Candy Wrapper by TheUnpredictableGirl

Comenzar desde el principio
                                    

*PAK*

“LOKO KA! ANO YUN HA! Kaya naman pala nakakagulat na binigyan mo ako ng candy, yun pala wrapper lang!”

“Ang sakit naman ng palo mo, pe—HAHAHAHAHA” Sige tawa ka pa. “Tingnan mo ang laman.”

“Eh nakita ko na eh. Papel! Anong akala mo sa akin, Kumakain ng papel?!” sabi ko sakanya. Nakakabadtrip talaga ‘tong kasama.

“Hindi, buksan mo, may laman yang papel.” Sabi niya sa akin at ako naman itong uto-uto, binuksan ko ang crumpled paper at tiningnan ko ang laman.

Uto-uto! Panget ka!! HAHA :P

=__=++++++++++++++++++

“BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!” ay bwisit na lalaki ‘tooooooooooo!!!!

*PAAAAK*

“Aray ko naman! Pinapatawa ka lang eh. HAHAHA!” Anong pinapatawa, siya lang natutuwa. Huwag niya akong isali sa kalokohan niya.

“Huwag mo ‘kong malapit lapitan ha! Panira kang mood! Psh! Oh andito na tayo sa Guidance Office. Tulungan mo ako dito, kundi papalapa kita sa leon.” Pumasok na kami ng office at nakita ko na medyo makalat nga. Ano ba naman yan. Hindi ba nila ‘to linilinisan?

Hinanap ko kung asan ang mga panglinis. Nakita ko na nasa loob ng drawer. Kumuha na ako ng dalawang walis kasi ibibigay ko kay Chris ang isa. Swerte niya naman kung tutunganga lang siya. Paglingon ko. Aba!

“Hoy Chris-tot! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?” Nakita ko lang naman siya na nakaupo sa sofa at nakataas ang mga paa sa lamesa. Ay ang sipag lang. -_- At nakita kong may ginagawa siya. Ano naman kaya yun. Pero wala akong pakialam, tulungan niya ako dito.

“Hooy! Ano?! Tutunganga ka lang diyan.Remember, ako ang mag-aassist dito. At di ako makakapayag sa mga pinagagagawa mo. Ito, kunin mo!” Itinapat ko sa kanya ang walis. Tapat na tapat talaga. Nakatutok sakanya ang walis mismo.

“Ano yan? Alisin mo nga yan sa harapan ko. Eh hindi ako marunong maglinis. Kaya mo na yan. Kaw ang babae.” Ay aba naman. May gana pa talaga siyang magsabi ng ganyan.

“Hoy! Ano ka sinisuwerte? Kunin mo sabi ‘to.” Iniabot ko sakanya ang walis at salamat kinuha niya na rin.

Pumunta na ako sa paglilinisan ko. Sinabi ko sakanya kung saang part siya maglilinis. Doon ako sa left at siya sa isang sulok. Matingnan nga kung ano nang ginagawa niya.

Ay talagang lalaking ‘to!! Linapitan ko siya.

“Hoy lalaki ka!” Piningot ko ang tenga niya ng malakas.

“Ahhhhhh—aray ko naman. Basahin mo kasi ‘to oh, ang ganda. Haha.” Nakita niya ata yung isang komiks sa sulok ng office. Ano ba naming lalaki ‘to. 4th year na kami. Isip bata pa rin. Tss.

“Anong maganda ka diyan. Ako oo, pero yang ginagawa mo, hindi.” Sabi ko sakanya pero bigla ba naman humagalpak ng tawa.

“BWAHAHAHAHAHAHAHA! Ikaw maganda, saan mo narinig yang kasinungalingan na yan. Bawal umasa. Nakamamatay. BWAHAHAHAHA!” Bruho ‘tong lalaking ‘to.

“Ganun pala ah.” Pinalo ko siya ng walis kong dala. *PAK*

“Ah-aray, grabe naman ‘to. Binibiro ka lang eh.”

“Miss Charlene, anong ng ginagawa niyo.”

O_O

“Ah, ito po, maglilinis na po.” Inayos ko ang walis at saka tiningnan ng masama si Chris.

Your One-ShotDonde viven las historias. Descúbrelo ahora