Pick-up
Hindi na nga ako ginulo ni Ivan matapos ang engkuwentrong iyon. Matanda siya ng isang taon sa akin ngunit magka-year level kami at katabi lang ng classroom ko ang room niya ngunit ni minsan hindi ko siya nakita pati si Divina halos ilag at ayaw akong makasalubong. Lumipat rin ng upuan simula ng banggitin niya sa aking may namagitan raw sa kanila ni Ivan. May pictures pa siyang katunayan.
That was the whole story. I'm with Ivan for five months and nothing happened to us. He asked that several times, but I'll admit that I'm not really on to that. I'm doing boyfriends but not to the extent that I'll do such things. Minsan nga iniisip kong kaya lang siguro ako nakikipag-boyfriend ay para mapunan rin ang puwang na iniwan ni kuya, mas kailangan ko yata talaga ng brother figure. And I hate to admit that, the reason why I'm allowing other guys to enter my life is probably to fulfill that.
Magkabukod kami ng building ni Ram ngunit mas madalas ko pa siyang nakikita kaysa kay Ivan na pader lang ang aming pagitan. Not that I want to collide with him again but I just really want to distinguish what I'm feeling.
Matapos kasi ang encounter namin sa may gate hindi na ako nagmukmok o naiinis man lang kahit makita ko si Divina. Napakabilis ko naman yatang magmove-on at ni ngayon hindi ko na halos siya naiisip.
Kakatapos lang ng klase naming pang-umaga at nagliligpit ako ng gamit ko ng nagsinghapan ang mga nasa gilid kong kaklase.
I glanced at them at followed their gaze. Napa-ismid ako ng nakita si Ram sa pintuan, nakasilip at naghihintay.
May usapan kaming irereview niya ako para sa nalalapit na quarterly examination. Kaya ko ang ibang subjects ngunit mayroon talagang nakakalito at kailangan ng matinding comprehension at pagsasaulo ng formula.
"Suwerte talaga ni Gly, siya lang ang nakakalapit diyan." my classmate said.
Hindi ko sila nilingon at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Gusto ko nga sanang magpatulong sa kanya kaya lang ayaw naman."
Umirap ako sa hangin, they talk as if I cannot hear them. O talagang ipinaparinig nila para magprisinta akong tulungan sila.
Ayoko nga! Over my sexy and gorgeous body. Kung ako nga sawi sa nagiging lovelife at ngayon lito pa sa tunay na gusto sa buhay, tapos sila gagawan ko ng paraan?
Hindi dapat gano'n, kailangan magtiyaga para may nilaga. Wala ng shortcut sa mundo.
Natawa ako sa mga naiisip pero hindi ko ipinahalata, baka isipin pa nilang nababaliw ako at tumatawa mag-isa.
"Sa bench tayo?" Ram asked as I neared him.
I nodded and walked first. Sumunod siya sa akin.
Nag-aral kami hanggang hapon at inubos ang breaktime ng makarating sa benches, doon na rin kami kumain. Nagpahanda ako ng baong pangdalawang tao sa katulong namin para hindi na kami pipila sa kantina ng paaralan. Bawas aksaya ng oras.
Nagpatuloy ang ganoon hanggang dumating ang araw ng exams. Half day lang lahat ng primary and seconday levels dahil sa mangyayaring tests kaya may oras pa kami sa hapong magreview.
"Sige na sa bahay nalang ako magrereview mamaya." pamamaalam ko sa kanya.
Unang araw namin ito ng exam at eksakto namang iyong mahihirap na subject ang para bukas kaya may oras pa akong magreview ulit.
"Kung gusto mo sa bahay ka ulit para mas mareview kita ng maayos." anyaya ni Ram.
It's tempting though, kaya lang tuwing naiisip kong abala ako sa kanya parang ayaw kong sumama. Hindi siya nakakatulog ng maayos dahil sa sahig siya hihiga samantalang ako sa kama niya.
YOU ARE READING
Hidden Affection
RomanceMinsan hindi mo nararamdaman na nagmamahal ka na pala. Akala mo concerned lang pero pagmamahal na pala. Some of us really hard to distinguished those feelings, but did they really have difference? Baka naman talagang parehas lang. Magiging masaya ka...
