Chapter 12 - INDENIAL

2.5K 27 2
                                    

"Eros, sa'n ka galing?"

"Ah.. Dad, nakipaglamay lang po.."

"Sino'ng namatayan?"

"Classmate ko po.."

Parang maamong tupa lang pag si Dad lang kausap ko. Ang totoo, takot ako sa kanya. We all are. Madalang lang sya umuuwi ng bahay, lagi kasi sa mga business trip nya. CEO ng isang Chinese trading company si Papa. Wala na rin ako'ng mommy. She passed away when I was 16 years old dahil sa leukemia. But I have one older brother, 4 years ang tanda nya sa'kin. He's also in the business with my dad so they're both out of the country most of the time. Kaya madalas, ako lang mag isa sa bahay kasama mga katulong.

"Fix your schedule. Next week sasama ka sa'kin."

"Yes dad."

I dont dare question my dad. Kung ano sinabi nya, yun ang masusunod. Madalas naman nya ako sinasama pag may lakad sya, pinapakilala nya ako sa mga business associates nya. I guess kung hindi business meeting pupuntahan namin, baka party. Lagi naman ganun. So bakit pa kayo magtataka kung ganito ako? Rich and spoiled. Oo tanggap ko! So what? Masarap naman buhay ko. Why would I bother with what I do with my life? Ito lang kalayaan ko. By the time dad makes a decision to take over my life, yun na dead end ko. Kaya bago pa dumating ang araw na yun, I'm living my life to the fullest!

---------------------------------------

After namin mailibing si Papa, we went back to our usual life. It aint that easy to let go but we have to continue what was left behind. 

"You'll get through this.." sabay akbay sa'kin ni Ethan habang malayo lang tingin ko at nasa terrace kami

"Thank you.."

"For what?"

"For being here for me.."

"You know i'll always be here for you.."

"Hindi kaya.. Ang tagal mo nawala.. Hindi ka man lang nagparamdam sa'kin.."

"Sorry ha.. Nabusy lang.. My dad put so much pressure to me when I was there.. "

"Eh bakit hindi ka nalang bumalik dito?"

"I wanted to. So many times binalak ko bumalik na lang.. Kaso nanghihinayang ako sa opportunity.. I have to be successful. May pinangakuan kasi ako'ng isang batang babae noon na pagbalik ko pakakasalan ko sya. I wanted to give that girl a good life." he smiled at me.. sh*t kinilig ako dun ah!

"Natatandaan mo pa ba yun? haha! Ikaw naman, ang babata pa natin nun diba?" i laughed sabay blush ko c:

"That's better. " hinaplos nya mukha ko.. "Laugh. Smile. Be happy." mukhang lalo'ng namula pisngi ko dun ah.. 

Sa lahat ng lalaking nakilala ko, si Ethan lang ata ang matino. He's responsible and hardworking. What I like most about him is his sincerity. Kung may kaisa isang tao dito sa mundo na hindi ako magagawang saktan, si Ethan lang siguro yun.

" i'll pick you up later ok?" said Ethan just before I got off his car

I just smiled and went to school. Lahat ng mga kaibigan ko dumating nung lamay at libing, another thing I am grateful for. I thank God I have these kind of friends, they never fail to make me feel loved. So after class, I told my friends na susunduin ako ni Ethan kaya hindi ako makakasabay pauwi. kilig naman sila. Nakita na nila si Ethan nung lamay. Husband material nga daw. Kaso hindi nila maintindihan kung magkapatid ba kami o ano. Eh hindi naman kami pareho ng nanay at tatay.. Nagkataon lang na nagpakasal ang mga magulang namin kahit andun na kami..

Naglalakad na'ko palabas ng school ng biglang may humarang sa tapat ko. Si Eros. Pilit ko sya'ng iniiwasan pero makulit sya hanggang sa nainis na'ko.

My Hot and Naughty LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat