"Cooperate your ass" nakangisi syang tumayo at lumabas ng kwarto.

"That's all and I hope you enjoy the party" nagpalakpakan ang lahat ng matapos sa speech si Rachel at tumugtog ang classical music na pineperform ng live pero kahit nakalive ang performance ng classic music ay nageecho parin ang mataas na heels ni Astrid habang pababa sya ng hagdan.

Nang makarating sya papunta sa may pool area kung saan ang venue ay namatay ang ilaw at may nag-abot sa kanya ng mic. Magkakagulo na sana ng mga bisita hanggang sa nagsalita sya.

"Mic test, mic test" may bumukas na spotlight at tumutok sa kanya, iyon lang ang ilaw sa buong venue.

Kinabahan ang mga tao nang makita sya pati na ang mapandaya at kaduda-duda nyang ngiti.

"Does everyone enjoys the party!?" energetic nyang saad pero kabado ang mga bisita kaya napairap sya at natawa.

"What's with you guys!? You look like you see a ghost!" tumawa sya at tinignan nya ang paligid.

"Well, I'm here to welcome to our humble palace" hindi parin naniniwala ang mga bisita sa kanya.

"I also hired a DJ in case you want a different kind of music" saad nya at tinuro ang DJ sa gilid.

"Oh! Mr. Gue! Long time no see!" kumaway sya sa matandang lalaki at agad itong hinigh blood kaya sinama muna sya ng mga kawal sa infirmary. Hindi parin sya maka move on sa pangpprank sa kanya ni Astrid nung huli nilang pagkikita.

Nilagyan lang naman ni Astrid ng iba't ibang food coloring ang pagkain noong wedding anniversary ni Mr. at Mrs. Gue dahil na bored sya sa program, kaya naging rainbow ang kulay ng pagkain nila noon.

"P-Princess Astrid" kinakabahang lumapit si Rachel.

"Would you mind if I join the party, Rachel? I brought some friends" malawak na ngising saad ni Astrid.

"O-of course! You and your friends can join us..." mas lumawak ang ngisi ni Astrid.


"It's my pleasure" pumalakpak sya at sunod sunod na lumabas ang kanyang mga 'kaibigan'.


"Let's enjoy the party, girl!" agad na nanlaki at nahigit ang hininga ng mga bisita sa mga nangyari. Biglang napalitan ng iba't iba ang kulay ng paligid at naging parang nasa disco sila. Pinatugtog din ang malakas na tunog ng DJ kaya naging parang nasa club sila.



"OH MY GOODNESS!" saad ng isang reyna nang makita ang mga babaeng nakahigh heels pero nakatwo piece.


Malawak ang ngisi ni Astrid sa kanyang labi habang nakikitang halos hindi na makahinga at naguguluhan ang mga conservative na kaibigan ni Rachel. Mas nagkagulo ang marami dahil nagsimula nang tumama ang epekto ng alak na may halong gamot sa kanila.


"Mayor!" tawag nila sa isang lalaki ng itulak nang isang babae sa pool ang Mayor at masayang nakikisayaw sa mga babae dahil tumama na ang alak sa kanya.

 

May spotlight parin kay Astrid kaya kitang kita ang ngisi nya lalo na nang makita ang reaskyon ni Rachel. Hindi nya alam kung anong gagawin para pahintuin ang mga babae na nagp-party nang nakabikini, nagttwerk pa ang iba sa gitna, at ang iba ay nakatayo na sa lamesa habang nagsasayaw.


"Governor!" tawag nila sa isa pang lalaki nang mawalan ito ng malay hawak hawak ang bote ng wine pero gin ang laman.


"LET'S PARTY!!" natawa si Astrid ng malakas na sumigaw ang dating hari ng isa pang bansa.


Lucresia: We All Lieحيث تعيش القصص. اكتشف الآن