"Goodmorning, sir. " bati ko. Minuwestra nito ang upuan sa kanyang harapan matapos ang kamayan.

"Take a seat, Ms. Gallardo." 

"Salamat po."


"So, Ms. Gallardo..." Pansin ko kaagad na ang binunot nitong folder ay ang resume na sinubmit ko kanina sa front desk. His eyes skimmed over it at doon nadepina ang tangos ng kanyang ilong. Parang may ibang lahi. He really looked familiar.


Out of curiosity ay tumingin ako sa gintong titulong nakapatong sa babasaging desk. Saka ko palang naresolba ang pahiwatig ng utak.


Gabriel Ludwig C. Montereal


Napuno ako nang pagkamangha. Saktong sinarado ni Gab ang folder ko at ngumisi sa akin. Pinamulahan yata ako ng pisngi ngunit ngumiti rin naman ako.

"Noong may formal party..." sinimulan ko. Umiling si Gab at humalakhak ng mumunti. Natamaan ng sinag ng araw ang kanyang buhok kaya mas nakikita ko ang pagkaka-australiano sa kanya.


"She remembers! Grabe akala ko makakalimutan mo na 'ko. While me? God, I can't really forget that beautiful face, miss." Humalakhak siya. Tumikhim ako.

Gusto kong tanungin kung bakit siya narito. Ang alam ko ay siya ang team leader nina Lacey sa kanilang project. I bit my tongue.

"Grasya talaga, ano?" Dagdag niya pa. Ngumiti na lang akong tipid at hinawakan ang butones ng aking puting blouse.


"Magsisimula na ba tayo?" aniko. Muka siyang nagulat ngunit ngumiti ng tamad sa akin. 


"Of course! Right, so for formalities, I'm Mr. Gabriel Montereal. I will be your boss if we hired you. This company values manpower and has extremely manifested a good reputation in efficiency and virtues. We teach modesty with kindness and goodness dahil iyon ang susi sa success ng mga hotel chains and restaurants, like this very company. Miss Justice, how can you be a beneficial and an efficient employee to the company? Your credentials doesn't say much..."


Lumunok ako. Sobrang seryoso ng mga mata ni Gab, ni hindi ko nga alam kung pwede ko ba siyang tawaging Gab. Oh boy, we're gonna have a tough time. 


Matapos ang isang oras ay nakangiti akong nakaupo sa sofa dito sa office ni Gab. Natapos ang interview matapos ang kahalating oras ngunit nang malaman niyang ni hindi pa ako naga-almusal at tanghalian ay agad-agad siyang nagpa-order.


"Babayaran na lang kita bukas, ha? Naiwan ko kasi ang pera ko." Its a lame excuse.

"No. This is my treat for such beautiful angels like you." Kumindat si Gab at napangiwi ako sa loob-loob. Kanina pa siya.


"Really. Salamat pero hindi naman ako nanamantala." Kung hindi ko pa sinakop ang time niya. Ngunit sabi niya kanina ayos lang daw dahil ako naman na ang last na applicant at iyon lamang ang kanyang gagawin.


"Akalain mo, tiga manila ka pala? I can't really get over the coincidence." Humalakhak siya.


"Yup. Uhmm, hindi naman sa may punto ako pero 'diba sabi mo noon ay ikaw ang team leader nina Lacey? Sa pinapagawa ni Ish-ni Mayor?" Napabasa ako sa labi. Nagdekwatro si Gab sa aking tabi.


"Yup. Nagtake ako ng CE noong college ako kaya lang dito ang bagsak ko sa HRM. Parents, alam mo na. Nagpapasalamat lang ako kay Ishmael dahil pinasubok naman ako sa gusto ko. Damn, am I being too cheesy over my cousin?"


Halos masamid ako sa iniinom na juice. Napapunas ako ng napkin at nginitian ang nabiglang si Gab.


"P-Pinsan mo si...mayor?"

"Uh-huh. Oh god, please don't call him mayor whenever we are not in there! Its creepy." Kunwari iyong nanginig at humalakhak.


Nawawalan ako ng hininga. Pinsan? I didn't knew he's got a cousin named Gab. Moreover, they did not look alike at all. Pinapasok ko sa isipan ko na baka halfcousins lamang sila ngunit pinagkibit ko na lang ng balikat dahil ang mga taong walang paki sa'yo, dapat wala ka ring paki sa kanila. Hindi ba?


"I don't know what to say..." Ngumisi ako ng hilaw. Inirapan niya ako ngunit nakangiti pa rin ito.

"You don't have to say anything. I know you have the hots for him. Right?"


Napaubo kaagad ako.


"Oh, shoot! Man, ang ganda mo pa naman! Awww!" reklamo niya.

"H-Hindi ganoon, Gab. Wala akong gusto sa pinsan mo...."


Wala siyang alam. He did not know anything, and if he did, he'd detest me from the first place. Blood is thicker than water, I believe. Walang siyang si Gab. 

Tumaas ang kilay niya. "So, I can date you?"

The MayorWhere stories live. Discover now