Chapter 12

136 2 0
                                    

Hilam sa luha si Faye habang nakamasid sa bintana ng kotse ni Yñigo. Nakaalis na sya sa islang iyon sa tulong nito. And now, she will leave the country like what he planned. Yñigo is good man. Tinulungan sya nito sa lahat kahit na kakikilala pa lang nila. May maliit na tinig sa isipan nya, nagdududa sa mga pangyayari. Ngunit mas matibay ang sakit kaya humantong sya sa ganitong pasya.


A part of her wants to defend herself to Alejandro dahil totoo namang hindi sya nakapatay. Hindi nya pinatay ang fiancee nito! Ngunit mas nanaig ang takot sa kanya. Natatakot sya sa maaring mangyari. Too much stress might lead her to miscarriage and she doesn't want it. She loves her unborn child. She will protect him/her from his evil father whatever it takes.


It's been confirmed by the doctor that she's two weeks pregnant. They're healthy kaya't maari pang bumiyahe. Ang makakapagpasama lang sa kanya ay ang labis na emosyong mararamdaman once na nagharap sila ni Alejandro kaya mas maiging huwag na lang sila magkita. It's better this way.


Their on the way to the airport. Laking gulat nya nang naasikaso na ni Yñigo ang mga papeles nya pag-alis pero nagpapasalamat pa rin sya ro'n. If he didn't told her the truth, tiyak ay mas masasaktan pa syang lalo ni Alejandro... worse ay ipakukulong pa!


"Don't worry. Sasamahan kita," Yñigo assured.


"It's fine. Ang laking tulong na nito. I don't want to bother you-"


"You're not bothering me. I'm here to help. Gusto kong itigil na ni Alejandro ang paghihiganti nya."

SA kabilang banta ay halos sabunutan ni Alejandro ang sarili. He is frustrated and angry at the same time. He found Nida on the kitchen, nakagapos at may busal ang bibig! Dagli nya itong pinakawalan. And God knows! He will kill Yñigo if something happens to his wife!

"Narinig ko ang lahat. Nagsinungaling si Yñigo! Binaliktad nya ang sitwasyon at sinabing nobya mo si Natalie at galit na galit ka kay Faye. Sinabi rin nya ang tungkol sa paghihiganti mo... na papaibigin mo si Faye pagkatapos ay ipakukulong!"

His heart hammered as if it wants to burst out his ribcage. Nasuntok nya ang pader sa narinig.

"Umalis ka na! Sundan mo sila! Balak nyang dalhin sa ibang bansa ang asawa mo!" kung hindi pa sinabi iyon ni Nida ay hindi sya maagap na kikilos.

He went straight to the chopper...

At maya-maya lang ay habol-hininga syang pumasok sa airport. He roamed his eyes around to find Faye.

Hindi nya hahayaang makaalis ito. She is his wife and he loves her! Wala syang pakialam kung hindi man nito suklian ang nararamdaman nya. He won't let her leave without even knowing the truth! His reasons!

His face lightened when he saw her sitting on the waiting hall. Agad nyang tinakbo ang kanilang distansya.

Faye was stunned when she saw him. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-iyak at alam nyang dahil iyon sa kasinungalingan ni Yñigo.

"Faye!" Bago pa man sya tuluyang makalapit ay sumulpot si Yñigo. Masama itong nakatingin sa kanya.

"Don't you dare touch her!" singhal nya.

"Umalis ka na Alejandro! Faye is hurt because of you! You lied to her. Guard! get him out of here! Nanggugulo ang lalaking ito!' Sinenyasan nito ang isang gwardya.

Agad itong lumapit at hinawakan sya. "Sir bawal po kayo dito."

"No! Listen to me, Faye! I didn't lie to you about Natalie. She isn't my fiancee---"

"Ilabas mo ang lalakeng iyan!"

Pilit syang nagpumiglas mula sa pagkakahawak ng guard. "I admit! It was our plan... to marry you and make you commit to your crimes but then I found out the truth. It's not your fault that Natalie died... It's you're ex-boyfriend, Silvero who accidentally hit her! Obsessed ang lalaking iyon sa 'yo!"

"TAMA na!" Umiiyak na sigaw ni Faye pagkatapos ay tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tenga.

"Ang dahilan ng pag-alis ko ay upang linawanin ang totoo at humingi ng tawad sa magulang mo. I'm so sorry that I lied but I'm telling you... this is the truth!"

Hindi na nya alam ang paniniwalaan. Lubhang naguguluhan ang utak nya.

Hinawakan sya sa braso ni Yñigo. "Faye, let's go. Don't listen to him."

"Stop it Yñigo! Wala syang kasalanan!" Alejandro shouted desperately habang pilit nilalabanan ang guards.

"Enough of your bullshits! You are my best friend and yet wala kang ginawa para nakulong ang babaeng ito!" Napipikong sigaw ni Yñigo pabalik na ikinagulat nya.

She lifted her face to see Yñigo. The vein on his neck seems to pop out from it. Mabilis na napalitan ang anyo nito. Kung kanina ay maamo ngayon ay iba. Tila ibang tao ang kaharap nya.

"How many times do I have to tell you that It's not her fault!"

Akma syang lalayo mula kay Yñigo nang haklitin sya nito sa braso. "Dito ka lang!"

Nanginginig ang kanyang mga katawan sa labis na takot, galit at pagkalito. Walang patid ang pagtulo ng kanyang luha habang ang kanya dibdib ay kumakabog sa kaba. Is Alejandro telling... the truth? Does Yñigo lied to her?

Hindi nya inaasahan ang susunod na nangyari. Sa isang iglap ay nagpapambuno na ang dalawa sa harap nya. Nataranta ang mga tao sa paligid at agad na lumayo. Maagap namang pinipigilan ng guard ang dalawa ngunit tila ayaw papigil ng mga ito.

Maya-maya ay nakaramdam sya ng hilo at panlalabo ng paningin. Mariin nyang ipinikit ang mga mata pagkatapos ay dahan-dahang lumayo sa dalawa at umupo sa isang silya sapo ang ulo.

The next thing she knew... she lost consciousness.

His Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon