33

7 0 0
                                    

"I'm sorry, meow. Kasalanan ko kung bakit ka naaksidente."

Bigla nalang akong nanlambot pagkarinig ko no'n. Naalala ko nanaman 'yong aksidente. Akala ko talaga susunod na ako kay Dreami no'n.

"Please, patawarin mo ako," bulong niya.

Ang tagal kong hinintay 'yang sorry niya pero ngayong naririnig ko na, parang gusto ko siyang sigawan. Nasasaktan parin ako kapag naaalala ko 'yong mga pinagsasasabi niya dati.

Tinulak ko siya at tumambad sa 'kin 'yong namumula niyang mukha. Naalala ko, namumula nga pala siya pag-umiinom.

"Lasing ka, hindi mo 'to kuwarto!"

Isasara ko na sana 'yong pinto kaso hinarang niya 'yong kamay niya.

"Hindi ako lasing, nakainom lang."

"Edi wow."

"Edi meow."

"Edi plastik!"

Natawa naman siya saka sinuklay pataas 'yong humaharang na bangs sa mata niya. Papogi effect. Sampalin ko 'to, e.

"At 'yong sinabi ko bago ka maak—"

"Oops! Ayokong marinig 'yan! Nasa tabi lang 'yong kuwarto mo kaya makakaalis ka na."

Baka ulitin nanaman niya 'yong sinabi niya dati na hindi niya ako gusto. Mabuti na 'yong advance, 'no?

"Dreamellaine."

Napatigil ako. Hindi talaga ako sanay kapag 'yon 'yong tawag niya sa 'kin.

"A-Ano nanaman?!"

"Kaninong tshirt 'yan?"

Napatingin tuloy ako sa kanya agad. Nakatingin pala siya sa tshirt ko.

"Akin, bakit?" Napaiwas ulit ako ng tingin.

"Parang panglalaki, e."

Ha! Alam ba niyang ang tanga niyang tingnan? Ano bang pakialam niya sa mga damit ko?

"E, bakit? Bakit nanaman? Ano nanamang problema ro'n?!"

"May boyfriend ka na?"

Nanlaki 'yong mga mata ko dahil sa tanong niya. Ba't ba ang daldal niya ngayon? Ganito ba talaga siya kapag nakakainom?

"B-bakit mo tinatanong?"

Ayan, kung saan-saan nanaman napupunta 'yong imagination ko.

Nag-lean siya sa may pinto ko habang nakatingin sa 'kin. "Bakit, bawal bang magtanong? Friends naman tayo dati, ah."

Kala naman niya cute siya. Mukha siyang patagong lumalandi. Madaling araw palang pero gumaganyan-ganyan na siya.

"Hoy, kung haharot ka lang, magpatulog ka naman!"

Napatingin ako sa wall clock. 2:50 palang. Medyo mahapdi pa nga 'yong mga mata ko, utang na loob naman!

Natawa lang siya sa sinabi ko. Mukha kaming madaling araw na nagliligawan. Mangarap ka, Mel!

"Edi, matulog ka, ako na taga bantay dito, libre pa," sabi niya saka tinaas-taas niya pa 'yong dalawang kilay niya.

Nahihibang na ba siya? Ganito ba siya pag nakakainom? Lumalandi?

Babantayan niya ako? E, mas lalo lang akong hindi makakatulog niyan. Tss, mag-isip nga siya.

"'Wag ka ngang plastik, mamaya itabi mo pa sa 'kin 'yong dalawang alaga mo. Matulog ka na nga!"

Isasara ko na sana ulit 'yong pinto pero humarang nanaman 'yong kamay niya. Papansin, kuya?

"Dreamellaine."

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now