Chapter 25: Adjustment

37 1 12
                                    

"Always remember that he gives power to weak and strength to the powerless"
~anonymous

"Morrainne"
Written by:
Hartless2003

(Chapter 25)

"Zymoun's POV"

"Hello?" Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ang boses niya. Tinawagan ko si Bianca ngayon. Gusto ko silang kamustahin.

"Hello?,Ren?Andiyan ka ba Ren?" Bibong tanong ko sa kabilang linya.
Napansin ko na walang sumasagot.

"Sagutin mo na dali" napa ngiti ako nang marinig ang boses ni Bianca na Pinipilit ata si Ren sumagot.

"Ahh ehhh hello?"

Hindi ko alam kung natataranta o nagtatampo ang boses niya pero hindi na bale iyon ang importante ay narinig ko siya.

"Kamusta kana?" Tanong ko at napasandal ako sa upuan.

"Ayus lang ayun masaya paren" Balik na sagot niya. Napatango naman ako at natawa kahit alam kong hindi naman niya iyon nakikita.

"Mabuti yan, Good Atleast I know you're happy" sabi ko saka napapikit ng mata. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.

Ilang sigundo lang ay nag salita siya.

"Ikaw ba?kamusta?" Tanong niya.

Napaangat ako ng ulo at nakita ang repleksiyon ko sa salamin na pinto ng kuwartong papasukan ko mamaya. Kasalukuyan akong nasa ospital. Nakaupo, naghihintay sa doktor na titingin saakin. Ngayon kase ang unang araw na mag ki-chemotherapy ako.

"Ito pogi paden" malokong sagot ko, taliwas sa itsura ko ngayon. Mukhang sabog at walang tulog. Naka sout ng puting hospital gown para sa mga pasyente. Ito ata ang itsurang ayaw na ayaw kong makita niya.

Kita sa itsura ko ang pagbawas ng aking timbang kahit maayos naman ang kain ko.

"Ah mabuti, mabuti naman mag pagaling ka diyan" mabilis niyang sagot at biglang nag hari ang katahimikan.

"Say? Hello bro, kamusta ka dyan??" Si Kenji.

"Ayos lang Ken, ito pa pogi na ng pa pogi napag kakamalan nga akong artista dito eh." Sagot ko narinig ko naman ang tawa niya sa kabilang linya.

"Sira, magpagaling ka d'yan bro ah. Oh siya lowbatt na ata cellphone ni Bianca, tatawagan ulit kita mamaya para makapag usap tayo-- hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita nang tawagin ko ang pangalan niya.

"Kenji, may tiwala ako sayo. Alam kong aalagaan mo nang mabuti sila Morrainne". Mahinang sabi ko. Alam ko namang magiging maayos sila Ren kahit na wala ako.

"Ano ibig mong sabihin bro?"halata sa boses niya na naguguluhan siya.

"Andiyan paba sila Bianca?" Tanong ko at sinagot naman niya iyon.

"Yes actually katabi ko sila at busy sa sarili nilang mundo" Napatango ako sa sinabi niya.

"Mabuti, Pwede bang lumayo ka muna sa kanila... may sasabihin lang akong imlortante at... at may favor?"
Narinig ko ang pag paalam niya kela Bianca at ang buntong hininga niya.

"Bakit need mo pang ipalayo ako sa kanila bro? Kinakabahan naman ako sa sasabihin mo"Napa tingala ako sa kisami nang ospital.

"Baka hindi muna ako makapag paramdam sainyo Ken, Dideritsohin na kita. Bawal ako gumamit ng mga gadgets eh. Saka medyo hindi ko masisisgurado yung mga resulta ng test saakin" mahabang litana ko.
Medyo nanginginig narin ang boses ko pero wala akong paki. Kahit lalaki ako may karapatan akong makaramdam at may karapatan akong umiyak.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jan 01, 2023 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

MorrainneOnde histórias criam vida. Descubra agora