Tumango siya.

Napangiti ako. May kasama na akong maglibot! Galit pa rin ako sa kaniya dahil niloko niya ang kaibigan ko pero alam kong namang may rason siya e.

"Wala rin akong kasama. Sabay na tayo." Sabi ko.

Nagsimula kaming maglakad hanggang sa makakita kami ng bench na malapit sa dagat. We sat on the bench under the tree. This bench is just near the sea.

We just fell silent as we watched the sea, until he broke the silence between us.

"Galit ka sakin, hindi ba?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa dagat.

"Yes. I'm mad, Dwayne. I am mad with you for the foolishness you did to my friend who did nothing to you but love you." Saad ko ng hindi tumitingin sa kaniya. Hindi siya nagsalita pero alam kong nakikinig siya kaya nagpatuloy ako.

"You have so many choices of women you can cheat on, but why did you choose her? Why did you choose my friend?" Tanong ko. Totoo naman ang sinabi ko, madami siyang pagpipilian na mga babae at higit sa lahat madali lang siyang makakakuha ng babae, "She knew you were a playboy and she knew there was a possibility that you would cheat on her, but she still loved you. She's a fool when he comes to you, do you know that? And that's bullshit." Dugtong ko.

Ramdam ko ang pag tingin niya sakin.

Nagsalita ulit ako, "I can't blame her if she loves you even if you're a playboy. Hindi ko naman hawak ang puso at nararamdaman niya para sabihin na h'wag kang mahalin dahil gago ka. At ayoko rin na pangunahan siya sa nararamdaman niya para sayo." Nagpatuloy ako, "You know what I realized? That I shouldn't judge you for what you did to her because I know you have a reason. I don't want to judge you for what you did." Bahagya akong ngumiti.

Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "Don't judge people without knowing their point of view."

Nakita ko kung paano sumilay ang tipid na ngiti sa labi niya, "There is really something in you. You have impressed me so much ... all of us, you have impressed us so much." Napailing siya.

"Is that so?" Natatawang tanong ko. Hindi ko naman alam na napapahanga ko na silang lahat.

Tumango siya. "Napaka-maintindihin mo."

"Wala naman masama at wala rin naman mawawala sayo kung iintindihin mo yung ibang tao. At nasa sayo na rin 'yon kung pipiliin mong intindihin sila." Saad ko at binalik ang tingin sa dagat.

"You are too kind. Baka mamaya dahil sa sobrang bait mo, you're being fooled and then you don't even know. You are also too easy to trust. Don't trust too much, maybe your kindness and too much trust in others ... will destroy you in the end." Sabi niya na nakapagpa-tigil sa'kin.

May naalala ako sa sinabi niya pero ayoko munang problemahin ang tungkol doon. Tiningnan ko siya pero nakatingin siya sa dagat.

"Are you underestimating me? Walang masama kung magiging mabait at magtitiwala ka sa iba. You have nothing to lose if you try." Wika ko.

Napailing siya. "I don't underestimate you, Faye. I'm just reminding you of the possibility that could happen. You'll get hurt, that's all I know." Aniya. "At oo, tama ka. Walang masama at walang mawawala kung magiging mabait at magtitiwala sa iba pero h'wag kang sosobra. Tandaan mo, ang sobra ay nakakasama."

Bakit ba sinasabi niya sakin lahat 'yan? Ano ba ang gusto niyang iparating?

Natawa ako ng marahan dahilan para mapatingin siya sakin. "I'm not that stupid. Alam ko kung sino ang pagkakatiwalaan ko at kung sino ang hindi. I know what I'm doing, Dwayne."

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now