Chapter 11

363 20 0
                                    

Pagkatapos ng munting iyakan,hindi pala ako umiyak hehehehe.Pagkatapos nang eksena namin ni ms.Snow sa kwarto ng anak nya,napagpasyahan namin na bumaba na.

Inayos nya ang sarili nya at tsaka nakangiting humarap sa akin,"thank you for comforting me,alyssa"sabi nya.

Ngumiti ako pabalik."wala po iyon ms.snow,alam kopo ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay.At makaramdam ng pangungulila,pero sana tatagan nyo ang loob nyo.Hindi pa po dito natatapos ang pagikot ng mundo,
Wag po kayong magkulong sa sakit,
hayaan nyong maalis iyan sa inyo.Alam kong magiging masaya si emerald pag nakitang masaya kayo."

Niyakap nya ako,"thank you hija"

Ngumiti ako at niyakap sya pabalik,"youre welcome po"

Bumaba kami sa hagdan na parang walang nangyari,naabutan namin si mr. At ang pito na naguusap pero tumigil rin sila ng matanaw kami.

"Uuwi naba kayo?"malungkot na tanong ni ms. Snow.

"Opo tita.Dadaan papo kasi kami sa Mall para mamili ng gamit sa school,pumunta po talaga kami dito to tell you na magaaral napo kami."si bryce ang sumagot.

"Ahh ganun ba?"malungkot syang tumingin sa pito bago sya tumingin sa akin.Angkyut naman ni ms.snow,parang tuta na hindi pinansin ng mommy nyang aso.

"Babalik ka dito diba?"tanong niya.
Nilingon ko ang pito at ngumiti naman sila sa akin,ganun rin si mr.

"Oo naman po!"masiglang sagot ko.
Pumapalakpak naman sya na parang batang binigyan ng kendi.

"Promise mo yan alyssa?pag nagbroke ka ng promise,mabubroke din ang bones mo"kinilabutan ako.

Nakakatakot pala tong si ms.snow,iba sya sa nakita kong umiiyak kanina.

Narinig ko ang pagtawa ng pito,pati ang asawa ni ms.snow ay tumawa rin,"im just kidding!"bawi ni ms.snow at hinampas ako sa braso habang tumatawa.

Diko mapigilang mapangiti,unang araw pala ng pagkikita namin pero magaan na ang loob ko sa kanya.Ganito rin ang naramdaman ko nung una kong nakilala ang pitong serpyenteng ngayon ay kaibigan kona.

"Nabanggit sa akin ng mga alaga ko na sa Heiress High ka nag-aaral"nilingon ko si mr. Na seryosong nakatingin sa akin habang nakapamulsa.

Tumango ako."opo"

"Pupunta kami bukas para kausapin ang principal,sasabihin kong ako na ang bahala sa tuition mo.At tanggalin kana bilang scholar."lumiwanag ang mata ko sa sinabi nya.

Atlis,di nako scholar at hindi rin si lola gagastos para sa pag-aaral ko!

"T-talaga po ba?"hindi ako makapaniwala.
Ambait nila!ngayon palang nila ako nakilala pero napakasaya ko na hindi na ako scholar student.

"Yes,hija.And kahit na hindi namin bayaran ang tuition mo,it's okay."e-eh?bakit?

Biglang may pumasok sa isip ko,"kayo poba ang may-ari ng Heiress High"
Tumango naman si ms.snow,hindi kona napigilan ang sarili ko.Tumalon ako papunta sa kanilang mag-asawa at nikayap silang pareho,hindi ko maiwasan hindi mapaluha.Tears of joy na hindi pwedeng ipanghugas ng plato.

"Thankyou po,sobrang laking tulong po nito sakin at sa lola ko"ani ko.

Bumitaw ako sa pagkakayakap at tumangin sa kanila,"anything for you young lady,you are part of the family now.Isa kana rin sa alaga namin."Part ako ng family?awwww!ansarap sa puso!

Pinatong ni mr. ang kamay nya sa ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko,"mag-aral ka nang mabuti,i know one day you become a successful woman"tumango ako.

"Hindi kopo sasayangin ang binigay nyo po sa akin ni ms.snow,maraming salamat po"sagot ko.

Hinawakan ni ms.snow ang kamay ko,"and by the way,call us tita and tito"sabi nya.

"O-okay po,ms----i mean tita"ngumiti ako sa kanya bago yumakap ulit sa kanila.

