"Talaga ho manong? Wala kahit isa?" Tanong ko sa kaniya na may ngiting di mapugnit sa mga labi.

"Talaga. Baliw lang ang makapagtitiis sayo. Di mo ba alam na nasa loob ang kagandahan ng isang nilalang?" Sabi niya na ikinatawa ko na ng malakas kahit papaano ay nalilimutan kong kinid-nap ako ng mga ito.

"Bakit ka tumatawa?" Nagtatakang tanong niya.

"Baliw na rin siguro." Gatong pa ni mamang nagda-drive.

"Tinutulongan lang kitang tawanan 'yong engot mong joke." Sabi ko at nilakasan pa ang pagtawa.
"Seriously manong? Ang sabihin mo pangit ka lang talaga. At least ako may gandang ipagmamalaki at maipagmamayabang e ikaw ano bang meron sayo? Ano bang ipinagmamalaki mo maliban sa pangingidnap niyo sa isang katulad kong diyosa?" Pagmamaldita kong muli.

"Huwag kang magmarunong miss at huwag mo rin kaming maliitin." Sabi niya.

"Para sa kaalaman niyo manong may dalawa akong manliligaw na magkapatid. Pinag-aagawan ang isang tulad ko." Pagmamalaki ko at binigyan siya ng nakakainis na ngisi.

"Siguradong may mga mabababaw na pag-iisip 'yang mga manliligaw mo, miss pa-check-up ka na kaya o di kaya ang mga manliligaw mo ang pagbigyan mo nang pansin dalhin mo sila sa psychiatrist." Sabi niya at muli na naman silang nagtawanan.

Naiinis na talaga ako sa mga boses nila.

"Mababaw ba ang pag-iisip ng isang Lieutenant at business man?" Kunwaring pag-iisip ko habang nakahawak pa sa baba. "Maniniwala lang ako sayo kung babarilin na nila kayo." Sabi ko pa na ikinatahimik nilang dalawa.

"M-mga lampa naman." Sabi nong nagmamaneho pero alam kong natakot sila sa sinabi ko.


"Pustahan pa tayo dadating sila na hindi pa sumasapit ang gabi at iuuwi nila..........I mean niya lang pala nasa business trip kasi 'yong isa kong manliligaw, maiuuwi niya akong ligtas at walang ni kahit na anong galos." Paghahambog ko. Well kahit may pagtatampo akong nararamdaman kay Acerdel di ko naman maitatangging magaling siya at hindi naman tama na hindi ko man lang magawang ipagmayabang ang kakayahan niya.

Bakit ba si Acerdel kaagad ang naiisip ko? Maliligtas kaya niya ako? Matutunton niya kaya ako?

"Tignan natin 'yan. Aasahan ko ang pagdating niya. Kung maitatakas ka niyang buhay sisiguradohin ko namang malamig na bangkay na siyang lalabas sa gubat na ito." Seryosong sabi nito.

"Huwag kang magsalita ng tapos baka kainin mo 'yang sinasabi mo sa huli. Nasisiguro kong babaliktad ang sitwasyong sinasabi't iniisip mo." I said full of power.

Si Acerdel na lang inaasahan ko.

Lord tulongan mo ako. Please, I need somebody to help me escape. Paki guide ng taong magliligtas sa akin.

"Patahimikin mo na kaya 'yan." May pagkainis at kabang sabi nong lalaking nagmamaneho.


Magpo-protesta pa sana ako kaso may ini-spray na silang may kakaibang amoy. Habang nilalanghap ko ang kakaibang amoy na iyon ay unti unti rin akong nahihilo at nanlalabo rin ang aking paningin. Hanggang sa na walan na ako ng malay.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now