Kuya
Nakahinga ako ng maluwag ng matapos kami. Niligpit niya ang gamit at inayos ang kama, pinalitan pa niya ang mga pillow covers at kobre kama, gusto ko sana siyang sawayin at ayos na sa akin iyong dati kaya lang baka isipin naman niya na gusto ko siyang maamoy habang nakahiga ako roon kaya hinayaan ko na.
Ang weird ko na mag-isip ha. Pati maliit na bagay gusto kong lagyan ng dahilan at kahulugan.
Kumuha siya ng kumot sa drawer at inilagay rin sa kama iyon.
Nilingon niya ako ng matapos ang lahat. "You can sleep."
Atubili akong ngumiti. "Paano ka?"
Alam ko na sinabi na niyang sa sahig siya matutulog kaya lang nakakaawa naman kung talagang doon siya. Wala akong nakikitang ibang kutson dito kundi iyong tutulugan ko kaya anong ilalatag niya? Malamig ang sahig at baka magkasakit siya. Kargo de konsensiya ko pa iyon kapag nagkataon.
Muli kong naiisip na dapat nga yata talaga umuwi nalang ako nang hindi ko na siya naabala ng ganito.
"Dito ako sa ibaba, may panlatag ako."
"Latag lang hindi foam? Matigas ang semento kaya masakit 'yan sa katawan." alala kong turan.
As if may iooffer ako sa kanya kung sakaling magbago ang isip niya?
"Ayos lang, sanay ako." he assured me.
"S-sige, ikaw bahala."
Tumango lang siya at tipid na ngumiti, ako nama'y naglakad na papuntang kama para makahiga.
Kakaupo ko palang sa higaan, lumakad na siya papuntang drawer ulit at kinuha ang nakatiklop na tila makapal na kumot sa ibabaw noon.
Pinanood ko siyang dalahin iyon sa harapan ng katreng aking hihigaan at ilatag ng maayos. Muli siyang bumalik roon matapos maglatag at kumuha ng ilang pirasong damit.
He fold the clothes nicely into a form of a pillow. Bigla akong nakaramdam ng hiya. May dalawang unan ako sa kama at siya ay damit na ginawang unan ang gagamitin.
Agad kong hinagilap ang unan at ini-alok sa kanya. "Ito o, gamitin mo, dalawa naman ito, mayroon pang isa."
"Hindi na, ayos na 'to."
"Pero, matigas iyan at masakit sa ulo."
Umiling lamang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Napabuntong hininga ako at lalong ginapangan ng hiya.
I really shouldn't be here. Ngunuso ako at piniling umupo nalang sa kama.
If only kuya Rostum is here. Hindi sana ako malulungkot mag-isa sa bahay at pipiliing manatili rito at maging abala kay Ram.
Natahimik ako ng maalala ang kuya ko. Magkakasundo kaya sila ni Ram kung sakaling buhay pa siya?
Siguro, parehas kasi sila ng edad at ng gustong kurso. Engineering sin si kuya at piniling mag-aral sa Laguna ng college, kasabay noon ay ang paghanap niya ng trabaho roon.
"Nakakatulog ka ng patay ang ilaw?" natigil ang mga iniisip ko sa tanong niya.
Bumaling ako sa kanya at tumango. He switched the light off then returned on his bed. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makahiga siya patalikod sa akin. Humiga na rin ako.
He's a huge guy. Matangkad siya at talagang halata ang kaibahan sa pangangatawan niya kumpara sa mga kasabayan sa paaralan. Nakagat ko ang labi ko. Gusto ko sanang mag-rant tungkol sa walanghiya kong ex kaya lang baka mainis na naman siya sa akin. Ni hindi na ako nakapag-moment ng maayos at hindi na nabanggit simula ng muntik na akong magwalk-out kanina.
YOU ARE READING
Hidden Affection
RomanceMinsan hindi mo nararamdaman na nagmamahal ka na pala. Akala mo concerned lang pero pagmamahal na pala. Some of us really hard to distinguished those feelings, but did they really have difference? Baka naman talagang parehas lang. Magiging masaya ka...
