Chapter 4:

40 2 0
                                    

Hyunjin Pov:

"Sa susunod, huwag kang maglalagay ng isda sa bathtub anong tingin mo dun aquarium? Paano kung namatay lahat iyon?" Panenermon ko sa kanya nang makaalis na sina veru.

Sino ba namang hindi maiinis nilagay nya lang naman yung mga alaga ko sa bathtub at namatay yung isa, dadalawa na lamang tuloy ang natira. Nasa isip ko ng tanggalin sya sa trabaho dahil puro kapalpakan lamang naman ang ginagawa nya wala na syang nagawang maganda. Ngunit nang dumako ang mga mata ko sa baby nyang inosenteng nakatingin sakin para itong bulang naglaho. Hays!

"Pasensya na hindi ko naman sinasadya. Sorry! Papalitan ko na l-lang, m-magkano ba ang isang yun?"

Pagak akong natawa. Seriously?

"Ah talaga? Alam mo bang sa England ko pa iyon binili at napakaexpensive ng isang 'yun. Kaya mong palitan?"

Napayuko sya.

"K-Kung yun lang ang tanging p-paraan upang hindi mo ako paalisin g-gagawin ko. Huwag mo na lang akong swelduhan kapalit ng isdang 'yun, ayos lang."

"Pasensya na anak, nagkamali na naman si momma kaya tingin ko hindi muna kita mabibilhan ng diapers paubos pa naman na yung diaper mo. Kahit panggatad hindi na muna kita mabibilhan magtubig ka na lang muna anak, sorry." Nalulungkot na sabi nito sa anak nya tsaka nagpunas ng mata?

Teka nga? Bakit parang ako pa 'yung masama dito? At wala naman akong sinabing palitan nya.

"Huwag ka ngang umiyak dyan, waka akong sinabing papalitan mo 'yung isda. Tsk! O heto, ibili mo ng diaper si chloe pati gatas na din. Nag-anak ka pero hindi mo naman kayang alagaan? Hays." sabi ko tsaka naglabas ng pera at binigay sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ko biglang ginawa ito pero hayaan na nga five thousand lang naman. Nanlalaki ang mga mata nyang napatingin sakin ng direcho at sa perang hawak ko at sa mukha ko ulit.

"B-Binibigay mo talaga iyan sakin?" Tila hindi makapaniwalang tanong nya.

"Aning klaseng ina ka ni hindi mo manlang mabilhan ng kailangan nya ang anak mo, hindi ka nanaawa sa baby."

"S-Salamat."

"Ibabawas ko 'yan sa sweldo mo."

"Ayy." Biglang naglaho ang ngiti nya at na stuck sa ere ang kamay nyang aabutin sana yung pera.

"Biro lang. Tsk! Kunin mo na bago pa magbago ang isip ko."

"Salamat." Ngiting ngiting saad nya.

"Kita mo na? Wala ka ng mahahanap na ganito kabait at kapoging amo."

"Oum."

"Next time ayusin mo na ang trabaho mo ah?" Sabi ko.

  Sa totoo lang, hndi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na bang sinabi ang salitang iyan sa kanya, at mukhang hindi nya parin 'yun magets.


***

I'm sitting in a couch sa living room while watching TV. Sinusulit ang araw ng pahinga ko, masyado kaming naging busy nitong mga nagdaang araw dahil sa mga photoshoot s, fanmeet at practice para sa bago naming music video na ilalabas next next week. Then, next week may gagawin naman kaming commercial at ito lang ang pagkakataon na makapagrest all day.

Tahimik akong nanonood habang sumisimsim ng kape nang makarinig ako ng mga yabag na papalapit sakin. Psh! Si Janna 'yan sya lamg naman ang kasama ko dito. Huminto ang mga yabag na 'yun sa gilid ko, ngunit hindi ko sya pinansin, magaan ang pakiramdam ko ngayon, maganda ang gising ko ngayong araw.

"Ah.... Hyunjin." Tawag nya.

"Bakit?" Tanong ko ngunit di ko sya pinag-abalang lingunin.

"Ubos na ang stock natin sa reef wala na tayong lukutuin mamayang panghalian kaya maggogrocery ako."

Superstar Series 1 Falling into your SmileWhere stories live. Discover now