Best day ever!

"Alis na po kami tita,babalik kami pag weekends."sabi ni andrei.

Hinatid nila kami sa pinto,sa garden ulit kami dumaan.Kumaway naman sila sa akin,"balik ka ha?!"sigaw ni tita snow kaya tumango ako at kumaway.

Pumasok ako sa van,sumunod naman ang iba.Si Zilester na ang driver,sa passenger si Akihiro,sa middle seat naman yung apat.Si Andrei,Dawn,Flint,at Cloud.

At kaming dalawa sa back seat,ako at si Bryce.medyo awkward!

"Ngayon tayo pupunta sa mall,paalala lang na KAPAG gustong magtanong.
tawagin ang name hindi yung manunusok ng leeg"pagpaparinig ni dawn.

I rolled my eyes,"paalala lang rin na KAPAG gusto mo pang magtagal sa mundong ibabaw,itikom mo ang bibig mo"sabi ko.Nagtawanan naman ang mga tukmol at inasar si dawn na parang natalo sya sa akin sa asaran.Kala mo ha!hmph!

Sinimulan na ni Zilester ang pagddrive,
habang ang iba naman ay busy sa kanya-kanya nilang gawain.Ako naman ay nagmamasid lang,"i have something to tell you Yash"nilingon ko si bryce at pinagkunutan ng noo.

"Nuyun?"tanong ko.

Inilapit nya ang kanyang bibig sa tenga ko,
"i'm the one who said na sa mall tayo pupunta"bulong nya.

Gumilid ako kaunti at cross arms na tumingin sa kanya,"diko gets"mahinang sabi ko para sya lang ang makarinig.

Buti nalang at busy ang mga tukmol sa pagdadaldalan,kaya hindi nila kami pansin sa likod.Teka bakit koba iniisip yon?ano naman kung makita nila kaming nag-uusap?

"I'm the person who said earlier na sa mall tayo pupunta,hindi si dawn."
ramdam ko kaagad ang pagkapahiya.

Takte!nanisi pa ako at nanakal dahil lang doon,tapos wala manlang ginawa ang animal nato?!ni hindi nya manlang sinabi na sya pala ang nagsabi non?aba!

"Gago ka"susuntukin ko sana sya pero nagulat ako ng ilapit nya ang mukha nya sa mukha ko,isang kibot nalang mahahalikan nya ako.

"Try me,young lady"nagsmirk sya.Iba ang impact ng pagkakasabi nya ng 'young lady' kesa sa normal na pagsabi nya noon.

Amoy mint ang bunganga nya,sanaol!ako amoy onion rings ang bunganga ko.
Natatakot akong magsalita baka mahimatay sya sa baho!

Lalayo na sana ako ngunit nagulat ako dahil biglang umalog ang van,senyales na lubaklubak na ang daanan.

Bago pa dumikit ang labi nya sa akin,
hinarangan ko agad ng kamay ko ang labi ko.Tsansing!tanga dika makakaisa!

Lumayo sya at umirap.Ay!bakla!

"Hoy ano yan ha!kayo haaaa!"napatingin ako kay cloud na nagsalita.Inirapan ko sya.
Ingay ng lalaking to.

"Ehem!bawal gumawa ng kalaswaan dito.Bawal pda!"parinig ni dawn.tsk!

Hindi ako umimik.Nagtuloy tuloy ang byahe,bumalik sila sa kanya kanya nilang ginagawa habang ako ay nakatingin sa labas at panay hikab.

Tiningnan ko ang oras,4:00 p.m. na at alam kong matagal pa ang byahe,napakalayo ng mansion nila tita snow.

Ngayon kolang rin napansin na puro puno ang nasa paligid,may mga bahay rin pero mas marami ang mga puno.Kaya pala napakafresh ng hangin dito,pure oxygen ang nalalanghap dito.

Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ko kaya agad kong pinatong ang siko ko sa window at doon ko pinatong ang baba ko.
Dahan-dahan kong ipinikit ang mata ko,
pero di pa nagtatagal ang plano kong pagtulog nang biglang may humawak sa ulo ko at dahan-dahan akong ihiga sa hita nya.Alam kong si bryce yon dahil sya lang ang katabi ko,pinabayaan kona sya dahil narin sa pagod.

"She's angel when she's asleep,but she's a beast when she's awake."

The Lost Heiress(On-going)Where stories live. Discover now