Prologue:

328 7 1
                                    

"Aaahhh!! Andiyan na sila!!"

"JVH! We love you!!"

"Jinsung Young, you're so handsome!".

"Veru my bias!"

"Pa-autograph naman!"

"Hyunjin!"

Halos dumugin na ng mga fans nila ang JVH nang makalabas na ito ng MOA after their concert there. JVH ang PPop group na sobrang sikat at kilala world wide. Kanya kanyang tilian at flash ng mga camera's ang sumalubong sa kanila paglabas, may ilang mga fans na gustong magpa-autograph at mga reporters na gusto silang interview-hin mabuti na lamang at may mga bodyguards na pumuprotekta sa kanila upang hindi sila tuluyang dumugin ng mga tao. They are just arrived here in the Philippines last week after their guessings, photoshoots and concerts into different countries. Bumalik sila sa Pilipinas para surpresahin ang kanilang mga fans sa kanilang comeback.

"So...What are your message for them?" Tanong ng isang reporter na kausap ni Hyunjin ang leader ng grupo.

"Our Angel's are the best! We are very thankful for the love and supports for us."

"We love you Angel's!!" Sabay sabay na saad ng tatlo bago kumaway sa kanilang mga fans.

Muli na namang nag-ingay ang mga fans while waving their banners, posters and light stick. Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ni Jinsung habang kumakaway at nagfaflying kiss sa mga fans na kilig na kilig din habang si Veru naman ay nagbibigay ng autograph sa ibang mga fans na malapit sa kanya. Samantalang si Hyunjin naman ay inip na inip na habang pinupunasan ang sariling pawis sa noo. Nakahinga sya ng maluwag nang makaalis na sila sa labas ng MOA at makasakay ng kanilang sasakyan.

"Nabingi ako sa ingay nila kanina ah." Sabi ni Jinsung.

" *Yawn* I want to sleep." Sabi naman ni Veru bago sinandal ang likod sa inuupuan.

"Tsk! Kanina pa ako naiinitan." Reklamo ni Hyunjin habang hinuhubad ang suot na jacket.

"Sino bang nagsabing magjacket ka?" Tanong ni Jinsung.

"Ang taas kaya ng sikat ng araw, baka masunog ang aking balat."

"Ang arte.

"Tsk! Palibhasa, ikaw wala kang care sa sarili mo." Singhal ni Hyunjin.

"Natural kasi ang pagiging gwapo ko." Puno ng confidence na sabi ni Jinsung.

"Assuming. Hindi ka naman naliligo."

"Mukha mo! Kahit hindi ako maligo mabango parin ako."

"See? Inamin mo rin."

"Hoy naliligo ako! Anong tingin mo sakin kambing?"

"Hindi. Rabbit."

"Aba't-----"

"Manahimik kayo, natutulog si Veru." Suway ng manager nilang si Mr. Lee tsaka nginuso sa likod si Veru na mahimbing ang tulog.

"Grabe, kahit saan na lamang mapasandal ang taong 'yan mamamalayan mo nalang humahagok na."sabat ng driver nilang si Genesis.

Superstar Series 1 Falling into your Smileحيث تعيش القصص. اكتشف الآن