CHAPTER 1

3 0 0
                                    

Chapter 1: Unang Pagkikita

Nandito ako sa club ngayon hindi para uminom kundi para magtrabaho.... bilang waitress. Kailangan ko ng pera para may pambayad ako sa tuition fee ko sa school. Wala naman ibang tutulong sa akin kundi sarili ko lamang. Pinabayaan na ako ng magulang ko simula ng maghiwalay sila.

"Leana, okay ka lang? Umiiyak ka ba? May problema ba?" sunod- sunod na tanong sa akin ni Jiji, isa sa kasamahan ko dito sa bar na naging kaibigan ko na din. Natawa ako at pinunasan ang luha ko na di ko man lang naramdaman na tumulo.

"Wala lang ito" sabi ko at umiling iling para maniwala siya.

"Sure ka? " Pag-uusisa niya kaya tumango na lang ako. "Pinakaba mo ako" napahawak pa siya sa kanyang dibdib.

Hindi ako kumibo at kinuha ang inorder ng mga tao.

"Basta ha kung kailangan mo ng shoulder to cry on nandito lang ako. Alam mo naman we just like a sisters na kaya mas maganda nga lang ako pero pwede na din"

"Ikaw talaga" kinurot ko siya sa tagiliran pero sinamaan ako ng tingin dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Totoo naman ah!"

"Oo na"

Matapos ang ilang oras na trabaho ay umuwi na agad ako sa condo para mag review dahil may quiz pa pala ako bukas at muntik ko ng makalimutan.

"Ingat ka sis wag na wag mong ibibigay ang petchay mo. Wag mong ibubuka ang dalawang kawayan sa daan" Paalala niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin at ramdam ko din ang pag init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan na baka may makarinig sa pinagsasabi ng babaeng ito.

"Ang bastos talaga ng bunganga mo" hinampas ko siya pero humalakhak lang ito. Hindi ko din alam kung paano kami naging magkaibigan e ang layo ng ugali niya sa ugali ko. She is blunt and me.... innocent.

Kinabukasan nakahanda na ako para pumasok ng maalala ko nanaman na hindi ko pala nakuha ang sahod ko kagabi. Patay. Siguradong mamayang gabi ko nanaman makukuha yun.

Pagkadating ko sa school bumungad sa akin ang kaibigan ko na walang ibang ginawa kundi pagsabihan ako ng may halong malalaswa. Ako na ang nahihiya sa kanya sa tuwing napapatingin sa amin ang ang mga ibang estudyante lalo na ang kanilang mga matang mapanghusga.

"Jiji" tawag ko sa pangalan niya na may pagbabanta.

"What? Don't tell me hindi mo talaga type si Asher Jaxiel Stanford?!"

Napakunot noo ako. Kailangan talaga buong pangalan? Buo nga ba? Eh hindi ko naman siya kilala. Bakit lagi niyang binabanggit sa akin ang pangalan na yan. Sino ba yun?

"Nope"

Napahawak siya sa kanyang bibig na kunyari ay gulat na gulat sa narinig kaya iniripan ko siya bago nagpatuloy sa paglalakad. Bakit ba kase nasa 4th floor ang classroom namin.

"OMG!! You really unvelibable? Hindi mo kilala ang  pinakamayamang anak  ng business tycoon dito sa bansa natin? The only heir of Stanford Realm State?! "halos sumigaw na siya at nagdabog pa habang nasa hallway kami.

Stanford Realm State..

Parang narinig ko na yan dati pero di ko maaala kong kailan at sino ang nagsabi.

"Hindi nga! I don't care about who is that guy. Hindi ko alam kong bakit patay na patay kayo jan kung sino man yan. I am not interested at kahit kailan hindi ko nanaisin na makilala o mahulog sa kanya. Gets mo ba?!" inis na sabi ko.

Tumawa lang siya kaya mas lalo akong nainis kaya padabog akong naglakad at di ko man lang namalayan na may nabangga na pala ako kaya napatigil ako sa paglalakad at lumayo kaunti

"Fvck!" rinig kong bulong niya.

Narinig ko ang impit na tili na kaibigan ko na parang kinikilig..

"Patay!"

"Saksakin niyo na lang ako"

Napangiwi ako sa mga narinig at binalingan ng tingin ang lalaking nakabangga sa akin o nabangga ko? ah ewan, basta. Napataas ang kilay ko ng ang sama ng tingin niya sa akin  na parang kakainin ako ng buhay. Ha! akala niya ba natatakot ako? Baka si Leana ito.

"What the hell you have done?! You little.."

Did he cursed me?

"Kasalanan ko bang sa dinadaan ko ka dumaan. Sino ka ba? Akala mo naman sa iyo itong university para tignan mo ako ng ganyang kasama" matapang na sabi ko at sinalubong ko ang kanyang tingin. Ramdam ko ang tension sa paligid.

May humawak sa braso ko. "Ah hehe s-sis tara na" kinakabahang sabi ni Jiji hinila niya ako pero di ako nagpatinag.

"Bro hayaan mo na" tapik ng isang lalaki sa balikat ng lalaking nasa harapan ko at nanatiling nakatitig.

"O-oo nga! Tama! A-aalis na lang kami A-asher. Leana tara na" hinila niya ako ulit.

Tumikhim siya kaya natahimik lahat. "Hindi ko papalagpasin ang bagay na ito. Sino ka din para sagutin ako? Hindi mo ba ako kilala?"

"Dapat ba kilala kita?"

Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin.

Narinig kong humalakhak ang dalawang lalaki sa tabi niya.

"Miss, bibigyan kita ng kunting kaalaman kung sino ang nasa harapan mo ngayon." sabi ng lalaking tumapik sa kanya kanina. "  He is Asher Jaxiel Stanford the heir of Stanford Realm State and his family owned this university. Gwapo din.. ako" Sabi nito na halatang proud na proud sa sinabi niya sa dulo at humalakhak muli. Napakababaw ng kasiyahan.

"May-ari ng university?" Wala sa sariling sabi ko. Parang naging blangko sa akin lahat.

Hindi ko man lang naramdaman na nakalapit na pala sa harap ko ang lalaking kanina lang binabanggit ni Jiji na may ari din ng school kung saan ako nag-aaral. Nilipit niya ang kanyang mukha malapit sa aking tenga at nakaramdam ako ng pagkailang at parang may kumikiliti sa leeg ko dahil sa kanyang mainit na hininga. "Kaya kilalanin mo ang binabangga mo" bulong nito bago ako nilagpasan.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil ngayon ko lang naramdaman ulit ang kaba at takot. Ito na ba ang katapusan ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY OWN CEO PRESIDENTWhere stories live. Discover now