Episode 21

201 6 3
                                    

CHAPTER AHEAD ON PATREON
www.patreon.com/officialwhosthatgirl

------------------------------

I bit my lower lip as I continue to listen to what Jace is telling me. Pinagkita ko sa kanya ang mga documents na ibinigay Vince sa'kin kanina. Ang ilang mga dokumentong ibinigay ko sa kanya para suriin ay agad naman niyang kinumpirang totoo at hindi mga gawa gawa at pekeng dokumento lang.

"After graduating with latin honors, he was put to jail..." Ani George na binabasa ang isa pang dokumento. Nabasa ko na 'yon kanina at iba na ang pinag tutuunan nang pansin ngayon.

Katulad ko, abala rin ang mag asawa sa pag babasa. Hindi ko lang alam kung ang dahilan ba ay interesado sila o sadyang mga chismoso rin ang dalawang 'to. I nodded at George at answer her confusing question.

Bumuntong hininga ako para maibsan kahit papaano ang nararamdamang pang gigigil at panginginig pagkatapos nang lahat nang nabasa ko.

"He was put to jail for one year or so. Dahil sa isang rape case with abduction na ang nag file ay mismong babae. Victoria Enrile." Sagot ko

"He was bailed after one year and a five months." Sagot ni Jace saka itinaas ang isang dokumentong hawak niya, "Hindi napa tunayan na siya ang totoong may sala at danyos na lang ang hiningi nang mga Enrile."

I nodded before closing my eyes. "I want to know who's Victoria Enrile." Saad ko, "At ano ang namagitan sa kanila ni Randal."

"I will check on that," Saad ni George, "Pero hindi ba mas maganda kung kumpirmahin mo ang lahat nang ito kay Randal?"

Tinignan ko siya. Iyon ang alam kong tama ngunit wala sa kontrata namin dalawa ang makisali sa mga personal na bagay. Isa pa, malaki ang hinala na ko ang Victoria Enrile na 'yon ay isa sa mga naging babae niya under the same contract I am in. Bumuntong hininga na lang ako sa kanya at hindi na sumagot.

"The Del Franco's covered it up from the media. All of his hard works are stripped down by his Father. He's a licensed lawyer!" Gulat na sinabi ni Jace, "Kaya siguro pamilyar siya sa'kin."

Kumunot ang noo ko, "Lawyer?" Tanong ko

Tumango siya, "He is a lawyer pero natanggalan nang lisensya dahil sa nangyari."

"Akala ko ba kaka-graduate niya lang nang accountancy bago siya nakulong?" Litong tanong ko

"He first graduated with latin honors. Business management. Siya ang inatasang mag hawak nang Del Franco Cements and Steel. Pero dahil gustong mag abogasya, pinagsabay niya 'yon at ang pagta-trabaho sa sariling kompanya. He had his fair share of women beside him." Saad ni Jace

"Well, for a man with that perseverance and discipline with a big dream, who wouldn't want to be his woman for a night, right?" Tanong ni George

Kumunot ang noo ni Jace habang naka tingin sa asawa. Umawang ang bibig ni George sa kanya at bahagyang hinampas si Jace sa balikat.

"I am not!" Giit ni George

Jace hissed, "Just checking." Anito bago umiling

Napa iling na lang din ako habang natatawa sa kanilang dalawa.

"And... Victoria Enrile is one of his women." Dugtong ko.

Jace nodded, "For a man like Randal, these women are plenty." Aniya

Bumuntong hininga ako dahil nabasa ko na rin ang listahan nang mga babaeng naging babae niya o hindi kaya ay mga na-linked sa kanya. Name it, Andrea Smith, Joyce Delos Reyes, Ann Ching, Hillary Curtis, at ilang mga artista kasama na si Victoria Enrile.

Bad Boy Series 4: StrippedWhere stories live. Discover now