. . . ⇢ 80 ˎˊ˗

Magsimula sa umpisa
                                    

mahinang natawa si hera nang malakas na sumigaw si charlotte mula sa phone, katabi nito si sunghoon na halatang masaya sa paggising ni hera. after all, parang anak-anakan na din naman nila charlotte at sunghoon si hera.

"unnie.."

gustong sumigaw ni hera, gusto niya maiparamdam kay charlotte kung gaano niya ito na-miss pero hindi niya kaya. limitado lang ang mga kaya niyang gawin dahil nanghihina na ang kanyang katawan.

charlotte couldn't help but cry. she's happy yet sad for hera, naaawa din siya para dito dahil hindi deserve ni hera na magkaroon ng ganitong kalubhang sakit.

"how are you bb?" 

at gaya ng kanina, ngumiti lang siya. "i'm fine, unnie."

lie.

sa tuwing may nagtatanong kay hera ng ganyang klaseng tanong, parati lang siyang ngumingiti at sasabihing; "i'm fine" kahit ang totoo ay hindi talaga. pero never 'yon sasabihin ni hera, ayaw niyang pag-alalahanin pa ang lahat dahil lang sa isang tulad niya.

"i'm glad to hear that! huhu, i missed you so muchhhhh!!!"

"i missed you more, unnie."

marami pa silang pinag-usapan nila charlotte hanggang sa mapagdesisyunan nila joy na iwanan muna sina hera at ni-ki. of course, para naman magkaroon ng quality time together ang dalawa.

"maiwan muna namin kayo, enjoooy!"

natawa lang si hera sa sinabi ng mga kaibigan nila habang si ni-ki ay napanguso na lang, nahihiya. pinanood nilang dalawa na isa-isang umalis sina heeseung, julie, joy, sunoo, danica at francine sa kwarto. yes, sila lang dahil sina jake at cyril ay hindi ma-contact. ganun din si jay.

nang tuluyan na makalabas ang lahat, katahimikan ang bumalot kila ni-ki at hera. kinuha ni ni-ki ang upuan para ilagay 'yon sa gilid ni hera saka umupo. ngayon ay nakatingin na si ni-ki kay hera na tahimik lang pinaglalaruan ang mga darili.

"anong nararamdaman mo? sobrang sakit pa rin ba?" paninimula ni ni-ki na ikinatigil ni hera.

hindi nag-angat ng tingin si hera at dahan-dahan lang tumango. and yes, nagsinungaling siya ulit pero ginawa niya lang 'yon para maipakita niyang malakas siya at hindi na mag-alala pa si ni-ki sa kalagayan niya.

ayaw niya na makitang nasasaktan si ni-ki nang dahil lang sa kanya.

napatango si ni-ki. "sabihin mo lang kung may masakit, tatawagin ko 'yung doctor."

hindi na sumagot si hera at ipinagpatuloy lang ang paglalaro sa mga darili niya. hindi na rin nagsalita pa si ni-ki at ewan ba nila kung bakit parang hirap na hirap silang magsalita gayong miss na miss na nila ang isa't-isa.

unti-unting napa-angat ng tingin si hera kay ni-ki na nakatingin din pala sa kanya dahilan para magtama ang mga mata nilang dalawa. napakurap-kurap si hera at dahan-dahan niyang inabot ang kamay ni ni-ki at mahigpit 'yong hinawakan.

"dalhin mo 'ko sa rooftop, please.."

nagitla si ni-ki sa sinabi ni hera pero agad din siyang umiling-iling. "hindi pwede, hindi mo pa yata kaya bumangon. saka gabi na—"

"malakas na 'ko ni-ki, don't worry."

another lie.

napatitig lang si ni-ki kay hera na nagpapaawa sa kanya para lang dalhin sa rooftop. hindi rin nagtagal ay tumango si ni-ki na ikinangiti ni hera. tumayo si ni-ki para kunin ang wheelchair ni hera saka dahan-dahan binuhat si hera para ilagay sa wheelchair.

at magsisinungaling ulit si hera kung hindi niya sasabihing hindi masakit dahil pakiramdam niya isang galaw lang sa kanyang katawan at may kaakibat na agad na sakit. pero tiniis niya, gusto niya talagang pumunta sa rooftop para makalanghap ng sariwang hangin.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon