Chapter 18 "HAHAYAAN KO NA LANG BA NA SAKTAN ANG BABAENG MAHAL KO?"

2.1K 83 0
                                    

"HAHAYAAN KO NA LANG BA NA SAKTAN ANG BABAENG MAHAL KO?"

SKY POV;

"Saan ba kasi tayo pupunta?! Gabi na oh!"Sigaw ko kay Kieffer, kakatapos ko lang mag trabaho tapos hindi pa ako nakakapag pahinga, tapos may pupuntahan daw kami.

"Tumahimik ka na lang makikita mo kapag dumating na tayo."Sabi niya habang nakatutok sa daan.

Kaya tumahimik na lang ako.

Ilang minuto huminto ang kotse ni Kieffer, tinignan ko si Kieffer kumunot ang noo ko ang dilim ng paligid.

Bumaba siya at pumunta sa gawi ko binuksan niya ang pinto at nilahad niya ang kamay niya, kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya at bumaba ako, inalalayan niya naman ako.

Ngayon ko lang napansin nasa taas kami ng pinaka roof top ng bundok yah may daan siya dito pumupunta ang mga turista para pagmasdan ang view.

"Hey look."Saad niya at tinuro ang likod ko kaya lumingon ako at napatigil Ang ganda!

"Nagustuhan mo ba?"Tanong niya, tumango ako nakikita ko ngayon ang syudad namin sobrang daming ilaw pati ang mga building nakikita ko na rin.

"Ang ganda"Bulong ko nagulat ako ng may yumakap sakin sa likod at sumiksik sa leeg ko.

"Hoy ginagawa mo?"Tanong ko kay Kieffer kami lang naman tao dito.

"Just stay still alam kong nilalamig ka."Malambing na sabi niya habang nakasiksik sa leeg ko kaya hinayaan ko na lang siya.

"Beautiful right?"Paos na tanong niya, tumango ako habang nakatignin sa buong syudad namin.

"Just like you."Bulong niya na ikinatigil ako.

"Alam kong may kailangan ka na naman, ano ba yon? Huwag mo na akong idaan daan dyan sa pambobola mo."Masungit na sabi ko tumawa siya ng mahina.

"Wala akong kailangan totoo sinasabi ko your beautiful."Sabi niya napatigil ako bat parang kinikilig ako nung sinabi niya yon?

Nanatili kami ng mga ilan minuto na ganon lang ang posisyon pero maya maya napag desisyonan na namin umuwi.

________

Nandito kaming lahat sa private room nila tsk nakabilog kaming lahat maglalaro daw kami.

Lunch na kaya ito nakatambay kami dito.

May bote sa gitna namin kung sino matapatan ng bote siya yon magsasagot or gagawa, kung truth or dare ba ang pipiliin nila tapos yon sa pwetan naman ng bote kung sino ang tamaan non siya yon magtatanong or mag-uutos.

"Oh let's start."Sabi ni Jasper at pina ikot ang bote, tumama yon bibig ng bote kay Aliyah at yon sa dulo naman si Alexander nakita ko na ngumisi si Alex, sus may binabalik toh.

"Anong relasyon niyo ni Cyron?"Tanong agad ni Alex binatukan agad siya ni Andrew na katabi niya lang.

"Tanga wala pang sinabing truth or dare bobo. Atat ka?!"Sigaw ni Andrew napatawa ako ng mahina para mapatignin sakin yon katabi ko hmp.

Inirapan niya ako at sumandal sa balikat ko hinayaan ko na lang siyang ganon.

"Hmp! Truth or dare?"Masungit na sabi ni Alex, tumingin ako kay Aliyah na malamig ang tignin kay Alex.

"Dare."Malamig na sabi ni Aliyah, ngumisi si Alex.

"Kiss mo ko sa lips"Ngisi na sabi ni Alex habang nakatignin kay Cyron, biglang nag iba ang mukha ni Cyron napalitan ng madilim na aura.

"Truth na pala"Mabilis na sabi ni Aliyah nag rereact na yon ibang kaibigan namin pfft.

"Ikaw huh ayaw mo lang mag selos si Cyron!"Sabi ni Alex, tinaas lang ni Aliyah yon middle finger niya kaya mas lalong napatawa sila Alex.

Rent As Girlfriend (Season 2) (Complete)Where stories live. Discover now