Chapter 2

0 1 0
                                    

"Tama ka Uno, doon ko nga balak mamuhay." Sagot ni Ginoong Ellis sa tanong ni Uno.

Nagulat naman si Uno nang makumpirma ang kanyang iniisip. Ang pamumuhay sa Lower Realm ay hindi madali, bukod sa tinawag itong Lower, ang mga kagamitan at potions doon ay iilan lang. Hindi lahat ay nakakuha nito, alam ito ni Uno dahil pinag- aralan niya ang mga ibat ibang Realm. Mag uumpisa ulit sa wala ang kanilang panginoon at aakyat ulit pataas. Ngunit alam niyang hindi ito ang balak ng kanilang panginoon, ang gusto nito ay mamuhay ng normal at maranasan ang mga bagay bagay na hindi nito naranasan.

"Kung buo na ang inyong disisyon ay hindi na ako sasalungat pa." Na kayukong sabi ni Uno, bilang bigay galang sa kanilang panginoon ay nasanay na siya yumuko. Nuong una ayaw ni Panginoong Ellis ang ganong akto ngunit nasanay na din ito dahil hindi niya sila masuway.

"Maraming salamat, Uno. Hintayin mo ang aking pagbabalik. Ako'y babalik at malay natin maaring may kasama, Uno." Nakangiting sabi ni Ginoong Ellis.

Nag lakad si Ellis sa kanyang mahiwagang kabinet na nasa may kanang bahagi ng kanyang opisina, itong mahiwaga dahil hindi ito mabubuksan ng sino man, at ito nakatago kaya walang nakakapansin. Naka masid lamang ng tahimik si Uno sa gagawin ng kanyang panginoon.

Nang mabuksan ang kabinet ay iniluwa nito ang ibat ibang kayamanan na meron si Ellis mula sa Gold, Swords at potions at iba pa. Kinuha ni Ellis ang isang singsing na kung tatawagin ay Dimensional ring, maari kang mag lagay ng maraming bagay sa loob nito. Sa mababang level ng Dimensional ring ay limitado lamang ang maaring ilagay.

Isinuot ito ni Ellis at nag lagay ng Gold, mga Swords, ibat ibang klaseng Potions, at mga baluti. Kinuha din ni Ellis ang kanyang isang singsing na kung tatawagin ay Concealed Ring, ito ay may kakayahan itago ang lakas ng isang Arithynero, at agad na isinuot. Nang ayos na ang lahat ay humarap si Ellis kay Uno at ngumiti.

"Paalam panginoon, ika'y mag iingat sa inyong lakbay." Yukong sabi ni Uno ng maintindihan niya ang pina-pahiwatig ng ngiti nito sa labi.

"Salamat, Uno. Magiingat din kayo, kung nag ka problema man at kinakailangan ang aking tulong, alam mo kung saan ako matatagpuan. Hanggang sa muli nating pagkikita, paalam." Paalam ni Ellis sabay bukas ng kanyang bintana sa kanyang opisina. Lumipad si Ellis paalis mukha ito ibon lang kung titignan mula sa malayo dahil sa liit ng kanyang katawan.

Napatitig na lamang si Uno sa papaalis na si Ellis, naramdaman ni Uno ang kasiyahan ng kanilang panginoon nuong siya ay papaalis. Napabuntong hininga na lamang siya at ginawa na ang dapat gawin. Hinanap niya sina Dos at Tres sa kaharian, hindi naman siya nabigo dahil nahanap niya ito at magkasama pa sila. Pag kalapit niya sa mga ito ibinigay niya ang sulat sa dalawa. Tinignan naman siya ng nagtatanong na dalawa ngunit ngiti lang ang kanyang sinagot at tinuro ang sulat. Naunawaan naman ng dalawa ang pinapahiwatig ni Uno.

Sa kabilang banda, si Ellis ngayon ay mabilis na nakarating sa Lower Realm. Ng makalapag si Ellis ay nakahubilo ito sa mga tao. Sa tingin niya ay siya ay nasa pamilihan dahil puro tindahan ang kanyang nakikita. Balak ni Ellis na mag paampon sa isa sa mga taong naririto kaya na upo siya sa may gilid. Tuwing may dumadaan na may katandaan ay humihingi siya ng tinapay sa mga ito ngunit hindi siya pinapansin. Kaya naupo ulit si Ellis sa gilid, sa totoo lang gutom na siya ngunit hindi siya maaaring bumili dahil puro Gold ang meron siya.

Ilang sandali pa ay may dumaan sa kanyang harapan na isang Ginang na may bitbit na sanggol sa kanyang likod at sa kanyang kamay ay basket na may laman na pagkain. Agad na tumayo si Ellis at lumapit sa Ginang.

"Ginang, maaari ba ako makahingi ng kahit isang tinapay. Nagugutom na po kasi ako." Nagmamakaawang sabi ni Ellis sa Ginang, sinong mag aakala na ang panginoon ng pinakamalakas na kaharian ay mag mamakaawa ng ganito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bayan ng ArithymiaWhere stories live. Discover now