Tumayo siya at niligpit 'yong pinagkainan niya. 'Wag niyang sabihing pinaulit lang niya ko pero hindi siya sasagot?

Nakasunod tuloy 'yong paningin ko sa kanya.

Nilagay niya sa may sink 'yong pinagkainan niya tapos nagsimulang hugasan 'yon. Nakatingin lang ako sa likod niya at kulang nalang mamula ako sa sobrang inis sa plastik na 'yon.

"Dapat talaga hindi nalang kita kinausap," inis kong bulong.

"Wedding anniversary nina Tita ngayon kaya may date daw sila. I thought you already know that."

Sasagot din pala, ang tagal pa.

Hindi na ako nagsalita pa kasi baka ano pang masabi ko dahil sa asar. Napangiwi nalang ako at napatingin sa kanya na paakyat sa stairs.

Hindi naman ako palatanong kay Papa, e. Malay ko ba ro'n.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na rin ako sa kuwarto ko para mag-shower.

Ngayong summer lang ako super bored. E, kasi naman, 'di ba, dati no'ng summer, no'ng magfi-first year college palang ako, notebook na ni Dreami 'yong pinagkakaabalahan ko at pagkatapos no'ng aksidente kasama ko naman si Waden kaya hindi boring 'yong life ko.

And speaking of Waden, I miss him already. Nakakainis. Summer palang naman pero pinamigay na ako ni Mama. Puwede namang pag-start nalang ng school year, 'di ba? Nami-miss ko na rin tuloy si Mama.

Sinuot ko nalang 'yong maong shorts na bili ni Mama sa 'kin dati saka 'yong oversized maroon tshirt na hiniram ko kay Waden tapos hindi ko na binalik, hehe, 'wag niyo akong isusumbong, ah.

Pagkalabas ko sa kuwarto ko saktong kakalabas lang din ni plastik na kakaligo lang at super pormadong may kausap sa phone niya. Hawak-hawak niya pa 'yong black denim jacket niya sa kaliwang kamay niya.

Taray, may lakad ata si plastik.

Hindi niya ako napansin at dire-diretso lang siyang bumaba sa hagdan.

Saan kaya siya pupunta?

Pagkalabas niya ng bahay ay napasilip-silip ako sa bintana. May kausap parin siya sa phone niya. Sino kayang kausap niya at may pangiti-ngiti pa siya? Pero siyempre wala pala akong pakialam.

Humiga nalang ako sa couch at nag-cell phone nalang. Ang boring talaa ng walang friends.

Narinig ko 'yong pag-andar ng kotse sa labas. May date ata 'yong lalaking 'yon. Pormadong pormado, e. Sana all, 'di ba?

Kung may friends nga lang ako rito sigurado naman akong naglalakuwatsa na ako ngayon.

"Ma'am, ito na pala 'yong juice mo." Napatingin naman ako kay manang habang inilalapag 'yong isang basong juice sa center table.

Nagsalubong 'yong mga kilay ko.

"Manang, naman, sabi ko naman po sa inyo na Mel nalang," sabi ko at napatango-tango siya. "Thank you po sa juice pero nag-abala pa po kayo, e, hindi ko naman po sinabi." Naiilang na napangiti nalang ako.

Napatigil naman siya.

"Ay, sabi kasi ni sir Erel gawan ko kita ng juice."

At do'n na napakunot 'yong noo ko.

What?

"Sige, hija, pag may kailangan ka, nasa kusina lang ako," sabi niya. Napatango nalang ako tapos umalis na siya.

Napabuntong-hininga ako.

"Sabi ko na nga ba, e. Plastik talaga 'yong Erel na 'yon," bulong ko.

Ininom ko nalang 'yong juice kasi sayang naman 'yong effort ni manang.

Dreamaica's NotebookOnde as histórias ganham vida. Descobre agora