CHAPTER 11

1.8K 84 72
                                    


__________________________________________________________________

💕💕💕....N.A.M...💕💕💕

__________________________________________________________________

Maaga akong nagising ngayon, dahil naninibago ako sa kama sobrang lambot kasi ng kama ni kenneth. Napalingon ako sa gawi nya, napangiti pa ko nang makitang nakadantay pala sakin ang kamay at paa nya. Sa loob ng walong buwan ngayon kulang sya napagmasdan tulog na wala akong inaalala na mahuhule nya ako.

Masaya ako dahil sya ang una kong makikita sa paggising ko. Hinawakan ko pa ang ilong nya gamit ang hintuturo ko.

'Napakagwapo nya talaga,.. Hmm
Yummy'

Ang sarap pagmasdan ng muka nya. Masungit pag gising, parang maamong tupa pag tulog. Naalalanko tuloy yung unang araw na nagkita kami. Halos parang gusto na nya akong saktan noon. Hindi ko akalain na mangyayari ito sa buhay ko. Na makakatagpo ako ng lalakeng kagaya ni kenneth.

At mas lalong hindi ko inaasahang mamahalin ako ng taong ito. Naniniwala na tuloy ako sa salitang never give up. Medyo napapailing pa akong pinagmamasdan sya. Nang makontento ako ay inayos ko lang ang sarile nagtootbrush, mouthwash, at nag ayos nang muka.

Natapos na kot lahat sa morning routine ko ay tulog parin sya.

Bago ako bumaba ay hinalikan ko muna si kenneth.

"Ang aga mong magising" nagulat ako ng si ate elisse ang nagsalita nanonood sya ng tv. At kumakain na Napalingon ako sa Orasan.

' 4:30 am.'

"Hahahah, kagabi pa ko dito, mga 11 pa hahaha, hindi ko na kayo ginising, sabi kasi ni ate beth ay kakatulog nyo lang daw." natatawa pa ito habang nakatingin sakin.

"Sana ay ginising mo kami ate" nakanguso kong sabi. Tumayo sya at lumapit sakin. Nagulat pa ko ng yakapin nya ako ng mahigpit.

"Namiss kita, magtatampo na ko talaga sayo, laging pumupunta si kenneth sa bahay pero hindi ka nya kasama palage, ganon ka ba kabusy at parang ayaw mo naman kaming makita." nag eemote nya sabi Pero natawa sa hule. "Okay lang ba sa inyo na dito muna ako in one week" agad naman akong tumango.

Napangiti ako sa sinabi. Gusto ko din naman silang makasama noon pa talaga. Kaso dati kasi ay hindi ako komportable sa set up namin ni kenneth. 

"Walang problema ate, hehe kahit nga dito ka pa tumira ei, walang problema sakin." Natatawa ko din sabi. Tumingin sya sakin ng seryoso.

"Anyway, where's kenneth?" tanong nya.

"Tulog pa ate"

"hmmm, napagod" bakas sa sinabi nya na nang aasar sya. At alam ko ang ibig sabihin nya don.

"Tinapos kasi namin yung lahat ng project at report nya kagabi, malapit na kasing ipasa yon ate ei." depensa ko agad na labis nya kinatawa.

"Hahahah, easy wala akong ibig sabihin don sa napagod. Napaka depensive mo" Nakakaloko talaga ang muka nya. Hindi ko alam kong anong gusto nyang palabasin.

Nang makaupo ako sa sofa ay sabay kaming nanood ni ate ellisse. Pinagtimpla pa ako ni ate beth ng kape. Pareho kaming kinikilig ni ate sa korean nobela na pinapanood namin. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I accidentally married to the badboy heartrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon