Alpha was about to speak again nang magbukas ang pintuan. Akala niya ay galit ang una niyang madadama para sa gumawa nito kay Marci pero hindi. Pagkakita niya pa lang sa mukha nito ay natawa talaga siya. Hindi niya napigilan. He looked like a mess. Halata na ang black eye ng lalaki at putok din ang labi nito.

"Kinuyog ba siya?" Tanong niya sa dalaga.

Umiling ito. "Ako ang sumuntok sa kanya."

"Nice shot." Sabi ni Arthur dito, bagay na nagpangiti uli dito. She looks calmer now kahit na andito ang gumawa sa kanya nito.

Kaya naman pala may sugat din si Marci sa kamay gumanti naman din pala ito. She's still strong, talaga lang siguro ay pagod na ito ngayon.

"Sabihin mo lang ang nangyari Marci," Arthur sat down beside Marci habang kaharap naman nila ang lalaki na masama pa din ang tingin kay Marci. "Akong bahala sayo."

Hinayaan na niyang ang pinsan niya ang magsalita at magtanong. Siya naman ay nakatayo lang sa gilid ng mga ito at tinitingan kung ayos lang ang dalaga. She's a tough one pero lahat naman may breaking point. Oddly, he wants to be there for her in that time of breaking.

***

TOTOO NGA ANG sinabi ni Arthur, ang abugadong pinsan ni Alpha, hindi siya nahirapan sa kung ano mang usapan na naganap. Ito na ang nakipag-usap sa mga pulis at dun sa pumasok sa bahay niya. Hindi niya lubos akalain na hindi man lang hihingi ng tawad sa kanya ang lalaking iyon. Ito pa ang galit kasi nakatira daw siya sa bahay nito. He kept on insisting na siya ang hindi dapat andoon.

Matapos ang pag-uusap ay balik kulungan ang lalaki dahil na din sa paggamit ng droga. Katulad noong bago sila magkausap ay sinabi na lang uli ni Arthur na siya na ang bahala at dapat daw ay mauna muna siya para mapatingnan ang mga sugat niya at mapa-medico legal para daw sa kasong isasampa nila sa lalaking walang anu-ano ay pumasok sa bahay na tinitirhan niya. Hindi niya na nga halos naiintindihan ang sinasabi nito dahil na din sa pagod kaya si Alpha na ang nakipag-usap dito. Swerte na lang talaga na sinagot ni Alpha ang tawag ng mga pulis dito. He's the only person she knows here. Nakakahiya man ay kinailangan niyang kapalan na lang ang mukha.

Sinamahan siya ni Alpha sa malapit na ospital kung saan tiningnan siya ng doctor. Nilista nito lahat ng findings at sinabi sa kanila na kuhain na lang sa susunod na araw ang final na medical report nito. Si Alpha na ang nakipag-usap dito.

"Hindi mo na talaga ako kailangan samahan." Sabi niya kay Alpha, alas gis na kasi ng umaga nang matapos sila sa medico-legal at ngayon ay nag-iinsist pa ito na ihatid siya sa bahay niya.

"It's okay. Lead the way."

Hindi na kasi makapasok ang sasakyan sa eskinita kaya naman kailangan na nilang maglalakad. Ayaw niya sanang paiwan sa lalaki ang sasakyan nito sa labasan kasi mukhang mamahalin pero sabi lang nito ay huwag siyang mag-alala. Kaya ito nga at nagalalakad na sila sa inuupahan niyang bahay.

"Nakakahiya, sobra nanaman ako ngayon. Iilang araw lang kita nakilala noon tapos nanghingi nanaman ako ng pabor sayo." Marci sighed. Ramdam na ramdam niya ang pagiging panggulo niya sa lalaki. Mabuti sana kung matagal na silang magkakilala pero hindi pa naman.

"I gave my number to you for a reason at wala namang problema sa akin na tulungan ka." Alpha smiled. Hindi na ito mukhang nakakatakot sa kanya. He's kind and accommodating. "I'm the only one you know here. Oo nga pala, hindi mo pa ba nakikita ang kapatid mo?"

"Hindi pa din. Nilibot ko na tong lugar na to pero wala talaga siya." Hindi pa naman siya naghahanap ng ganun katagal kaya naman hindi pa siya sumusuko. Kailangan lang siguro niyang lawakan ang lugar na pinaghahanapan dito.

San Vicente 3: Illustrious Where stories live. Discover now