XI: Walang Pake

205K 4.3K 462
                                    

IKALABING ISA

"Baka naman super busy lang sa kapitolyo iyang si Sir Ishmael, Justice..."

"Hindi, Lace, e. Mayro'n siyang choice: kung magpapaka-busy ba siya o sa kabila ng pagiging busy niya ay hahanap pa rin siya ng oras kahit masundo man lang ang anak ko. Isa pa, anong silbi ng mga pinapasweldo niyang mga yaya at bodyguards kung ganito lang rin kinalalabasan? Paano kung may nakakitang iba kay Justine? Paano kung lagnatin siya sa lamig? Paano kung..."

Panay ang sulyap ko kay Justine kahit na nag-uusap kami ni Lacey. Tulog na tulog ito at nakahiga sa kama ko. She looked so fragile. She's an angel. At hindi lang inis at galit kun'di poot ang nararamdaman ko para sa ama niya. Kaya ba sobrang natutuwa si Justine kapag nar'yan na ang daddy niya ay hindi ito nabibigyan ni Ishmael ng tamang pag-aaruga at kalinga? Has he been busy with his other girls more than his number one? Has he not been giving the proper love and attention to my daughter?

Napailing ako sa naiisip ko. Bumaling na ko kay Lacey at umupo sa sofa. Hindi ko kinabig ang pintuan ng kwarto kung sakaling magising na umiiyak si Tine.

"Sabagay nga naman, Justice. Pero, kailan mo balak ibalik 'yang anak mo?" Nakasuot ito ng glasses habang nagdadrawing sa malaking sketch pad. Nagkibit balikat ako.

"Hagilapin niya ang anak niya hanggang sa mabaliw siya. Wala akong pake." Dahil iba kapag si Jusrinte na ang pinaguusapan. She's the top of everything. Ibang-iba ang galit na mararamdaman mo makagat lang ng isang langgam ang braso ng iyong anak. Ganoon ang pakiramdam naming mga magulang.

Napakamot si Lacey sa kanyang ulo at pinagpatuloy na lang ang trabaho. Natulog akong walang ibang iniisip kung hindi si Justine.

Kinabukasan, hindi na ko nagtaka nang magising ay sa isang malakas na kabog sa pintuan. Buti ay nakaalis na si Lacey, at tulog pa rin si Justine. Napagod nga talaga siguro kaiiyak.

Binuksan ko ang pinto at tumambad sa'kin at galit na galit na muka ni Ishmael. Nakakatakot ang hitsura niya pero hindi ako umurong. He has no right.

"Anong kailangan mo dito? Mayor?" Pinagdidiinan ko ang titulo niya. 

Sinipat ng mga mata ni Ishmael ang kabuuan ng sala ngunit hindi mapakali ang kanyang mga mata. Napairap ako.

"Kung anak mong hinahanap mo, umalis ka na. Bumalik ka na lang sa mga babae mo dahil di'ba, sila ang mas mahalaga kaysa sa sarili mong anak?" Mapangahas ang tabas ng dila ko pero galit ako ngayon. Dumilim ang mga mata ni Ishmael.

"I know Justine is here. Ilabas mo siya." Sinlamig ng yelo ang boses ni Ish pero tutupukin ko iyon gamit ang nag-aapoy kong galit.

"Ilalabas ko ang anak ko kapag natuto ka'ng maging responsableng ama. Ano, hindi ka siguro mapakali kasi kasalanan mo naman ang lahat? And to think that you are the mayor of this goddam place. Anak mo, hindi mo maasikaso? Anong kwenta kang—-"

"Goddamn it!!! Quit it! Nasa'n si Justine?" Hinawi ako nito paalis at halos sumampal ako sa sahig. Nagngitngit ang mga ngipin ko nang makitang nakita na ni Ishmael ang anak ko.

Parang nanlambot ang mga naninigas na balikat ni Ish nang mahaplos na ang buhok ng natutulog na si Justine Nakahinga ito ng maluwag at kamuntik nang humupa ang apoy na nagpapatakbo sa sistema ko.

Bumaling kaagad sakin si Ishmael matapos mainspekto si Justine. Nagulat ako nang hilahin ako nito sa siko at kinaladkal sa likod ng aming apartment kung saan may maliit na garden.

"Basta-basta mo siyang kinuha? Ang kapal mo, Justice. Nagtitimpi ako tuwing tumatakas si Justine sa bodyguard niya para magpunta sa isang walang kwentang tao. Yes, I fucking know! Hindi ako tanga, Justice! And you know, what? Nasa Hongkong ako kahapon pa. Nag-aayos at pagod na pagod para sa business. Anymore, nagging wife?" mahabang singhal nito sa tenga ko.

He's standing so near and raging. Pero hindi ako nagpaapekto.

