White Petals

6 0 0
                                    

"I guess that's it for today, feel free to send me and email or a text message for any questions, I might not be able to accept phone calls today though."  Pag tatapos ni Lous sa meeting. 

5:00 pm ng hapon ay tinapos na niya ang lahat ng kanyang commitment sa trabaho.


Ngayong araw ang death anniversary ng kanyang ina at mahalaga para sa kanya ang araw na ito.


"All your commitment has been cancelled today, here's your key" Iniabot sa kanya ng secretary na si Clark ang susi ng kotse. Si Clark ay hindi lang isang secretary para sa kanya, maituturing niya rin itong malapit na kaibigan. 


Madalas niya itong kasama ngunit ngayong araw ay mag isa siyang pupunta sa puntod ng kanyang ina, dumaan muna sya sa isang flower shop bago bumiyahe.


Isang malaking bugkos ng rosas ang kanyang binili na kanyang inilagay sa car seat.

Medyo may kalayuan ito kaya sinigurado nyang full tank ang kanyang sasakyan. 

Sinabayan ng magandang musika sa radyo ang mood ng binata. Masaya siyang nag mamaneho patungo sa kanyang destinasyon.


----


"Summer Elize! Ngayong kalang uuwi?" Masayang pasigaw na bati sa kanya ni Laura habang papasok ng elevator pababa ng gusali na kung saan sila nag tatrabaho.

Napa buntung hininga naman si Summer dala ng pagod, pagkatapos ay pinindot niya ang ground floor button.

 9:00pm na niya natapos ang kanyang trabaho dahil sa patong patong na deadlines.

"Ano pa nga ba? End of the month nanaman kaya kailangang tapusin lahat. Naku, gusto ko tuloy mag bakasyon pagkatapos nito o 'di kaya itreat ang sarili ko ng masarap ng pagkain."

"Yeah, you deserved that, basta libre mo ako haha! Teka paano ka uuwi ngayon? gabi na ah" Medyo worried na sambit ng kanyang kaibigan.

"Mahahabol ko pa naman ang huling byahe ng bus, mag ba-bus nalang ako." 

"Sure ka? Hindi ka ba natatakot? Teka, dalhin mo to sayo, ibalik mo sakin bukas ha." Tila may kinuha si Laura sa kanyang bag at iniabot ito sa kaibigan.

"Ano ito?" Isa itong maliit na plastic box na may pindutan. Naisip nyang pindutin ito.

"Ahhhy! Ano ba yan Laura!" Pareho silang nagulat sa ginawang ingay nito.

"OMG!" Pinindot ulit ito ni Laura upang tumigil ito sa pag gawa ng ingay.  

Saktong nagbukas ang elevator.

"Security Alarm device yan, matagal ko na yang bitbit, syempre di ko pa yan nagagamit ever, malay ko bang ganyan pala kalakas yan hahaha!" Sabay silang napatawa matapos magulat.

"Akalain mong, ang liit nito pero daig pa ang sirena ng police car sa lakas. haha" Natatawang sabi ni Summer habang pinapasok niya ito sa kanyang bag.

"Oh! Sya, mauna na ako ha, kailangan kong habulin yung huling bus, otherwise kailangan kong mag taxi. Salamat pala dito sa security device, sana naman hindi ko magamit ngayon diba? haha Bye!"


Pinili ni Summer ang pang huling upuan ng bus at gaya ng lagi niyang nakagawian ay sinuot nya sa magkabilang tenga ang earphone.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CEO Beside Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon