CHAPTER 19

1.1K 33 0
                                    

Sei POV

Nagmamadali ako ngayong lumabas para kumain. Actually gusto ulit pumunta dun sa resto kung saan na love-at-first-taste ako sa pagkain nila at isa pa....

Nahihiya na akong kumain dito sa bahay. Pera lahat ni Kyst ang ipinambili ng pagkain dito eh.

Simula nung sinampal niya ako ng pera, parang nahiya na akong umasa sa kaniya. Ultimo pagkain ko siya pa gumagastos... Pero ngayon ako na ang bahala sa sarili ko. At sa tubig at kuryente , siguro sapat na ang paglilinis ko dito sa bahay. Okay na kapalit yun.

Patakbo akong bumaba ng hagdan. Nadaan ko si Kyst na nagbabasa ng libro sa sofa at napatingin siya sakin.

Kumunot ang noo niya "Why are you in a hurry?"

Tumigil ako at nagpilit ng ngiti "A-ah, sandali lang ako balik ako agad. Bye!"

Bago paman ako makarating sa pinto, inunahan na niya ako. Humarang siya sa dinadaanan ko at takang tumingin sakin.

"Where are you going? At wala ka talagang balak na magpaalam sakin?"

Sh*t naman gutom na ako...

"Sabi mo ayaw mong nagpapaalam ako sayo." Diretsang sagot ko na ikinatigil niya. Naalala niya siguro.

Bumuntong-hininga siya "From now on magpapaalam kana sakin. Sasabihin mo na kung saan ka pupunta and also you should have to update me everytime."

Taka ko siyang tiningnan. Ang weird niya ngayon.

"Bakit?... Para saan pa Kyst?" Hindi ko mapigilan maging mapait ang pananalita ko. Nakakainis na kasi eh!!

Sandali niya akong tinitigan bago magsalita "Kailangan pa ba ng rason?... Should I have a reason for just care about you?!... Wag mo sanang pagdudahan ang pag-aalala ko sayo, Sei."

"Hindi ko kaya Kyst... Sa pagkakakilala ko sayo hindi ka ganong tao. Ikaw yung taong walang pakialam sakin at ikaw yung taong walang pagpapahalaga sa tulad ko... Kaya mabuti pa, umalis kana sa daraanan ko bago pa tayo magsumbatan."

Akmang aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko para pigilan.

"P-paano kung.... sabihin ko sayong n-nagbago na ako?" Mahinang sabi niya at ramdam kong naiiyak na siya.

Nagbago?---hindi Sei, wag kang maniwala sa kaniya. Masiyadong mabilis naman kung nagbago siya e nung isang linggo lang naging halimaw siya sa harapan mo.

T-tama wag dapat maniwala...

Malay kong kinukuha lang niya ang loob ko gaya ng dati at gagawing katawa-tawa sa harapan nila ni Kelly. Baka plano nilang gawin akong tanga.

Pwes, hindi na yon mauulit...

Binawi ko ang kamay ko at humarap sa kaniya. Unti-unti din siyang humarap sakin.

"Ayokong magtiwala sayo Kyst. Hindi ko kaya at ayaw kong subukan... Sirang-sira na ang tiwala ko sayo. P-pasensiya na."

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Where stories live. Discover now