"HONEY!"
Napalingon si Samantha kay Jiro ng tawagin siya nito.
"Mhmmm?"
"Pakasal na kaya tayo?" Tanong ng binata habang nilalaro ang hintuturo sa buhok ni Samantha na nakahiga sa dibdib niya.
"Talaga?" Masayang sabi ni Samantha. Gusto na niya ring maikasal sa nobyo dahil talagang mahal na mahal niya ito. At napag-isipan niya rin na kung mag-alok man ito ng kasal sa kanya ay hindi niya ito tatanggihan.
"Yes, I want to spend the rest of my life with you honey, Gusto ko ng bumuo ng pamilya kasama ka. Mahal na mahal kita!" Sabi nito. Talagang naantig ang puso ni Samantha sa sinabi ng kasintahan.
"Mahal na mahal rin kita honey!" At niyakap ang hubad na katawan ng kasintahan dahil katatapos lang ang kanilang mainit na pagniniig.
DUMAAN ang apat na taon ay naging maayos at matatag ang kanilang relasyon... Hanggang sa bigla nalang nanlamig si Jiro kay Samantha. Hindi niya alam ang dahilan nito.
Habang naghahanda si Samantha papunta sa opisina ni Jiro ay nakatanggap siya ng text mula sa pinsan niyang si Sabrina. Nag-aaya itong mag-beach sa kanilang resort sa Bataan. Sinabihan nalang niya ito na susunod. Pupuntahan niya muna si Jiro para iparating dito ang isang magandang balita...
Habang tinatahak ni Samantha ang daan papunta sa opisina ng kasintahan ay bigla siyang kinabahan. Parang may mangyayari na hindi maganda. Ngunit sinawalang bahala nalang niya ang isiping iyon.
Nang makarating siya sa building ng kasintahan ay agad niyang tinahak ang daan papunta sa opisina nito. Nang papalapit na siya sa pinto ay nakita niyang wala ang sekretarya nito.
Huminga muna siya ng malalim at binuksan ang pinto....
Ngunit ganun nalang ang gulat niya... Isa isang tumulo ang luha niya...
Nakita niya si Jiro na nakaupo sa swivel chair nito habang May nakaupong babae sa hita at naghahalikan.
Kumalas si Jiro sa halikan nila. Ngunit ng nakita siya ay wala man lang itong pinukol na reaksyon samantalang ang babaeng kahalikan nito ay nakangisi lang sa kanya.
"HAYOP KA!!!!" malakas na sigaw ni Samantha at galit na sinampal at sinabunutan ang babaeng kahalikan ng kasintahan.
"Samantha, stop it!" Galit na sigaw ni Jiro sa kanya at itinulak palayo sa babae kaya napaupo sa sahig si Samantha.
"Mga hayop kayo! Lalong lalo ka na Jiro! Manloloko ka!"
"Say what you want Samantha and leave! Simula ngayon tapos na tayo!" Malamig na sabi ni Jiro. Parang sinaksak ng libo-libong karayom ang puso niya dahil sa sinabi ng binata.
Sa galit ay muli niyang sinabunutan ang babae. Hindi siya nagpaawat sa kasintahan kahit pinapatagil na siya nito. Maya-maya ay itinigil na niya ang pagsabunot dito ng May maramdaman siyang basa sa kanyang kamay. Nagdugo na pala ang anit ng babae.
"Ano ba Samantha! Umalis ka na!" Sigaw ni Jiro.
Sobrang sakit sa puso ni Samantha ang nangyayari. Hindi niya akalain na ang lalaking pinakamamahal ay nagawa siyang saktan at lokohin.
Hindi kinaya ng puso ni Samantha ang nangyayari. Napaupo nalang siya sa sahig at umiyak ng umiyak.
Maya maya pa'y biglang pumasok ang dalawang pinsan ni Samantha na sina Nathan at Samara.
"OMG!" React ni Samara ng makita ang pinsan sa sahig at agad niya itong dinaluhan.
Nanggagalaiti namang sinuntok ni Nathan si Jiro at napaupo rin ito sa sahig.
"Hayop ka Aguilar, pinagkatiwala ko sayo ang pinsan ko pero pinaiyak mo lang siya! Itong tatandaan mo Jiro! Mula sa araw na ito hindi ko na hahayaang lumapit pa sayo si Samantha! Tandaan mo iyan!"
Nanginginig naman sa takot na dinaluhan ng babaeng kahalikan kahalikan kanina ni Jiro si Jiro.
Binigyan naman ng masamang tingin ni Samara ang dalawa at itinayo ang pinsan mula sa sahig...
"Tara na!" Ani nito at inalalayan na si Samantha palabas ng opisina ni Jiro.
Sa paglabas niya sa pinto ng opisina nito ay ang pagkawala ng pangarap na pinangako ng binata sa kanya...
At natitiyak niya na magiging mahirap na bumangon sa bawat araw na wala si Jiro sa tabi niya...
Pero alam niya na na balang araw ay lilipas rin ang sakit na nararamdaman niya. At natitiyak niya na sa muling pagbangon ay hindi na siya iiyak.
Napahawak nalang si Samantha sa tiyan habang lulan sila ng kotse ni Nathan palayo sa building ni Jiro.
Mahal na mahal kita anak, kahit na hindi na tayo mahal ng papa mo!
STAI LEGGENDO
MCS: THE UNWANTED WEDDING-SAMANTHA MONDRAGON VALENCIA
Storie d'AmoreMONDRAGON COUSINS SERIES 1 SAMANTHA MONDRAGON VALENCIA Samantha Mondragon Valencia, ang pinakamatanda sa kanilang lahat na magpipinsan. Kaya sa kanilang lahat ay siya ang ipinagkasundo sa pamilya ng kanilang matalik na business partner. Ngunit nabi...