Binawi ko ang mga kamay ko. "Wow! Oh, sige! Give it na business 'yan, pero ang mga tao mo, Ishmael - sila ang walang kwenta. Hindi man lang naisip na samahan si Justine sa paghihintay sa'yo kung sakali mang napako ang pangako mo. I am not the one who's worthless here! Kilatisin mo naman muna, bago mo basta na lang itapon 'yang anak mo." mariin kong sabi.

Anong klaseng pagtatrabaho 'yan? And to think that he's blaming me? Hindi naman sa gusto niya akong pasalamatan, pero buuin niya muna 'yang lintik na kahibangan sa utak niya bago siya nanunugod ng pinto.

Galit na galit ang mga mata ko. Galit na galit ang kanyang Ishmael.  Ngunit, isang baba lang ng tingin niya sa aking leeg at dibdib ay kinapos kaagad ako ng hininga.

Nanlambot kaagad ang tuhod ko lalo pa nang makitang bakat na bakat ang dibdib ko dahil spaghetti strap lang ito at wala pa akong bra kasi kagigisig. Mas dumilim ang mga mata ni Ishmael at nagigting ang panga.

Bumalik ang nito ang sa'king mga mata. "Seducing me? C'mon, Justice! You can do better than that!"

Nanlaki ang nga mata ko at humanap ng kahit anong pantakip sa dibdib ko.

"H-Hindi kita nilalandi! Damn you!" Tumaas ang boses ko. Humalukipkip na lang ako dahil walang damit dito. Pati pala hita ko ay kitang-kita dahil maikli at hapit pa ang pang-ibaba ko. 

Ang galing mo talaga Justice. Tsk.

Tumawa siyang pagak. "And here you are saying I'm a man whore wearing that. Tell me, Justice, naka-ilan ka na?"

Tumigil ang tibok ng aking puso at dumagundong ng napakalakas kasabay ng pag-ahon ng luha. Gustong-gusto kong ikwento kung anong kalseng buhay ang kinalaban ko, mabuhay lang kaming mag-ina. Gusto kong isampal sa kanya ang katotohanang kahit sinong lalaki, hindi na muling nakapasok sa buhay ko dahil hindi ko kayang ipagpalit kahit kanino si Justine. Wala siyang karapatan na husgahan ako dahil wala siyang alam.

"Wala kang karapatan sa buhay ko." Nagyeyelo ang boses ko. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ako - pagsabihan ako - pakielaman ako - o batiin ang suot ko. Nakaraan lang kita, Ishmael."

Kakaibang galit ang dumaan sa mga mata ni Ishmael matapos kong bigsakin ang lahat ng masasakit na kataga. Mula sa pagkakakrus ng aking mga kamay ay hinigit niya ang isa kong braso kaya humampas ako sa kanyang dibdib. Pinipigil ko ang daing at iyak dahil napasakit ng kanyang hawak.

"You will never ever  be fit as a mother to my child. You are the mother, but its a shame." Matatalas ang kanyang mga mata.

Aminin ko man o hindi, nasaktan ako. Nasasaktan ako. Nasaktan ako sa nadinig, sa mga katagang lumabas sa kanyang bibig. Hindi bale na ang sakmal niya sa kamay ko, pero ang puso kong kanina pa tumatambol sa sakit. Hindi sapat ang pangungumbinsi sa sariling mali siya, pero dahil minahal ko siya dati at nang binigay sa amin si Justine, masakit. Napakasakit. Lasang-lasa ko ang alat at sakit sa aking luhang tahimik na nag-uunahan.

Napaatras ako sa pader na kalapit dahil bibigay na ang mga tuhod ko. I feel so weak. I am weak. I will always be weak.

Humakbang siya papunta sa'kin at kaagad na kinulong ang maliit kong katawan kumpara sa kanya na malapad. Pilit kong umaatras pero wala akong magawa.

"Maghuhubad? Maglalandi ka? Manggagamit ka? Try me, Justice. Fúcking try the mayor." Mainit ang hininga nito. 

Naguunahan pa rin ang aking mga luha. Tinakpan ko ang mukha dahil ayoko na siyang makita pa. This is the past. Wala na dapat. But this goes for another round I'm sure I cannot handle. Ayoko na sa kanya pero traydor ang katawan ko dahil gusto ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan dahil sa aming paglalapit. Umaawit ang kalamnan ko sa bawat pagtama ng hininga ni Ish sa leeg ko. Nagiinit ako at napapapikit.

"S-Stop. Lumayo ka sa'kin, ayoko sa'yo." mahina kong sabi at malabo pa rin ang tingin dahil sa luha.

Salubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin ngunit umikot na ang kanyang isang kamay sa aking bewang.

"What do you really want?" maanghang ngunit pabulong niyang tanong na para bang naguguluhan din siya sa inaasta ko. Napapasinghap ako at pilit na pinapaliit ang sarili. I just can't help but to reminisce. 

Titig na titig siya sa mga mata ko at ako sa kanya.

"Daddy?" anang boses sa pintuan.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon