Food
"Ano bang kulang ko? Ano bang problema sa akin? May dapat ba akong baguhin? Sabihin mo!" sentimiyento ko.
"Wala kang kulang, sobra ka nga eh. Sobra mong tanga kaya ka iniiwan! Manhid pa!" he said then snatched his bag on the table before he left me.
Naiwan akong mag-isa, nagrarant.
Sa ikalimang pagkakataon niloko na naman ako ng boyfriend ko. Naging mabait naman ako sa kanya, tinutulungan ko pa nga sa pagrereview kung may exam siya. Pero bakit niya ako nagawang ipagpalit sa kaklase ko at katabi ko pa!
Nakasimangot kong nilingon kung saan siya nawala.
Akala mo naman kung sinong ekspertong makapagsabi na tanga ako at manhid, samantalang siya hindi pa naman nagkaka-jowa ni isa. Ang galing makapang-akusa, akala mo naman maraming alam sa pag-ibig!
Pinigil ko ang ngiti ng sumulpot siyang muli sa pinagwalaan kanina. May dala ng bote ng tubig. Sabi ko na nga ba, kunwari lang iiwan ako pero concern naman talaga.
Lalong dumidilim ang mukha niya habang papalapit kaya muli akong sumubsob sa mesa.
"Uminom ka muna." sabi niya makalipas ang ilang saglit, nakalapit na ulit.
Patuloy ang paghihimutok ng kalooban ko pero nangingiti ako sa isiping hindi talaga niya ako natitiis tuwing ganito. Kunwari galit pero mamaya naman babalik.
"Tama na 'yan, kung niloko ka, ibig lang sabihin no' n wala siyang kuwenta." sermon niya.
Tumunghay ako, nakasimangot na ulit. Pinunasan ko ang mukha ko pero sinisilip siya.
Madilim pa rin ang mukha niya at nakaabang na sa pagtaas ng paningin ko sa kanya.
Iginala ko muna ang mata sa paligid bago ibinagsak sa kanya. Wala ng mga estudyante at halos nagsiuwian na.
Muli akong sumimangot at inabot ang tubig.
Bukas na iyon kaya ininom ko nalang. He remained on his dark face, brows furrowed and eyes narrowed at me.
"Tara na ihahatid na kita, baka hinahanap ka na nina tita."
"Ayaw ko pang umuwi." I protested.
Hindi ko gusto ang ideyang umuwi ako tuwing ganito. Wala akong nakakausap sa bahay dahil laging busy ang mga magulang ko. Lalo ko lang maaalala na niloko ako kapag mag-isa na sa kuwarto at apat na sulok nalang ng kuwarto ang natatanaw ko.
Tumawa siya. "At saan ka pupunta? Walang ibang safe na lugar para sa'yo tuwing ganito ka kundi sa bahay ninyo."
"Wala naman akong nakakausap don, lalo akong malulungkot."
"Mas ayos ng malungkot ka kaysa mapahamak ka." bawi niya.
Muli akong sumubsob sa mesa, ayoko talaga ng ideya na uuwi ako. Dito nalang ako sa school magpapalipas ng gabi kung ganoon.
He grabbed my wrist and pulled me. Wala sa loob akong nadala sa paghila niya. Hindi naman masakit pero nairita ako sa ginawa niya.
"Bitawan mo ako, ayaw kong umuwi!" singhal ko.
Mali na ginagito niya ako ngayon dahil baka sa kanya ko maibuhos lahat ng hinanakit ko.
"Iuuwi kita, hindi puwede ang gusto mo. Kababae mong tao hindi ka uuwi ng bahay ninyo." he's a bit frustrated now.
But what I'm feeling is more than what he is. Mas galit ako kaysa galit siya sa akin.
I harshly pulled my hand but his grip wouldn't loosen. Ginawa ko pa ulit ngunit ganoon pa rin.
BINABASA MO ANG
Hidden Affection
RomanceMinsan hindi mo nararamdaman na nagmamahal ka na pala. Akala mo concerned lang pero pagmamahal na pala. Some of us really hard to distinguished those feelings, but did they really have difference? Baka naman talagang parehas lang. Magiging masaya ka...
