Chapter 13 - Can I kiss you

80 21 0
                                    

Iniwan niya akong nakatunganga at luhaan. Pero hindi ako magpapatinag do'n. Susundan ko siya.

"Angelo!" Dire-diretso lang siya sa paglalakad na para bang hindi ako narinig.

"Angelo! Kausapin mo ako at bawiin mo yung sinabi mo!" Tudo ang hikbi at pagpunas ng luha ang habang nakasunod ako sakanya. "Angelo!"

Sobrang sakit lang.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Walang emosiyong tingin ang sumalubong sa'kin.

"I said, just forget about what happened last night.. matalino ka, hindi ba? Naiintindihan mo naman ako siguro, hindi ba? Hindi ko nga nagustuhan iyang... " Matagal siyang napatitig sa'kin. Hindi. Sa labi ko siya nakatitig at ilang segundo din iyon bago siya magsalita muli.. "Labi mo..  kaya kalimutan mo na.. hwag mo na din akong sundan." Dugtong niya at muli ay tumalikod na naman at nagpatuloy sa paglalakad.

Lalo akong naiyak at muli ay sinundan ko na naman siya. Wala akong pake kahit magalit siya sa'kin. Wala akong pake kahit ipagtabuyan niya ako! Wala akong pake sa mga masasakit niyang mga salita. Basta ba bawiin niya yung sinabi niya. Alam kong nagustuhan niya ang halik ko at gusto kong aminin niya yun mismo sa harap ko.

Galit siyang lumingon ulit ng mapansing nakasunod pa din ako sakanya.

"Come on, Arevalo! Aren't you listening? can't you understand?! Don't follow me or else.." Sandali siyang napatigil. Kung hindi ako nagkakamali ay sa labi ko na naman siya nakatingin.

"Or else, ano?" Pinunasan ko ang mga luha at tinitigan siya sa mata niya.

"Argh! Just don't follow me, would you?!" Sigawan mo lang ako, okay lang sa'kin yun basta ba ikaw. Sumimangot akong umiling iling. Yung mga luha ko din hindi na magtigil sa pag-agos.

"A-ayaw ko.." Basag ang boses ko.

"What do you want me to do just to make you stay away from me!?" Sumikip na naman ang puso ko.

Ayaw kong lumayo sa'yo!

"J-just tell me you like it too.."

Saglit siyang napatulala habang ang mga mata ay nasa sahig.

"No.. I don't like it.." Muli ay tumalikod siya. At dahil tinanggi niya na naman susunod na naman ako.

Paakyat na siya sa hagdanan. Alam ko na kung saan siya pupunta.

Andito na naman kami sa rooftop. Nagyoyosi na naman siya. Kita kong umupo siya sa gilid ng fence at umupo't sumandal doon nakita ko ding napatingin siya sa'kin ng nakakunot noo.

Dali akong lumapit sakanya at tumabi.

Tahimik lang kaming dalawa at ayaw ko sa ganitong paraan kaya hinugot ko sakanyang bulsa ang kaha ng segarilyo dahilan ng pagkagulat niya. Dali niyang inagaw ang kaha. "Baliw ka ba?!" Tinignan niya lang ako ng masama. Pinunasan ko naman ang luha at tinignan siya sa mga mata.

"Oo, baliw ako! Baliw ako sa'yo!" Sigaw ko sa harap niya. Nagsalubong lang yung kilay niya bago padabog na kinuha ang kaha at inalis ang tingin sa'kin. "G-gusto ko lang namang sumubok kahit one stick lang.." Dagdag ko. Basag pa din ang boses dahil hindi pa din tumitigil ang mga luha ko sa pagtulo.

Love To HatredNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