Chapter Fifty Seven

Start from the beginning
                                    

Kung hindi ko sana pinagdudahan si Jez, hindi siya magagalit sa akin, hindi kami mag-aaway at hindi ako makukunan.

Kung nagtiwala sana ako sa kanya ay masaya pa rin kami.

"Ate Klaisse, you're crying again." puna sakin ni Veer habang hawak hawak ang kamay ko.

Sa mahigit isang linggo kong pananatili sa ospital ay halos lahat sila nadalaw na ako pero si Jez, hindi pa rin. Ni anino niya ay di ko nakikita hanggang makalabas ako.

"Mom, gusto ko sa condo namin ni Jez." paghingi ko ng pabor kay Mommy. Tinitigan niya lang ako ng puno ng pag-aalinlangan.

"Wala kang makakasama dun." mahinang sagot niya sa akin.

"I want to be alone."

Isa pa, umaasa ako na uuwian ako ni Jez. Kahit na wala na ang anak namin. Umaasa ako na hindi niya pa rin ako matitiis. Babalik pa rin siya sa akin.

"Klaisse, mahigpit na bilin ng doctor mo na bantayan ka." paliwanag nito pero nagpumilit ako.

"Please, Mom. Hayaan mo na po muna ako." wala na siyang nagawa kundi ihatid ako sa condo kung saan naging masaya kami ni Jez sa konting panahon.

Pagpasok ko ay sinalubong ako ng lamig. Walang bakas ni Jez sa condo, kahit ang amoy niya ay di ko maamoy dun. Mukang matagal ng hindi nadadalaw ang lugar na ito.

"Klaisse, maiwan na kita dito. Kung may kailangan ka. Tawagan mo lang ako." bilin ni Mommy pero andun pa din ang pag-aalinlangan nyang iwan ako.

"Kaya ko na po. Sige." simpleng sagot ko lang dito.

Iniwan niya na rin ako mag-isa at dumiretso ako sa kwarto namin.

Sa gilid ng kama ay nandun ba ang mga paper bags na pinamili namin para sa anak namin.

Naupo lang ako sa kama at nakatitig dun. Unti unti na naman akong naluha.

Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Tama si Jez, binigay at ginawa niya ang lahat para sa amin pero hindi pa rin ako nakuntento.

Masyado akong nagpalamon sa insecurities ko kay Neri.

Sa totoo lang, matagal naman na talaga aong insecure sa kanya. Nag-aaral pa lang kami na-iinsecure na ako sa kanya.

Hindi ko matanggap na kahit anong gawin kong aral hindi ko siya malamangan. Ang ganda ganda niya pa at mahal siya ng lahat..

Kaya ng malaman kong minahal din siya ni Jez nawala na ako sa sarili ko. Alam ko kasi na kamahal mahal naman talaga sya kumpara sa akin.

Nilamon ako ng selos 'ko. Nang takot ko na baka iwan ako ni Jez..

Pero dahil din sa takot na yun ay tuloyang nawala sakin si Jez.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makatulog na ako sa pagod.

Pag-gising ko ay nagluto lang ako ng cup noddles para may makain. Umaasa pa rin akong uuwi si Jez.

Sinubukan ko siyang tawagan sa unang pagkakataon pero hindi siya macontact, o baka naka-block na ako sa kanya.

Lumipas ang araw na nagkukulong lang ako sa condo. Hindi ako nalabas. Hindi ako natanggap ng bisita.

Nakahiga lang ako madalas sa kama at yakap yakap ang mga maliit na damit na binili namin ni Jez.

Hindi ko man nakita ang baby namin ay naramdaman ko siya. Nakasama ko siya.

*tok *tok *tok

Mula sa pagkakabaluktot ko sa kama ay bumangon ako para buksan ang pinto.

My Maniac Bestfriend (Under Editing)Where stories live. Discover now