Chapter 19

294 16 2
                                    

Iisa lang ang naging reaksyon namin sa sinabi nya,gulat at hindi makapaniwalang reaksyon.

Paano nangyaring sya si emerald,tanda ko pa ang picture na pinakita sa akin ni tita at anlayo nun sa kanya.Hindi naman gray ang mata ni elaijah!

"At pano mo naman nasabing ikaw ang nawawalang anak nya ha?your eyes aren't gray,stupid."si bryce ang sumagot.

Yan!awayin nyo yang feeling anak nayan!

"But i am her daughter!"sigaw ni elaijah.
Umiiyak sya at walang tigil ang hagulhol nya.

Nagaalala ako na baka marinig kami ni Dean,pero naguguluhan rin ako sa sinasabi ni elaijah.Imposible ang sinasabi nya...

"You're not my cousin,i know emerald so well.So don't try to accuse na ikaw sya!"
Pinsan?napatingin ako kay dawn,pinsan nya pala si emerald.

"But i am.Nagkaamnesia lang ako,but now....i can remember all the things.I remember who i am."sagot ni elaijah na walang tigil sa pag-iyak.

Naguguluhan ako..

Nagulat ako nang hilain ni bryce si elaijah sa braso,naglakad sya habang hatak-hatak si elaijah.Agad naman kaming nagkatinginan ni dawn,"sundan natin sila dawn."utos ko.Tumango sya at naglakad.
Sumunod naman ang lima sa amin,
Lakad takbo ang ginawa namin dahil narin sa bilis ng lakad ni bryce,ang isang hakbang nya siguro at tatlong hakbang ko.
Edi ako na unano!

Nakababa na kami pero hindi na namin alam kung nasan ang dalawa,masyadong malaki ang Heiress High kaya hindi namin alam kung saan sya hahanapin.

"Try natin sa mini park,sa likod ng Heiress High."mini park?bat diko alam yun?

Sumunod ako sa kanila,dumaan kami sa garden at lumiko sa gilid ng abandonadong building.Pagkaliko namin nakita ko ang hinahanap namin.

Si bryce at elaijah,nag-uusap sila at nakita ko ang higpit ng pagkakahawak ni bryce.
Ngayon ko palang sya nakikitang galit...
Nakakatakot sya.

"Ikaw!!tigilan mo ang pagpapanggap na ikaw si emerald!!!"nakakatakot ang bryce na nasa harap ko....Mukhang hindi kopa nga sya kilala.

"Lalapit naba tayo?"bulong ni cloud.

Nilingon ko sila at lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang ako ang magdedesisyon,"w-wag muna s-siguro....
Pakinggan muna n-natin sila."nakayukong sagot ko.

Bumuntong hininga sila.At ganun rin ako,
parang kanina lang nag-away pa kami ng pangit nato tapos ngayon nakikita ko syang umiiyak para paniwalaang sya nga si emerald.

"But i'm not lying!i am emerald felicity!ako ang nawawala nilang anak!"hagulgol ni elaijah.

Napaluho sya at patuloy sa pag-iyak,
nangungusap rin ang mga mata nya....Hindi ko man nakikita pero ramdam kong nangungusap sya na paniwalaan namin sya.Na paniwalaan sya ni bryce.

"You are just a piece of trash!my emerald was a jewel!so don't say that she is you."bulyaw ni bryce.

Patuloy parin sa pagiyak si elaijah,hindi kona napigilan ang sarili ko.Lumapit ako at pumagitna sa kanila,hinarap ko si bryce.

"B-bryce...enough na."may halong pakiusap na sabi ko.

Tiningnan nya ako.Ang kaninang galit nyang mukha ay napalitan ng maaliwalas.

Humawak sya sa noo nya bago humarap ulit sa akin,hinawakan nya ang mga kamay ko."kung ikaw ang magsasabi na ikaw si emerald.....maniniwala ako."ani nya.

The Lost Heiress(On-going)Where stories live. Discover now