Autumn
"You can't do this, Mama!"
Gusto kong magsisigaw at magwala. Hindi makatarungan ang ginagawa ng Mama ko! Tumingin ako kay Mommy at nagpasaklolo, pero umiling lang siya na pinahihiwatig na wala itong magagawa.
"Bakit niyo ginagawa sakin ito? My goodness! Kayang kaya naman nating bayaran lahat ng reporters!"
Ang bestfriend kong si Cameron, kapag may mga negative news about sa kanya ay hindi agad nakakalabas sa madla. Dahil hinaharang agad yun ng mga kapatid niya. She's a princess. Pero alam kong kaya ring gawin ni Mama Winter yun! Oo at hindi kami kasing yaman ng mga Ohara pero marami rin naman kaming connections.
"Hindi lang pangalan mo ang masisira sa ginawa mo, Iris Autumn. Pati na rin ang pangalan ng buong pamilya natin."
"My God, Ma! Hindi ko naman hinalikan si Jen!" Katwiran ko pa. Kung alam ko lang na ganito kalaking gulo ang mangyayari ay hindi ko na sana ginawa yun.
Dahil sa nangyari ay inanunsyo ni Mama kanina lang ang pagpapakasal ko may Sydney Ohara. Ang babaeng loser. Ang babaeng makapal ang mukha na kahit ilang beses ko ng binasted ay nagpapakita pa rin sakin. Si Sydney Ohara na kung hindi dahil sa apelyido niya ay wala namang maipagmamalaki.
Kaaalis lang nito. Kami nalang ang naiwan dito sa conference room. Sa edad kong twenty two ay hindi pa pumasok sa isip ko ang pagpapakasal! Lalo na at kay Sydney pa! Mas gusto ko pang pakasalan si Cameron! Tsk. Nevermind na lang pala.
"Sydney is a good catch." Sabi pa ni Mama na parang balewala dito kahit mapatid na ang litid ko sa pagsigaw. "Mabuting kaibigan si Sean." Tukoy nito sa ina ni Sydney. Si Tita Sean ang pinsan ni Tita Dana. At si Tita Sean na din ang namamahala sa mga private schools na pag-aari ni Tita Dana. In short, wala talaga silang ipinundar na galing sa sarili nilang pera. Malaking bonus lang na taglay nila ang apelyidong Ohara.
"Good catch?" Hindi makapaniwalang ulit ko. "She's a nobody, Mama. Just an ordinary romance author."
"Iris.." May pananaway na tinig ni Mommy Sky. "That is a decent job."
"Sky, hindi niya alam ang salitang decent job." Kontra ni Mama. "Ang alam lang ng anak mo ay gumastos." Nagkibit balikat pa siya. "Pero kapag nagpakasal na sila ni Sydney, matututo na siyang magtipid."
"Mama! Hindi ako magpapakasal kay Sydney! Hindi niyo ba naisip na baka pera lang natin ang kailangan niya?" Ha! Alam naming lahat ang lihin ng pamilya niya. Ang lolo ni Sydney ang nagtangka noon sa buhay ni Tita Dana para makuha lahat ng kayamanan nito. "Hanggang ngayon si Tita Sean ay tagapamahala lang ng mga private schools ni Tita Dana. At si Sydney ay manunulat lang. Big catch nga naman ako sa kanila dahil ako ang nag-iisang anak ni Sky Montero and Winter Saavedra!"
"Iris Autumn!" Napapitlag ako nang malakas na hampasin ni Mama ang table. Naningkit ang mga mata nito. "Wag mong minamata ang trabaho ng kung sino. Kung hindi mo alam ay matagal nang binitiwan ni Dana ang mga private schools nila at ipinangalan niya iyon lahat kay Sean. Pamilya sila, Iris. Kilala ko ang bawat isa sa kanila. Lalo na si Sydney. Mayroon siyang prinsipyo at integridad. At hindi siya umaasa sa pera ng ina niya, bagkus ay mas pinili niyang maging simpleng manunulat lang."
"Iris, makinig ka sa Mama mo." Pagsang ayon pa ni Mommy. "Malapit na kaibigan namin si Sean. At hindi tama na magsalita ka ng ganyan. Hindi lang pera ang mahalaga sa mundo."
"Ang totoo niyan ay bibigyan ko ng share of stocks si Sydney sa ating kompanya bilang regalo sa nalalapit niyong kasal."
"Share of stocks?!" Talagang balak yata ni Mama na gulatin ako buong araw.
"Binabayaran niya pero hindi ako pumayag." Sabi pa ni Mama. "And Iris, sa bahay ka na niya titira after your wedding."
"What?!" Hindi ba talaga matatapos ang bangungot na ito?! "Ayoko!" Mamamatay ako!
"Wala kang magagawa, Iris." Si Mommy na ang sumagot. "Hindi uubra ang pagka spoiled mo kay Sydney."
