Chapter 26 - i'LL TRY TO LIKE YOU

1.8K 24 0
                                    

Chapter 26 - i'LL TRY TO LIKE YOU

*CLEOFE

Paalis na ako ng may nakita ako'ng puting kalapati na lumilipad... Teka, ito na ba yung sign?!! Yung dove sa papel na lumipad sa pagmumukha ko???!! sinundan ko ng tingin yung kalapati kung saan pupunta... tumigil sya sa may malapit lang kay Eros! Lord, si Eros ba???!!! Sya ba???!!!

"Go out with me." natigilan ako ng marinig ko yun. seryosong sabi nya kay Aubrey. Uwaaaaattt????!!!! Totoo ba to'ng naririnig ko??!!! kung kailan lumitaw na ang sign?!!!

"Is that true Eros?" parang maiiyak naman na sagot ni Aubrey. OA lang ah

"From now.... on i'll try to like you." sabi ni Eros kay Aubrey. Bigla naman sya'ng niyakap na Aubrey na obviously super saya at hindi na ako magtataka kung umiiyak man sya. F*ck. Yun lang masasabi ko. Para ako'ng pinagsakluban ng langit at lupa.

May pa I've fallen for you pa sya'ng nalalaman? Neknek nya! Sabi ko na nga ba mangyayari ito eh. Pero Lord bakit naman yung sign nyo mukhang nagkamali ng pinaglandingan?! Lumitaw kung kailan may kalandiang ibang babae! Pero totoo, aamin ko, na hurt ako. Unlike sa'kin, mas bagay sila ni Aubrey. Maganda, mayaman at may class. Ako? Social Climber lang. joke! Duh bakit ko sasabihan ang sarili ko ng ganun?! tsk adik lang. Tapos approve pa lahat ng parents nila. Wala ako'ng laban dito. I guess hindi lang talaga kami para sa isa't isa...

---------------------------------------

*EROS

FLASHBACK

I was making my way sa may parking lot, dadaan ako sa bandang likod ng job. Madadaanan ko ang Library at Gym along the way. Ng makita ko si Ethan sa may tabi ng library. Bakit andito ang kapre na ito? tangkad kasi sa'kin eh! ilang sandali pa nakita ko na si Cleofe. Ah ok magkikita pala sila.. Hindi ko maiwasang manood mula sa malayo. Hinawakan nya ang mukha ni Cleofe!!! Nakaramdam ako ng init na umakyat sa ulo ko.. pero di ko magawang lumapit!!! 

*RING RING

NOKIA TUNE dahil naka SILENT

"Aubrey. Andito ka sa school ko? Saan?? Ok sige hintayin mo ko dyan." apparently pumunta si Aubrey sa school ko at according daw sa mga pinagtanungan nya, pumunta sya sa mismong classroom ko pero wala ng tao dun. Kaysa panoorin ko ang paglalandian ng dalawang ito, aalis na lang ako!

Nakita ko si Aubrey na nakatayo lang malapit sa may puno.

"Ano'ng ginagawa mo dito??" pagbungad ko sa kanya

"Let's have lunch together!" masayang sagot pa nya sa'kin

"Wala ka ba'ng pasok?" iwas ko sa sinabi nya

"I cut class just to have lunch with you!" sabay kapit nya sa braso ko na mabilis ko naman'g inalis

"Aubrey, just leave." bigla naman sumeryoso mukha nya

"No. I was serious about everything I said last night. I will make you like me. I know you like that girl you brought at the hotel. And I know for a fact that she doesn't feel the same." ouch ah!

"At paano ka naman nakakasigurado na she doesn't feel the same?"

"Coz if she does, she should be with you right now. I don't see her anywhere knowing na magkaklase pa pala kayo'ng dalawa." galing naman nito!!! bigla ko tuloy naalala yung kanina sa may library.. siguro nga gusto ni Cleofe yung lalaking yun.. Bakit pa nga ba ako magpapakatanga? Eh maganda na to'ng humahabol sa'kin

"Go out with me." bigla nalang lumabas sa bibig ko.. ayoko ng mag isip, sumasakit lang ulo ko! 

"Is that true Eros?" bakas pa sa mukha nya ang pagkabigla sa sinabi ko

My Hot and Naughty LoveWhere stories live. Discover now