prologue

17 1 0
                                        

"ma!" sigaw ko mula sa itaas. Tumingala naman siya at tinanong ako.

"bakit may kailangan kaba?"

"pwede pong pakihinaan?" tukoy ko sa tugtog niya dahil nag zuzumba nanaman siya.

"bawal!" pagsingit ni bea dahilan ng pagirap ko. Tinapik naman ito ni mama at pinahina ang music nila.

"kain na kayo dun bea" turo ni mama sa lamesa.

"busog pa po ako tita eh"

"sus ayan ka nanaman, sige na dun na kayo" tulak ni mama saamin.

"sus nandito ka nanaman" inis kong sabi habang kumukuha ng champorado sa kaldero.

"sungit" pabiro nitong sabi at umupo sa tabi ko.

umirap naman ako at kumuha pa ng pandesal sabay nuod sa cellphone ko.

Nag ring ito bigla at agad kong sinagot.

"sus ano nanaman?"bungad na sambit ko sa kanila.

"sungit neto, gala tayo" sinabi ni bri.

"hindi kaba nag sasawang  makita kami?" pabirong tanong ni joshua kay bri.

"hindi" mabilis nitong sagot at agad naman kaming nagtawanan.

"namimiss ka daw eh" biro ni clint agad namang umirap si bri at nagbantang ieend ang call.

Talaga kasing crush ni abry si josh dahil pogi ito at nuknukan ng talino simula pa lang noong kami ay elementary palang hanggang ngayong kami ay senior high ngunit wala siyang magagawa dahil pogi rin ang gusto niya.

"anong oras ba?"

"yown!" sigaw nito at napapalakpak pa.

"wala kayong kwento except kay el- hoy si boss tres ba yan?" tanong nito.

Sumingit naman si bea at nag wave sa kanila.

"sama ka pres"sabi naman nito.

"heh ayoko" tulak ko sakanya bago makasagot ito. Ngunit nagpumilit siya at tumango kay abry.

"masaya nanaman araw neto" biro ni josh kay fhaye.

"nanahimik yung tao dinadamay pa!" sigaw neto at ngumiti.

"ok mamaya nayan teh see u later!" sabi ni josh at pinatay ang call.

Lumipas ang ilang oras ng parang minuto lang umuwi muna si bea para mag palit dahil nga aalis kami.

"tagal ha" biro nito sakin at kinuha ang dala kong bag.

"sus sinabi ko bang isabay moko" tumawa lang ito at binuksan ang pinto.

"hindi pa kayo gumagawa ng thesis?" bigla nitong tanong habang nakatingin sa kalsada.

"hindi pa eh, ikaw may plate na kayo?" tumango lamang siya at binuksan music sa kotse niya.

"bastos mo talaga eh no, kausap ka pa nga" tinapik ko siya ng bahagya sa braso at tinignan ng masama. Linagay niya lang ang hintuturo niya sa kanyang labi.

"ingay mo nakikitang nakikinig yung tao oh" sabi niya at nagpaawang tumingin sakin

Lakas talaga ng amats neto. Ilang minuto lang ay huminto ang kotse niya at nakarating na kami sa cafe ni ate chie.

"musta el, ngayon ka lang ulit tumambay ha" bungad ni ate habang papunta kami sa counter. Nakaorder na daw kasi sina bri, understandable naman dahil late na kami ng 20 minutes.

"busy yan te" inunahan pa nga ako.

"osya regular niyo or bago?" tanong ulit niya.

"reg te" sabi ni bea at pumunta na kami sa table nila joshua. Malaki ang coffee shop ng ate niya kaya hindi namin kailangan pang magdalawang table para tumambay.

"hanep netong si josh, tatambay nga bat may dala kang laptop?" bungad na tanong ni bea kay josh.

"eh si clint kaya ngayon lang nag pasa ng info sa peta namin" Inis nitong sabi. Tinignan naman agad ni bea si clint at nagpaawang labi pa naman ito kay bea.

"baka gusto mong maalis sa banda?"

"tres wag naman, ngayon lang talaga nangyari to" Nagmakaawang sabi nito tumingin naman si clint kay josh dahil tila ginagaya siya nito.

Malaki ang takot ni clint kay bea hindi lang dahil parti siya ng banda niya ngunit matalik na kaibigan nito ang kuya niya na sobrang strikto pag dating sakanya.

"ate figure mo talaga si tres no clint" pag bunggo ni bri sakanya.

Matanda ng dalawang taon saamin si bea kaya malaki din ang respeto nila sakanya.

"andito na pal ang pinakahihintay na prinsesa!" nagpalakpakan sila at kumaway dito.

Mahiya hiya namang tumakbo si fhaye papunta saamin dala na ang inorder ntiong frappe.

"nagawa mo pang malate ha!" akbay ni bri kay fhaye na umupo naman pagitan kila bea at bri.

Bago palang sa grupo namin si fhaye at masasabi ko na napaka bait niya ngunit hindi ko gusto ang presensiya niya ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Make it with youWhere stories live. Discover now