"Only because she's poor!" Sigaw ko. "Maliit ang bahay niya at walang swimming pool! Baka nga wala siyang kasambahay! Mama!" Lumapit na ako kay Mama at humawak sa braso niya. "Magtitino na ako. Kung gusto mo ay magtrabaho na ako sa company para matulungan ka. Basta wag mo lang akong ipakasal kay Sydney!"
"No need. Malaking tulong na sakin si Hera."
"But Mama-"
"Kung gusto mong tumino, talagang bagay kayo ni Sydney. Yes, hindi mansyon ang bahay niya. Pero sariling pera niya ang ginamit niya para mabili yun. Hindi siya umaasa sa pera ng ina niya."
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa ina ko. Ako ang nag-iisang anak nila pero bakit nagagawa nila sakin ito? Hindi ko naimagine na titira ako sa maliit na bahay at si Sydney pa ang kasama!
"Matagal ka ng mahal ni Sydney. Alam naming aalagaan ka niya at iingatan. Irerespeto ka at mamahalin ng tapat."
"I don't love her." Oo at sobrang ganda at sexy niya. Pero hindi ko talaga siya gusto. Alam ko nang marami ring naghahabol sa kanya pero bakit ba ako ang pinagtitiisan niya? Ilang beses ko na siyang sinampal ng katotohanan na kahit kailan ay hindi ko siya magugustuhan. Pero manhid yata talaga siya.
Sumama ang mukha ni Mommy Sky. "At anong gusto mo? Maghabol sa manlolokong Jennifer na yun? Tingnan mo at muntik ka ng mapahamak!"
"Mom-"
"My decision is final, Iris Autumn. Magpapakasal ka kay Sydney."
"Mama, hindi pa ba sapat na bibigyan mo siya ng share of stocks? Ngayon pa lang ay alam na natin na ang mamanahin ko ang habol niya!"
"May trabaho nga kasi si Sydney,"
"Trabaho?" Pinigilan ko ang pagtaas ng kilay. "Trabaho ba ang pagsulat lang ng mga walang kwentang nobela? At magkano ang kinikita niya sa pagsusulat ng mga ganon? My God! Wala na siya sa uso! I can even buy her publishing company!"
"That's enough." Saway ni Mama. Tumayo na ito at nilapitan si Mommy. "Mag-ayos ka na dahil may dinner tayo sa bahay mamaya. Darating ang mag-inang Ohara."
"No, Mama. Hindi ako uuwi!"
Pero imbes na magalit ay ngumiti lang sakin si Mama. Mga ngiting kikilabutan ka talaga. "Subukan mo lang, Iris. Kung ayaw mong mawala lahat ng pag-aari mo."
"What?"
"Pasalamat ka nga at pakakasalan ka ni Sydney para lang makaiwas ka sa eskandalo."
"Pabor sa kanya yun! Matagal na niya akong gusto!"
"Magpapakasal ka kay Sydney Ohara sa ayaw at sa gusto mo."
"I can't believe this! This is crazy!" Naiiyak na lumapit ako sa kanila. " Mommy! Please! Ayokong magpakasal! Lalo na sa Sydney na yun na mukhang barbie!" Naiiyak na yumakap ako sa kanya. "Mommy! Kahit kay Cameron niyo nalang ako ipakasal, Tutal totoong Ohara naman siya!"
"Pareho lang kayo ni Cameron na spoiled brat. Don't worry, anak." Inayos pa ni Mommy ang buhok ko. "Magiging masaya ka naman kay Sydney eh.."
"Mommy! Please!"
"Umuwi na tayo." Balewalang pahayag ni Mama. "Siguraduhin mong irerespeto mo sila mamaya, Iris. Kung ayaw mong bukas ay ipakasal ko kayong dalawa."
"I hate you, Mama!" Hindi ko na napigilang maiyak. Mabilis na lumabas ako ng conference room. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng ibang staffs dito sa kompanya.
Ayaw nila kay Jennifer dahil cheater daw. Pero botong boto kay Sydney na gold digger naman!
I hate you, Mama! Ipapakasal mo lang pala ako sa taong mukhang pera!
I hate you, Sydney Ohara. Pangalan at pisikal na anyo mo lang ang maganda sayo. Pero hindi mo maitatago ang baho ng pamilya mo. Wag kang magsaya, dahil hindi mo pa ako lubusang kilala.
Ako si Iris Autumn Montero Saavedra. Your greatest nightmare.
-----
Eh di wow, Iris. Taken na si Cameron. Ahihi 😂
YOU ARE READING
Bachelorette Series #4 : Sydney Ohara (GxG)
General Fiction(COMPLETED) Fourth book. Ang katuparan ng pangarap ng manunulat na si Sydney Ohara : Ang mapakasalan ang babaeng ilang ulit siyang sinampal ng katotohanan na kahit kailan ay hindi siya magugustuhan. Sa kanya pa rin talaga ang huling halakhak.
