. . . ⇢ 79 ˎˊ˗

Magsimula sa umpisa
                                    

"stop running away from me, nasasaktan ako sa tuwing ginagawa mo 'yan." pananalita ni heeseung na ikinanigas ni julie mula sa kanyang kinatatayuan.

pero hindi niya nilingon si heeseung, ayaw niyang makita ito, hindi niya kaya or let say hindi niya kayang makita ang mga mata nitong nangungusap at puno ng hinanakit at lungkot na siya ang dahilan ng lahat.

hindi nagsalita si julie dahilan para mapabuntong hininga si heeseung. oo, kaya niyang hintayin kung hanggang kailan magiging handa si julie na sabihin sa kanya ang lahat. pero gusto din ni heeseung malaman ni julie ang side niya.

at ngayon niya sasabihin 'yon.

"hindi ko talaga maintindihan kung saan ako nagkulang. hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako naging sapat. matapos mo makipaghiwalay sa'kin nalaman ko na lang na kayo na ng lalaking 'yon, alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? pakiramdam ko wala lang ako sa'yo." paninimula ni heeseung.

"pero pinaniwalaan ko pa rin 'yung pagmamahal mo sa'kin. doon ako kumapit.. pinilit ko kahit may possibility na mahal mo nga ang lalaking 'yon kaysa sa'kin.." mapaklang natawa si heeseung. "inisip ko na lang na baka may chance pa para muli kang bumalik sa'kin."

"julie-"

"heeseung.. stop." halos pabulong na ani julie na nakapagpatigil kay heeseung.

pero malungkot lang ngumiti si heeseung. "ganun pa man, naniniwala din akong balang araw masasabi mo na sa'kin ang totoong rason kung bakit nangyari sa'tin 'to.. kung bakit biglang nawala ang pag-"

"stop.. please." muling ulit ni julie.

hindi pa siya handa.

"maibabalik pa kaya natin ang dati?" muling pananalita ni heeseung.

walang nagawa si julie kundi ang harapin si heeseung, namumuo na ang luha sa kanyang mga mata at iritado itong tiningnan. "tigil na sabi!"

natahimik si heeseung, nakatitig siya sa julie na halos maiiyak na at kahit alam niyang ayaw ni julie ang gagawin niya ay ginawa niya pa rin. dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga at niyakap ito ng mahigpit.

"kapag pwede na, balik ka sa'kin ha? tatanggapin kita kahit maghintay ako ng matagal."

natulala lang si julie, hindi niya inaasahang gagawin 'yon ni heeseung. doon din ay walang pasintabing nagsunod-sunod ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ni julie dahil kahit hindi niya man aminin, ang yakap na ito ang matagal niya na hinahanap.

at hindi siya magsasawa ikulong ang sarili sa mainit nitong yakap.

napahiwalay si heeseung kay julie nang may marinig siyang tunog at sunod-sunod, nagmumula 'yon sa phone heeseung. kunot noo niya 'yong tiningnan at nakita ang pangalan ni ni-ki.

-♡️-

ni-ki
@nishimura

ni-ki
hyung

ni-ki
hyung si hera gising na!

ni-ki
kakagising niya lang!

heeseung
talaga? that's good

heeseung
kumusta na siya?

ni-ki
she's okay, i guess

ni-ki
nakikipagtawanan na siya kila joy

ni-ki
mukhang malakas naman siya

ni-ki
pero hindi pa rin ako makampante

heeseung
take positive lang ni-ki, gagaling pa si hera hmm?

heeseung
sabi mo mukha naman siyang malakas edi mas maganda yon, baka unti-unti na siyang gumaling since sinusubukan naman ang lahat para mapagaling siya diba?

ni-ki
sana nga hyung

heeseung
hey don't worry na, ang mahalaga ay gising na siya

heeseung
wait, i'll be there. paalis na ko dito

ni-ki
thank you hyung

-♡️-

"what happened to hera?"

napatingin si heeseung kay julie matapos niyang makipag-chat kay ni-ki. napakunot ang noo ni heeseung kasi paanong hindi alam ni julie ang nangyayari sa kaibigan nila?

pero na-realize din ni heeseung na lumalayo na pala si julie sa lahat bago pa tuluyang dumating si hera so obviously wala siyang kaalam-alam kahit na roommates sila ni mae dahil may sarili namang mundo si julie.

"may sakit si hera at matagal din siyang comatose pero nag-chat si ni-ki na gising na siya ngayon kaya aalis na 'ko para pumunta sa hospital." sagot ni heeseung at napatango naman si julie.

muling nagpaalam si heeseung kay julie at hahakbang na sana palabas ng pintuan nang matigilan siya sa biglaang pagtawag ni julie sa kanya, napalingon siya doon at nakita si julie na nagsusuot ng hoodie.

at bago pa magtanong si heeseung ay kaagad na sumagot si julie.

"sasama ako sa'yo."

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon