"Grabe naman Tashia, nagbilin ako diba? Parang di totoong kaibigan ah." madramang sabi ni Yra

"Takaw niyo." balik na sagot ko

Inirapan niya naman ako at kumain na. Nagpasalamat naman ako kay Zoren bago kumain at tango lang ang tinugon nito pabalik.

Pagkatapos namin kumain ay naglibot kami sa campus nina Cheska at Yra. Nagkwe-kwentuhan rin ng mga bagay-bagay at kung ano yung mga parating na lessons sa mga teachers. Biglang tumili si Cheska ng may makita siya.

"Ano ba Ches?!" iritang tanong ni Yra

"Look mga sis, si Garret naglalaro!" sagot niya at may tinurong kung sino sa gym

"Saan diyan at sino ba'yon ha?" litong tanong ko naman

"My god Tashia! Saang planeta kaba galing? Si Garret Abeijón yan, isa sa mga player sa basketball team natin, isang senior and isa rin sa crush ng bayan rito." kinikilig na sabi ni Cheska

"Gwapo diba?" sabi naman ni Yra

"Di masyado." wika ko

I felt their gaze on me so I turned my head and these girls are looking at me in such a dramatic way. Cheska's holding her heart while Yra's hands are on her mouth like she's shock.

"Arte niyo naman." wika ko

"Maarte pala ha," bigla akong hinila ni Yra palapit sa gym "you're gonna talk to him and ask him to go out. Diba hindi ka maarte?"

"Ano ba Yra?! Bitawan mo'ko." hinampas ko na lahat-lahat ang kamay niya pero hindi parin siya nagpatinag at mas hinigpitan ang hawak at binilisan ang lakad

When we got inside the gym she called out Garret's name and waved but the guy just ignored her. Wow, napakahangin naman pala ng lalaking to.

"Ang arte naman pala niyan sobra pa sa bakla." bulong ko

Narinig ito ni Yra at sinigaw naman ito

"Garret, bakla ka raw oh!" sigaw niya

Natigilan si Garret at dumapi ang tingin nito saamin, hindi kang siya, lahat ng tao na nanonood sakanila ay tumingin sa direksyon namin.

Binitawan niya ang bola at naglakad patungo saamin. The crowd that was watching chanted his name like they were pursuing him to do something about what I said. Tumayo siya sa harap naming tatlo at tinitigan kami ng seryoso.

"Who said that I'm gay?" tanong nito kay Yra

Pinisil ko naman ang kamay niya pero todo ngiti lang ito kay Garret at tinuro ako. He looked at me like he's irritated.

"Who in the hell told you that I'm gay?" tanong nito saakin

Tumingin naman ako sakanila ni Cheska at nagtutulakan lang ang mga ito na para bang nasasayahan sa nangyayari.

"I'm talking to you so look up here." matigas na sabi ng malalim na boses sa harap ko

Kahit kabado ay tumingin ako sa mga mata niya, nakatingala na'ko ngayon. Mataas naman ako pero bakit angliit ko sa tabi niya? Ang mukha niya ay puno ng inis na para bang mananakit talaga ito.

"W-wala." sagot ko

"Do you want me to prove that I'm not gay?" he asked

My eyes widen when he held my shoulders and pushed me to the nearest wall. At first akala ko ay mumurahin niya'ko pero natigilan ako ng maramdaman ko na ang malambot niyang labi sa akin. Rinig ko ang 'oohh' ng mga tao pero baliwala ito dahil ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng puso ko pero wala akong magawa, para bang naestatwa ako. Nang lumayo na siya ay kita ko ang nanunuksong ngiti sa labi niya, he even messed up my hair after.

"Do you still think I'm gay now?" nanunuksong tanong nito

Ginalaw ko naman ang ulo ko para sumagot rito. Tumawa siya at agad na bumalik sa court. Hindi ko maproseso ang nangyari ngayon-ngayon lang.

Lumapit naman saakin sila Cheska at niyogyog ako. Napahawak naman ako sa dibdib ko ng mas bumilis ang tibok nito.

"Oh my, Tashia! Nahalikan mo ang isang Abeijón!!" tiling wika ni Yra

"Ano'ng feeling? Malambot ba yung lips niya?! Grabe ka naman eh! Sabi naming tatanungun lang ikaw nakahalik na agad!" sabi ni Cheska at tinampal yung braso ko

Naglakad ako palabas ng gym court, nahihiya sa mga tingin ng tao sa loob nito. Parang matutunaw ako. Hinabol naman ako nila Cheska at agad na natawa.

"A-ano ba kayo! Tignan niyo ngayon ang nagawa niyo, siguradong chismis 'to sa campus!" galit na tugon ko

"Wala kaya kaming ginawa, nagsumbong lang naman ako ah! Baket ako ba yung humalik sayo?" balik na tanong ni Yra saakin

"Nakakaimis naman eh!" Nagdabog ako at nagtungo pabalik sa room namin

Hindi ko alam na gan'to kabilis kumalat ang chismis dito sa campus. Nasa hallway palang ako rinig ko na yung mag bulong nila tungkol sa nangyari kanina lang.

"Siya ba yan? Sabagay maganda naman pero paglalaruan lang naman yan ni Garret."

"That's her? Ew, akala siguro kagandahan."

"Bumaba na pala yung standards ni Garret? That girl is cheap!"

Wow, ang harsh ah. As if naman ako yung humalik and duh, I look way better than these girls. Maganda naman ako noh pero parang matutunaw na'ko sa pangja-judge nito mga babae na'to.

Pagkaupo ko palang sa upuan ko ay pinalibutan na agad ako ng mga kaklase kong babae.

"Did you really kissed?!"

"Jowa mo ba siya beh?"

"Grabe ka Tashia!"

"Anong feeling ng lips niya?!"

"Magaling ba siya humalik, Tashia?"

Parang sasabog ang ulo ko sa mga tanong nila. Sisigaw na sana ako ng matigil na ang pagtatanonv nila ng marinig ko ang boses ni Zoren.

"Leave her alone or else I'm going to report all of you." sabi nito

Tama nga naman, President siya ng mga studyante rito at pwede niya itong gawin. Lumapit siya saakin at umupo sa harapan ko habang nakatingin ng malamig.

"Is it true?" he coldly asked

I nodded and he chuckled dryly and gave me a dead look

"Don't take that action seriously, Tashia. Wala akong pake kung gusto ko siya o hindi, don't ever fall for him."

Captivated Où les histoires vivent. Découvrez maintenant