Adorable 02 : Palaboy

10 3 0
                                    

ADORABLE HELPER
02 : PALABOY


Zowen P.O.V

MAYBE I have the right to harbor resentment over what I learned about that person. This is too much. Our house has two bedrooms. My siblings slept with my parents in their room, at ang supposed to be na kuwarto ko naman ay may makakasama ako. At sa taong dinampot lang pala nila sa kung saan?

Naiinis nga ako e. I never see this guy before sa video call, pero nakikitira pala siya sa amin. Tapos naniwala sila sa kuwento ng tao na ito noong madampot lang nila ang palaboy na ito. Oo palaboy! Palaboy na binigyan nila kaagad-agad ng puwang sa bahay na ito. Now I see kaya siya masiyadong pabibo. Sapagkat ulila na daw si palaboy sa ina at kamag-anak na nasa malalayong lugar. Tumulong ang magulang ko sa kanya kasi gusto daw makapag-ipon ni palaboy para bumyahe at hanapin ang tatay niya na siyang huli daw nitong pag-asa. At sa pamamagitan ng carinderia namin ay naging oppurtunity ito for him.

Wow parang teleserye ang script na ginawa nitong palaboy na ito a? Naniniwala talaga sila sa taong iyan? Duda ako. He might be a bad person. Sa panahon ngayon uso na ang mga opurtunista. Sa tingin ko kasi ay parang mapangsamantala iyang palaboy na iyan at parang hindi mapagkakatiwalaan.

“Maawa ka naman kay Grant anak. Napakabait naman niya at masipag.” Sabe pa ni papa. Napatango-tango naman ako kasi sina papa na iyan e. Pero huwag mage-expect sa akin iyang palaboy na iyan.

Siyempre bilang hindi ko siya gusto. Aba! Pabor ako sa gusto niyang mangyari na sa sahig siya matutulog ng kuwarto. Alangan namang tabihan pa niya ako. Tsk! Nabulabog ko pa tuloy sina mama at papa. After nila ako kausapin bumalik na kami sa pagtulog. Ilang oras na naman kasi gigising daw sila para magluto na ng mga menu sa carinderia.

“Pasensiya ka na Zowen, kung nabigla kita kanina. Nakita kasi naming pagod na pagod ka at ayaw din naman kitang bulabugin pa. Pasensiya ka na talaga kung tinabihan kita sa pagtulo—” salita ni palaboy sa akin noong mahiga na kami na pinutol ko.

“Matulog na tayo!” saad ko tapos nanahimik naman siya. Sinilip ko siya ng pasimple noong makita ko na mangiyak-ngiyak siya. To be honest lang naaawa din naman talaga ako sa kanya pero ewan ko ba? Hindi lang siguro ako 'yung taong mabilis magtiwala. At siyempre nakakaramdam din ako ng selos sa mga nakikita ko na good treatment sa kanya.

---

KINABUKASAN tinanghali na ako ng gising. Hindi na gumising iyong diwa ko para man lang sana makatulong sa pagluluto. Gumising ako na si palaboy lang ang nakita ko na abala para kumuha ng ilang gamit at halos paalis narin kung hindi lang ako nakita at sinabi sa akin na nasa carinderia na si mama at si papa naman ay pumasok na sa trabaho niya. Masigla niya iyong sinabi. Parang nag-ibang tao na naman siya. Energetic na naman masiyado.

Napakamot tuloy talaga ako sa ulo ko sa fact naman na hindi ako nakatulong. “Sasama ako, maliligo at magbibihis lang ako.” Sabe ko saka naman ngumiti si Grant at tumango-tango sa akin.

“Pakibilisan nalang baka nahihirapan na si Tita doon,” turan pa niya sa akin. Ngumiti na naman siya at nanliliit ang mata. Nagpapa-cute.

Napailing-iling nalang ako saka naligo pagkatapos ay nagbihis ng mabilis bago ay ni-lock namin iyong pinto ng bahay, gate, at tinulungan ko siyang magbuhat sa ilan sa mga bitbit niya.

“Thank you, Zowen!” saad naman niya pagkatapos ay ngumiti ulit. Fine! Aaminin ko may itsura din naman talaga siya, attractive at napakaamo ng mukha niya kaya hindi narin ako magtataka na may mahuhulog sa mga ginagawa niya. I mean sa mga pagsisinungaling niya to be exact.

Hindi ko tinugonan iyong mga ganiyan ganiyan niya. Bagkus nagmadali nalang ako maglakad saka siya sumunod para tunguhin naman iyong highway. Medyo malayo-layo ng konti pero hindi na kailangang sumakay pa ng tricycle. Lakarin nalang okay na. Nang makarating na kami sa highway ay tumawid na kami para sumakay ng bus. Hindi siya iyong typical na bus sa mga terminal. Walang pinto na bumubukas kasi bukas na talaga, pati mga bintana nakabukas narin, at itsurang luma.

SCU THE SERIES •  ANTHOLOGY | BOOK 4 | Under SELF PUBLISHEDΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα