It's all fun and dandy until o...
