Napatingin naman kami sa katabi niyang sasakyan.

"Jeep?" Sabay-sabay na tanong ng mga lalaki.

"Ay hindi, Mercedes Benz." Sarkastikong Sabi ni Krizia sabay irap.

Halos sabay sabay pa silang napabuntong hininga.

"Ang aarte niyo naman sige maglakad nalang kayo!" Saad ni Krizia tsaka nauna nang sumakay sa jeep.

Wala namang nagawa ang mga lalaki kundi sumunod at sumakay din na agad kong sinundan.

"Oh hija kumpleto na ba kayo? Deretso naba sa MOA 'to?" Tanong ng tsuper kay Krizia.

Ngumiti naman si Krizia tsaka tumango. Kinausap na pala niya ang tsuper na ideretso kami sa MOA. Ayaw siguro nito ng ilang sakayan para lang makarating roon. Well, ayaw ko rin naman.

At dahil medyo malayo ang MOA sa lugar namin.

Nag-soundtrip kaming magkakaibigan at napuno ng ingay ang jeep hanggang sa makarating kami sa destinasyon.

At ngayon nga ay nandito na kami sa seaside ng moa.

"Don tayo sa ferris wheel!" Masayang sigaw ni Joy.

"Ay bet" sang-ayon ni Ayesah.

"Oh tara na" Saad ni Jessabelle na nanguna.

Nagtakbuhan na sila habang ako ay hinihintay si Krizia na nagbabayad sa tsuper.

Nang matapos na siya ay agad siyang lumapit sakin.

"Nasan na sila?" Nagtataka niyang tanong.

"Doon." sagot ko at itinuro ang ferris wheel.

Tumingin naman siya sa likuran ko.

"Oh bat andiyan kayong dalawa? Hinihintay niyo kami?" Tanong niya.

Napaharap naman ako dito at nakita si Ken at Renz.

Sabay pa silang dalawa na tumango at ngumiti.

"Tara na." Saad ni Renz at nanguna ng maglakad.

Sumunod naman din kami agad.

Magkatabi kami ni Krizia at nasa harap namin si Renz.

Samantalang si Ken ay nasa likod namin.

Nang makarating kami sa ferris wheel ay nakasakay na ang mga kaibigan namin.

Pero sila Jessabelle ay nasa baba pa.

"Antatagal niyo! Muntik na tuloy magpasakay ng iba si kuya!" Bungad niya samin kaya nag-peace sign nalang ako.

"Tse!" Sigaw niya at agad na sumakay sa inuukupa nila ni Raven. Siya lang talaga yung kilala kong nagmamabuting loob pero galit.

Sumunod naman kami ni Krizia, una akong sumakay dito sa pinareserba nila Jess at hinihintay nalang na makasakay si Krizia. Papasakay na sana siya pero hinatak siya bigla ni Ken at itinulak ni Ken si Renz dito sa loob na ikinagulat ko.

Siraulo.

Muntik pa akong matawa dahil muntikan nang madulas at mapasubsob si Renz rito dahil sa ginawang pagtulak sakanya ng kaibigan. Binalingan niya pa ang kaibigan at binigyan ng matalim na tingin pero nginisian lang siya nito at nag-thumbs up.

Wala na akong nagawa dahil sinara na agad nila ang inuukupa namin at unti-unting umangat.

At dahil ninenerbiyos ako, umupo ako agad.

May fear of heights ako kaya hindi ako titingin sa baba mamaya. Baka maiyak lang ako rito. Dapat cool lang tayo.

Tahimik lang kaming dalawa ni Renz habang unti-unting umaangat ang ferris wheel.

KAGAGOALSWhere stories live. Discover now