XVIII: Ultimate Nightmare

231K 4.1K 296
                                    

IKALABINGWALO


Sa loob ng tatlong araw na paghihintay kung may email mang darating ay namahinga na lang muna ako sa apartment. Tatlong araw na pahinga, atsaka minsan, tutulong din kay Aling Percy kapag magluluto siya. Gusto ko sanang magbakasyon sa mga lolo at lola ko, pero saka na lang siguro kapag nakasweldo at naka-ipon na.


Gusto kong bisitahin ang puntod ng mga magulang ko dahil ilang bwan na rin akong hindi nakasisipot. I wanna tell them how much grown their granddaughter is. How much her eyes would sparkle. Pero 'wag na lang din siguro, dahil baka bumangon sila sa nitso tapos ay sampalin ako.


I let him do that. I succumbed. Maybe I wanted to, maybe I don't. But point is, I just knew, he's hopeless. Wala na'ng Ishmael na nakilala ko. Maybe, that's what I've wanted to prove all along. To see if its still love-making, but as to what I've experience, its just one rough séx. Neither, what I felt doesn't change a thing. Its still there. Patay na dapat iyon, matagal na. And its eating me alive.


"Justice?" dinig kong tawag sa'ki ng isang boses ng lalaki.


Pinasadahan ko ng tingin ang bookshop, tapos ay nakita ang isang Gab na papalapit. He's too shiny.


"Gab! Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang makalapit na siya.

Pinasadahan nito ng isang kamay ang buhok bago sumagot. "Hoping to catch you?"

Napasimangot naman ako na mabilis niyang tinawanan.


"Just kidding. May binili lang akong libro para sa pamangkin ko. You know about this book? Fifty Shades of Grey?" aniya tapos ay itinaas ang isang makapal na libro.


Nanlaki ang mga mata ko. Fifty Shades nga!

"Ilang taon na ba ang pinsan mo?" kagat-labi kong tanong.

"Fifteen, Justice. Why?"

Fifteen! Fifteen pa lamang ito tapos ay nagbabasa na ng ganyang libro? Napailing ako.


"Wala. Sige ha, una na ako." sabi ko. Nabili ko na rin naman ang gusto, tapos ay napasadahan ng tingin ang iba. Wala kasi akong magawa sa bahay at nabasa ko na rin ang mga paborito kong libro. Panahon naman na siguro para madagdag ulit sila.


"You're going? Already? Hindi ba pwedeng mag-chill tayo? You know...." Kumiskislap ang mga mata sa akin ni Gab habang pinipigilan niya ako.


"Wala akong pera. Sorry ha." Natatawa kong sabi. Totoo naman. Wala akong pera at gagasta pa ako, pero sa kanyang tingin ay mukhang hindi siya naniniwala at inangat ang kamay kong may hawak na libro.


"Really? Lame excuse." Tinaasan ako nito ng kilay.

Dumiretso na akong counter tapos ay sumunod na rin siya sa akin.


"Wala nga talaga akong pera, Gab. Binili ko lang ito dahil...pinag-ipunan ko talaga." sabi ko kahit na hindi naman totoo. Wala nga talaga akong pera, atsaka ano namang gagawin ko kung magchi-chill kaming dalawa?


Bigla ay naalala ko ang offer niyang date? Humindi kaagad ako, ngunit tinawanan lang siya ako saka sinabihan ng cute. Hindi ko alam kung anong cute sa akin, pero ang alam ko lang ay kahit gaano siya kakisig ay sana'y ibang babae na lang ang kanyang buligligin.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon