Chapter 1

3 1 0
                                    

Isang ginoo ngayon ay nakaupo sa kanyang trono habang pinagmamasdan ang kanyang kinasasakupan, nababakas sa kanyang mala-anghel na mukha ang pag kainip at pag-kabagot.

Habang ito'y nakamasid, nagbalik-tanaw  ito nung siya ay bata palang. Sobrang daming hirap ang kanyang pinagdaanan upang maabot kung ano man ang meron siya ngayon. Napaslang ang kanyang mga magulang ng siya ay anim na taon pa lamang, ng dahil doon kinakailangan ng kaharian niya ng bagong hari nguni't hindi sangayon ang mga opisyal sa kanyang sa kadahilanan siya ay bata pa lamang. Kaya ang kanyang tiyuhin ang naging hari, ipinatupad nito ang opisyal na laban ng mga magkakapatid para sa titulong crown prince o susunod na hari.

Ikinabahala ito ng anim na taong gulang, at tingin niya isa itong napakawalang kwentang disisyon. Pero walang umapila kaya naman, nag umpisa ang labanan ng magkakapatid. Hindi naman naging invisible ang anim na taong bata dahil siya ang unang inatake ng mag kakapatid. Tumakas ang anim na taong bata, tumakbo ito sa gubat ngunit makikitaan mo ito ng paghihina at may mga sugat itong natamo. Bago ito mahimatay may nakita sakanya at tinulungan siya duon niya nakilala si Uno na ngayon ang kanyang kanang kamay.

Binuo nila ang grupo ng may anim na miyembro, na pinangalanan niyang Shádows of Death. Silang pito ay sabay sabay na umakyat pataas upang makamtan ang kanilang mga pangarap at upang makuha ang tronong kanya naman. Ngayon nakamit na nila ito, kung ano ang meron sila ay galing ito sa dugo't pawis nilang pito.

"Formation!"
"Sword point!"
"Begin!"

Iyan ang isa sa mga ingay na narinig mg Ginoo, sinong mag aakala na ang dating maliit na grupo na kanyang binuo ay lalaki ng ganito. Meron sila daang-daang libong Arithynero na nasa level Sky Master at Legendary.

Ang level na Sky Master at Legendary ay hindi madaling abutin lalo na kung ikaw ay walang mga potions at malakas na armas na pwedeng mo gamitin sa training. Pero kung ikaw ay biniyayaan ng mga ito ay hindi pa din ganon kadali ang pag pampalakas ngunit mas mabilis itong paraan kesa sa mano manong training.

Ang namamahala sa mga Arithynero ay ang tatlong miyembro ng Shadows of Death na sina Saya, Anisa, at Fablo. Sila ang inatasan ng panginoon nila upang husayin ang mga Arithynerong bago sa kanilang grupo. Pinag- hati sa tatlong hanay ang daang- daang libong Arithynero upang mas mapabilis at mas makita ng mabuti ang kanilang pag eensayo. Hindi birong mamuno ng napakaraming Arithynero ngunit naisip nila ang kanilang panginoon na namumuno ng buong kaharian nito.

Sa kabilang banda, ang kanilang panginoon naman na ngayon ay nakaupo pa rin sa kanyang trono ay mararamdaman mong ito ay napakalakas, ang awra na nakapalibot sa kanya ay hindi basta basta. Kung ikaw mismo ang haharap sa kanya ng harapan, ikaw ay mapapaluhod at mangagantog sa takot.

Ilang sandali hindi na nakatiis ang Ginoo at ito ay tumayo mula sa kanyang pag kakaupo at lumipad sa himpapawid. Kaya niyang lumipad dahil nalag-pasan niya na ang level na magbibigay kakayahan na lumipad.

Nagtungo siya sa Upper Realm at pinag- masdan ang buhay ng mga tao roon. Walang nakakapansin sakanya dahil tinago niya ang kanyang awra. Nakita ng Ginoo ang pamumuhay sa Upper Realm, hindi niya ito nagustuhan dahil puro may ganid ang mga naroon.

Sumunod siya sa Middle Realm, ngunit magulo ang nasa kontinenteng ito. Halos digmaan ang kanyang nakikita at ang mga ordinaryong at nasa mababang level na Arithynero ang nahihirapan sa pagitan ng labanan. Hindi din ito nagustuhan ng Ginoo.

Ang huli nitong tinungo ay ang Lower Realm, mas kilalang pinakamahinang kontinente at may pinakamahinang mga Arithynero. Ngunit mapapansin mo ang pag kakaiba nito sa ibang kontinente. Ang kontinente ito ay mapayapa, wala digmaan at walang agawan ng mga arian. Makikita ang mga bata na pursigidong magpalakas, at kasiyahan ay makikita sa kanilang mga mukha.

Bayan ng ArithymiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon