CHAPTER 1

3.5K 75 2
                                    


ENJOY READING.. MHIETOTS..♥️♥️♥️

💖💖....NAM POV....💖💖

Ako nga pala si Jayna lopez, 18 years of age. I'm single and
not yet ready to mingle.

Dahil may mga pangarap pa ko para sa pamilya ko Isa akong working student, sa umaga ay pumapasok, sa hapon naman ay nagtatrabaho bilang isang kasambahay sa pamilya ng mabait Kong ako na si Madam, Evelyn Guttuirez. At sa gabi naman ay tagaserve ako sa isang restaurant.

Mahirap ang buhay namin Kaya naman todo kayod kami ng mga kapatid ko dahil may sakit ang mama ko. Sa kabila ng pinagdadaanan ko ay hindi hadlang para sakin ang estado ng buhay para makapag-aral.

Alas kwatro na ng madaling araw, nagsimula na Kong magluto ng pagkain para sa maluto ko at sa pagkain ng mga kapatid ko. Naglinis narin ako ng bahay para pag- gising ng mga kapatid ko ay wala na silang gagawin kundi Ang bantayan at alagaan si mama.

"Nam, ang aga mo namang gumising." Napalingon ako sa papa ko ng magsalita ito. Nakangiti ko naman syang nilingon.

"Maaga po kasi akong pupunta sa university ngayon, magpapasa po kasi ako ng thesis and project ko ngayon pa, maaga din po akong papasok kay Mrs, Guttiuirez ngayon." Sagot ko kay papa habang naghuhugas ako ng pinggan.

"Baka naman pinapagod mo na ang sarile mo nan ha.?"
Bakas sa boses ni papa ang pag-aalala, kaya naman nilingon ko ito at binigyan ng matamis na ngiti.

"Pa, wag nyo po akong alalahanin kaya ko po ang sarile ko. At isa pa po gusto ko po tong ginagawa ko, para po makatulong sa inyo at sa pagpapagamot ni mama." Dinig ko ang pagbuntong hininga ni papa. Alam kong ayaw nyang nahihirapan kaming magkakapatid.

Nang matapos akong maghugas ay naghain nako ng pagkain namin ni papa. Para maaga din syang makapasada sa pangpasahero naming jeep.

"Nam," nagulat ako sa pagtawag ni papa na yun. Nang lingonin ko sya ay nagulat ako ng may inabot syang envelop sakin. Naguguluhan ako pero tinanggap ko yun.

Binuksan ko yun at nagulat ako ng makita ko ang malaking halagang salapi na laman ng envelop.

"Pa." Nagtatanong ang tingin ko kay papa ng tawagin ko sya. "Ano po ito?." Tanong ko pa. Ngumiti sa akin si papa kaya medyo kumalma ang isip ko.

"Ibenenta ko ang jeep na pinapasada ko." Nakangiti lang na sabi ni papa. Nanlake ang mata ko dahil sa sinabi nya.

"Pero, bakit po?."

"Kailangan ng mama mong magpakemo, at hindi ko alam kung saan pa ko makakahanap ng pera para don, kaya binenta ko iyon sa ninong lito mo." Nagbago ang awra ng muka ni papa agad naman syang nagbaba ng tingin.

Alam kong labag sa loob ni papa yon pero kailangan nyang gawin. Lumapit ako kay papa at hinagod ko ang likod nya para malaman nya na okay lang ang lahat.

"Pa, ano ka ba okay lang po yon. Kaya natin to."

"Wag kang mag-alala nam, ang sabi ng ninong mo ei ako parin ang mamamasada ng jeep na yun, magboboundery na lamang daw ako sa kanya." Kahit na nakangiti si papa ay alam kong mabigat sa loob nya ang mawala ang jeep na napundar nya noong nasa saudie pa sya. "Kumilos ka na nam, at baka malate ka pa sa skwela mo." Utos pa sakin ni papa.

Niyakap ko lang si papa at mabilis na akong pumasok sa kwarto namin ni ate ko. Ginising ko muna sya bago ako pumasok sa banyo.

Nang matapos ako ay magbihis na agad ako, hinanda ko narin ang lahat ng gamit na kakailangan ko. Ang thesis at mga project ko, ang damit na pangpalit ko pagpasok sa mga Guttierez, at ang uniform ko sa restaurant. Dahil sahod ko ngayon ay kailangan kong pumasok ng maaga.

I accidentally married to the badboy heartrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon