Chapter 13 - Can I kiss you

Start from the beginning
                                    

"You're freaking crazy." Bulong niya sa sarili pero rinig na rinig ko.

"Ikaw. Baliw ka din naman. Pagkatapos mo akong baliwin sa paghalik mo sa'kin.. ganito ang iaasta mo sa'kin ngayon? Tapos sasabihin mong kalimutan ko na? Baliw ka din dahil binaliw mo ako. Sa tingin mo ba gano'n lang kadaling kalimutan ang nakakabaliw mong halik?" Nabaliw na talaga ata ako dahil hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi ko.

"Pwede ba, Savinna.. tatantanan mo ako? Hindi ko gusto iyang presensiya mo."  Napantig ang tutuli ko sa sinabi niya.

"Kung hindi mo gusto ang presensiya ko.. bakit ka pumunta sa bahay kagabi at ginawa sa'kin yung nakakabaliw na paghalik mo?! Hindi mo gusto ang presensiya ko pwes! ako? Gustong gusto ko ang presensiya mo!"

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa buong paligid matapos kong sabihin yun.

"Kalimutan mo na nga 'yong nangyari kagabi..  whatever you say, I don't have fucking care at all. Kung ayaw mong umalis, ako ang aalis." Nagsimula na siyang ihakbang ang mga paa ngunit hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

Napilingon siya sa'kin. Nakasimangot lang akong nakaharap sa kanya. "M-may nangyari ba? D-dahil ba ito sa tumawag sa'yo kagabi? S-sino ba yun?"

"None of your freaking business." Inagaw niya ang braso niya bago tuluyan na akong iniwang mag-isa sa rooftop. Hindi ko na din mapigilan ang maiyak ng maiyak. Parang nanlumo ata ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun at agad na sinagot. "H-hello." Basag ang boses ko. Hindi ko din mapigilan ang mapahikbi.

"Hello, Sav? Are you okay? May nangyari ba?" Nag-aalalang sunod sunod na tanong ni Brent sa kabilang linya. "Are you crying? Where are you? Bakit hindi mo ako hinintay? Nauna ka na daw, akala ko ba ay ako ang magsusundo sa'yo? Andito ka na ba sa university?" Tudo singhot ako ng sipon habang nakatapat sa tenga ko ang cellphone.

"I'm sorry hindi na kita nahintay kas--"

"It's okay. Where are you? Are you crying." Putol niya sa sasabihin ko.

"A-at the rooftop, no, I'm--" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko ng bigla niyang pinatay ang tawag.

Naupo naman ako at niyakap ang sariling tuhod habang umiiyak. Gusto ko mang tawagan si Anayaleah, alam kong busy yun sa ngayon. Abala yun sa pagre-review. Huhupa din naman itong mga luha ko eh.

"Savi!" Napaangat ang ulo ko at dinako ang paningin sa papatakbong si Brent patungo sa kinaroroonan ko. "Anong nangyari, bakit ka umiiyak?"

Pinunasan ko ang luha ko. "Wala ito, hayaan mo na." Nagulat ako ng bigla siyang umupo sa tabi ko at niyakap ako. Hinayaan ko siyang yakapin ako. Gusto ko din na may makayakap ngayon dahil sobrang sakit ng ginawa ni Angelo sa'kin. Lalo akong naiyak at yumakap pabalik kay Brent.

"Shh, Don't cry.. kaya ayaw kong nakikita kang umiiyak eh dahil ang panget mo pag naiyak." Hinaplos-haplos pa niya ang buhok ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako magagalit sa sinabi ni Brent. "Crush mo pa naman ako, at baka hindi kita i-crushback kasi ang pangit mo umiyak." Kumalas ako sa yakap at sinikmurahan naman siya. ANG HANGIN!

"Gago ka ba? Nagdadrama ako dito eh! Kahit kailan talaga ang feeling mo!Lumalakas tuloy ang hangin dahil sa'yo! Isa pa, ang ganda ko kayang nilalang. Baka ikaw nga ang may crush sa'kin eh." Natatawa kong sabi at tinulak naman ang balikat niya dahilan ng pagkakaupo niya sa sahig mabuti nalang at naitukod niya yung dalawang kamay niya. Biglang humangin ang malakas. Dahil sa kahanginan niya lumakas ang ihip ng hangin dito sa rooftop. Sobrang aga pa naman at malamig ang bawat pagtama ng hangin sa balat mo pag andito ka sa rooftop.

Love To HatredWhere stories live. Discover now