PROLOGUE

4 0 0
                                    

The sunset in the beach is the most beautiful view I ever seen. Sa paglubog nito ay isang magandang tanawin na hindi kayang tiisin na kahit na sinong manonood nito. A breathtaking view.

"Sana hindi na matapos ito" bulong ko kasabay ng malakas na ihip ng hangin na naging dahilan ng paglipad ng akin puting bestida at maging ang aking buhok. Pumikit ako upang maramdaman ang hangin.

Napangiti ako.

"You really look beautiful when you smiling"

"Sir wala namang ganyanan baka mahulog ako" nagbibirong sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa hotel.

"Edi.. sasaluhin kita"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya kaya tumigil din ito ng mapansin na hindi na ako nakasunod sa kanya.

Kasabay nito ang paninikip ng aking dibdib kaya napahawak ako sa aking dibdib. Parang nakakaramdam ako ng pamilyar na bagay pero hindi ko mapaliwanag.

"S-sir.." halos walang boses na lumabas sa bibig ko ng tawagin ko siya. Tinitigan niya ako at kita ko sa kanyang mga mata ang labis na pangungulila sa taong mahal niya.

Napapikit ako dahil medyo sumasakit ang ulo ko at  nanlalabo na din ang aking paningin. Napahawak ako sa puno ng niyog sa aking tabi upang magkaroon ng suporta. Kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala at ang kagustuhan na hawakan ako.

Bakit ganyan ka makatingin sa akin.

S-sino ka ba talaga?

Umiwas ako sa kanya ng tingin.

"T-tara na..." paos na sabi ko. Magsisimula na sana akong maglakad ng bigla na lang akong nawalan ng balanse at huli na ng hawakan ko ang kanyang braso kaya pumikit na lang ako at naghintay na bumagsak sa buhangin ang katawan ko... ngunit wala akong naramdaman dahil may brasong biglang yumakap sa akin upang hindi ako tuluyang mahulog.

"I told you, sasaluhin kita."  bulong niya habang nakatitig sa akin at unti unti ng nanlalabo ang aking paningin pero may sinabi pa siya na hindi ko maintindihan..

"S-s'il te plâit, r-reviens m-moi.. t-tu me m-manques...."

At tuluyan na akong nawalan ng malay sa bisig ng aking amo..

MY OWN CEO PRESIDENTWhere stories live. Discover now