"Kumusta na ang pakiramdam mo? Are you feeling good? Gusto mo ba ng tubig?" Sunod-sunod na mga tanong ni Yiera kay Xenon.

"No, thank you. Medyo inaantok pa ako dahil sa sedation na tinurok nila sa 'kin kaninang umaga, pero maayos naman ang kalagayan ko. I'm okay, both physically, mentally and emotionally," tugon naman ni Xenon na nagbigay ng kalungkutan kay Yiera.

"I know that you're not okay. No need of faking it. You don't have to hide it from me, 'kay?"

Dahil sa sinabi ni Yiera, unti-unting namutawi ang emosyon sa mga mata ni Xenon na pilit na itinatago nito sa kaniya, kasunod ang unti-unting pagkakaroon ng luha sa mga mata niya.

"I-I couldn't take it anymore." Unti-unting nababasag ang boses ni Xenon kasabay ang paglandas ng mga luha pababa sa kaniyang mukha. "Iniwan na nila ako... inabandona na ako ng mga taong tinuring kong pangalawang tahanan. Parang masisiraan na ako ng bait, Yiera. H-hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko na alam kung saan ako kakapit."

Agad na ipinulupot ni Yiera ang mga braso niya kay Xenon at mahigpit niyang niyakap ito. Doon ibinuhos ni Xenon ang kaniyang sama ng loob. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ni Xenon ang mga nangyari ilang araw na ang nakalilipas. Sa tuwing naaalala niya ang mga salitang binitawan nina Drew at Reese sa kaniya, parang mawawala siya sa katinuan dahil paulit-ulit niya itong maririnig hanggang sa kainin siya nito ng sariling isipan.

Ni isang salita ay walang lumabas ay Yiera. Patuloy lang siya sa pagtatahan at pag-aalo kay Xenon. Awang-awa siya sa kalagayan nito. Naramadaman ni Yiera na napayakap din sa kaniya si Xenon, pero hinayaan niya lang ito.

Ilang minuto ang lumipas at napansin niyang tumahan na nang bahagya si Xenon. Marahang inilayo ni Yiera ang sarili para makita ang mukha niyo. Napaiwas naman ng tingin si Xenon nang maramdaman niya ang mga titig sa kaniya ni Yiera. Bumabalot man ang matinding kalungkutan sa kaniya, nahihiya pa rin siya kay Yiera na nakikita siyang luhaan.

"Unbelievable," Yiera laughed a bit, "despite of the sadness that you're feeling right now, nagawa mo pang mahiya sa 'kin?"

Pumula agad ang mukha ni Xenon. "T-This is my first time being open to you, kaya nahihiya pa rin ako sa iyo."

She just playfully shook her head and face Xenon to her direction and planted soft kisses from his forehead, eyes, and down to his nose and cheeks, making Xenon flushed even more.

"Someone's face is heating up," she then teased him, "are you that ashamed that I witnessed how fragile you are?"

"It's not that. I'm just shy because you see me on this state." Suminghot si Xenon saka pinunasan ang kaniyang mga luha. "A-And you kissed me a lot of times... t-that's why," nauutal na dagdag pa nito.

Kahit komportable si Xenon sa mga kamay ni Yiera na nakahawak pa rin kaniyang mga pisnge ay sinubukan pa rin niyang umiwas sa mga tingin ng babae, pero nabigo ulit siya dahil pinipigilan siya nito.

"Wala na kasi akong ibang maisip na paraan para patahanin ka, kaya ginawa ko ang ginagawa ni Mommy everytime na umiiyak ako no'ng bata pa ako," ani Yiera saka inayos ang kaniyang buhok.

"And it worked." Malamlam ang mga matang tiningnan ni Xenon si Yiera. "Nagawa mong patahanin ako."

Yiera smiled widely, "these eyes—" mahinang pinunasan niya ang mga mata ni Xenon "—shouldn't be tearing up. It should glimmer with happiness and serenity."

Xenon's eyes went down to his trembling hands, "I-I don't think I can find the peace and happiness that you are talking about. I-I don't know how—"

Nabitin sa ere ang kaniyang mga sasabihin nang ipinagsiklop ni Yiera ang kanilang kamay. Agad naman siyang napaangat ng tingin at nagtama ang kanilang mga tingin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vivid MemoriesWhere stories live. Discover now